PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica insists he's not courting any of his three 'crushes'

Side mirror of Aljur Abrenica's car mysteriously got broken while parked inside GMA-7 compound.
by Archie de Calma
Published Nov 13, 2008
"Mahal na mahal ko si Kris [Bernal], pero hindi porke mahal na mahal ko siya, e, liligawan ko na siya. Mas pinahahalagahan ko yung friendship. Time will tell. Maski ako, hindi ko alam. Baka someday, ligawan ko rin si Kris, o baka si Jewel [Mische] or si Rich [Asuncion]," says Aljur Abrenica about being linked to three of his StarStruck batchmates.

Hindi akalain ni Aljur Abrenica na lalabas sa entertainment press ang nangyaring pangwawasak diumano sa salamin ng sasakyan niyang Pregio, na naka-park pa man din sa mismong underground parking ng GMA-7, noong nakaraang Huwebes, November 6.

Kitang-kita ang pagkagulat sa reaksiyon ni Aljur nang tanungin sa kanya ang tungkol dito sa presscon ng Luna Mystika noong Martes, Nobyembre 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.

"Pananagutan naman daw po ng guwardiyang nagbabantay doon. Wala naman kasing nawala, pero nabasag ang salamin sa likuran ng sasakyan. Hindi ko rin alam kung pinagtripan ba ako, or what. Wala akong masasabi dahil ayokong mag-isip ng hindi maganda sa kahit kanino, at wala ako doon nang mangyari yun. Hindi ko alam kung sino ang dapat talagang managot. Nagpapasalamat lang ako na walang nangyaring masama sa akin. Naayos na po ang sasakyan, kaya ganoon na lang," pahayag ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anu-ano tuloy ang inuugnay sa pangyayaring ito dahil sa nagiging kontrobersiyal nga lately ang young actor. Umiiwas na magsalita si Aljur sa pagkakataong ito na dadalirot pa sa nabanggit na isyu.

THREE GIRLS & ONE BOY. Sa Luna Mystika, kung saan gumaganap si Aljur bilang tikbalang na magiging tao, muli silang magkatambal ng ka-batch niya sa StarStruck 4 na si Kris Bernal.

Tahasang sinabi ni Aljur na crush lang talaga ang nararamdaman niya ngayon para kay Kris, na nakasama rin ng binata noon sa Zaido at Dyesebel. "O kahit kanino pang inili-link sa akin," dagdag ni Aljur. "Hindi sa hindi ko type si Kris, pero wala naman akong iba pang nililigawan talaga. Naka-focus ako sa career ko."

Bukod kay Kris ay iniuugnay rin ang pangalan ni Aljur sa dalawa pang ka-batch nila sa StarStruck na sina Jewel Mische at Rich Asuncion. Si Kris ay ka-love team ni Aljur; si Jewel ang itinututrong dahilan sa diumano'y kumprontasyon nina Aljur at Richard Gutierrez, at si Rich naman ang pinaniniwalaang tunay na karelasyon ng tinaguriang Ultimate Hunk ng StarStruck.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ayon kay Aljur, "Sa status namin ni Kris, magkaibigan lang kami. Ganoon din po yung sa amin ni Jewel, maski yung kay Rich. Lahat po sila, crushes ko."

Inamin ni Aljur na puwedeng siyang ma-misinterpret sa sinabi niya. Ganoon daw kasi siya kung magmahal ng kaibigan, lalo na kung babae.

"Mahal na mahal ko si Kris, pero hindi porke mahal na