Inamin ni Jace Flores na bago pa man siya sumali sa GMA-7 reality show na Survivor Philippines ay gusto na niya talagang maging artista.
"Actually, before Survivor, I wanted to na. Gusto ko talagang pumasok sa showbiz. So, nung nasa Survivor na ako, sinabi nila, hindi siya artista search. So, walang promises na magiging artista ka after. Isa talaga sa goal ko sa buhay yung magkaroon ng wild adventure. Kaya I joined Survivor talaga," kuwento ni Jace nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Luna Mystika kagabi, November 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network.
Nang matanggal ni Jace sa Survivor, kinuha naman siya ng GMA-7 para maging artista sa Luna Mystika. Ano ang feeling niya na natupad na ang pangarap niyang maging artista at nakasama kaagad siya sa isang malaking proyekto?
"It's sobrang great!" bulalas niya. "It's also sobrang shocking, especially na ganito kalaking opportunity na part of a soap, na hindi pa nila alam kung magaling ka bang umarte or what. Binigyan ka agad ng chance. It's great and I'm so thankful to GMA. It's exciting, siyempre at the same time, you get to work with actors and actresses who are so experienced na, di ba po? So, may chance ka na maging isa sa kanila. Kaya sobrang great."
Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin yung role sa Luna Mystika?
"No, hindi po," sagot ni Jace. "I answered straight, ‘Yeah, yeah, gusto ko 'yan. Thank you so much!'"
Ginagampanan ni Jace sa Luna Mystika ang papel ni Lukas. Isa siyang siga ng baryo at iibig kay Donita (Iwa Moto), pero mabibigo siya rito. Sa totoong buhay ba na-experience na niyang maging isang siga?
"Sa totoo lang po, hindi na ako masyadong nahirapan sa role ko as siga. Kasi before, when I was young, mga elementary, ganun, bully ako dati. But that was before, ngayon I'm very, very nice naman," pagsisiwalat ni Jace.
Ayon kay Jace, bukod sa past experience niya bilang siga, nakatulong din nang malaki ang acting workshop under Gina Alajar, na "mabait at magaling."
How did he fare in the workshop?
"Siyempre, noong umpisa po, nahihiya ako kasi kasama ko yung ibang mga artista. Pero inisip ko na lang workshop yun, at doon kailangang mawala talaga yung hiya n'yo. At saka kailangang mag-work talaga yung chemistry ng mga actors sa isa't isa.
"Masaya naman yung workshop and I got to meet and know yung mga kasama ko dito sa soap. Mababait po silang lahat. Nakakawala po ng hiya. Ngayon po, walanghiya na ako!" biro ni Jace.
Ano ang feeling na kasama niya sa soap ang crush niyang si Heart Evangelista?
"Hindi naman talaga crush," paglilinaw ng gym instructor. "Kung tatanungin n'yo po ako kung sino ang pinakamaganda sa showbiz para sa akin, I would say Heart. Siyempre, nakakakaba na makatrabaho siya. Bukod sa maganda siya at talagang stunning, para sa akin, sobrang galing niya pong actress. Hinahangaan ko po siya. Parang you look up to her na parang, ‘Wow! Sana maging magaling din akong artista.'"
Sa mga lalaking artista, sino ang hinahangaan niya?
"Si Luis Alandy po, magaling po siya. Naka-workshop ko po siya ng dalawang beses, e. Magaling din po si Dingdong Dantes para sa akin," banggit ni Jace.
Kung siya ang magiging bida sa isang soap opera, sino ang gusto niyang maging leading lady?
"Of course, si Heart, as in kami na yung magkapareha. Gusto ko rin si Marian Rivera. Pero mas maganda kung makakatrabaho ko pati yung iba pang leading ladies."
Kung siya ang papipiliin, saan niya mas gustong malinya, sa action, drama, or comedy?
"Action po. I think mas bagay sa akin. At saka may background ako sa martial arts, so mas maipapakita ko yung galing ko."
Willing ba siyang magpa-sexy?
"Okay lang naman sa akin," sagot ni Jace.
Hanggang saan ang pagpapaseksing puwede niyang gawin?
"Mahirap sagutin ‘yan now, e. Siguro walang frontal nudity. Siguro depende sa project. At saka depende na rin sa experience ko."
THE SURVIVOR EXPERIENCE. Kung hindi siya napasok sa Survivor Philippines, ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
"Siguro po kung hindi ako nakapasok, I would be practicing and playing basketball right now. May kakilala po ako na players. I plan to join professional basketball talaga. Pero siguro I have to go to college first," sabi ni Jace.
Before Survivor, ano ang madalas niyang gawin?
"Eat, sleep, gym... Usually, ganun lang po. I want to take up Culinary Arts, kasi gusto ko yung nagluluto ako."
Namayat si Jace noong nasa island na sila sa Thailand.
"Yeah, sobra!" sambit niya.
Ipinakita rin ni Jace sa PEP ang mga marka ng mga kagat ng insekto sa kanyang katawan noong nasa Thailand pa siya. Hindi ba siya nagsisi na sumali siya sa Survivor Philippines, lalo na sa hirap ng sitwasyon nila sa island?
"It's mind torture talaga," sabi niya. "Dumating ako doon sa point na naramdaman ko talaga yung hirap. Sabi ko sa sarili ko, ‘Sobrang hirap nito, grabe! Bakit pa ba ako sumali?' Hindi naman siya totally mahirap physically, mahirap siya mentally, na panghihinaan ka talaga ng loob. Pero, of course, hindi naman ako sumuko at hindi ako nagsisisi na sumali ako."
Ano maituturing niyang torture sa mga pinagdaanan niya sa Survivor?
"It's kind of torture, pero hindi yung challenges yung torture. Ang torture po is yung boredom. Noong nasa island kami, sobrang na-bore ako, kasi wala halos ginagawa, except of course kapag may challenges. Tapos harsh talaga yung weather doon, e. Kung dito sa Pilipinas yung malakas na ulan sa atin, akala natin malakas na, doon po yung lakas ng ulan is times five! Sobrang bumabagyo, parang kayang-kaya kang tangayin ng hangin! So, mahirap talaga."
So, isa yung boredom kaya parang tinatamad na siya gaya ng ipinalabas sa Survivor Philippines?
"Yeah, that's it," pag-amin niya. "Ang parang ipinalabas kasi nila is parang tinatamad na ako, the way they edit it. Hindi, e, it got to me na. Yung mga kagat-kagat ng mga insekto, sobra na kaya kamot ako nang kamot. Plus, at the same time, yung mga kasama mo, kasama mo na for the past 20 days."
Lumalabas din na kaya siya tinatamad or nakatigil lang sa isang tabi ay dahil nag-iisip siya ng strategy or game plan. Ganoo ito katotoo?
"That's what came out. Pero para sa akin kasi, kahit anong gawin mo, kahit anong plan ang isipin mo, Naak talaga is winning. So, I have to think of what to do next, ganun," paliwanag ni Jace.
Nalungkot ba siya noong ma-vote out siya?
"Nalungkot, yes. But it was more of... Ang na-feel ko noon, hindi ako sobrang na-sad dahil wala na yung three million. Na-sad ako dahil na-realize ko na yung pagboto sa akin, na muntik na akong maiyak, na-realize ko na hindi ko na sila makakasama. Iba talaga yung bago kayo matulog, magkukuwentuhan muna kayo. Tapos paggising mo, makikita mo yung mga katabi mo. So, pag iisipin mo, nakakalungkot talaga," lahad niya.
Sino ang gusto niyang manalo?
"Si Nanay Zita [Ortega]. Yun din ang sinasabi ko sa lahat. Because I think she deserves it more," sagot ni Jace.
ON JOHN LOPEZ AND GAY ISSUE. Sa Internet, parang pinaglaruan yung closeness ni Jace sa isa pang Survivor Philippines outcast na si John Lopez. Parang pinalalabas na there's something "sweet" na nagaganap sa pagitan nila, lalo na't may scene pa na nagyakapan sila. Ano ang comment dito ni Jace?
Ayon kay Jace, "Sa totoo lang kasi, kung maiintindihan ng mga tao, magkasama kami lahat doon sa island, pero ang pinaka-close talaga sa akin si John, parang kapatid talaga. Lahat ng gawin ko, palaging siya ang kasama ko. Mabigat din kasi yung pagkuha ng tubig. Siya yung kasama ko sa pagkuha ng tubig. Sa mga challenges, kami yung nag-uusap na, ‘Kailangan gawin natin ito. Kailangan manalo tayo.'
"Especially noong mawawala na siya, hindi maintindihan ng ibang tao yung feeling na ganun.
Hindi ba meron kayong best friend na magkikita kayo almost every day or every
week? Si John yung madalas kong kasama na parang best friend ko na doon sa
island. Siya na yung close ko, pero walang malisya yun. Parang magkapatid ang
turingan namin. Bukod naman kay John, ka-close ko rin sina JC [Tiuseco] and
Kiko [Rustia], e."
Pero anong pananaw niya sa homosexuality?
"Me, I'm not a judgmental person," sabi ni Jace. "You know kung ganun ka, ganun ka. I have best friends who are bisexuals or gays in Hawaii. Wala akong problema doon. As long as huwag n'yo akong papatulan, okay na ako doon. Siyempre, respeto lang naman, di ba? Wala yung take advantage na ganun."
So, sinasabi niya na hindi siya papatol sa mga gays?
"Hindi po, I'm straight kasi. Pero I have no problems with them. Basta hanggang friends lang," aniya.
Sa mga kasama niyang lalaki sa Survivor, wala ba siyang naramdaman na may gay sa kanila?
Natawa muna nang malakas si Jace at saka sumagot ng, "Wala, wala naman."
Pero paano kung after ng show ay may biglang umamin, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?
"Masa-shock ako!" natatawa niyang sabi. "Sabi ko, ‘What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Doon pa lang sa isla dapat.' Pero masa-shock ako siyempre."
ZERO LOVELIFE. Dumako rin ang usapan namin sa lovelife ni Jace. Nakakailang girlfriends na ba siya?
"Dalawa pa lang," sagot niya. "Yung isa taga-Hawaii, three years din kami. Nag-break kami nung pagdating ko dito sa Pilipinas. Tinawagan ko siya. Ako yung nag-initiate ng breakup. Kasi mahirap na yung hindi kayo magkasama palagi at saka long distance. I thought din naman kasi na I will stay here for a longer time, so I might as well break it up. Ayoko namang pahirapan ko siya.
"Tapos nagkaroon ako ng girlfriend dito sa Pilipinas, two months after I got here. For seven months lang kami. We broke up before pa ako sumali ng Survivor. Medyo nagkakalabuan talaga, e," kuwento niya.
So, ngayon wala ba siyang girlfriend or nililigawan?
"Wala. Focus muna sa work," pagtatapos ni Jace.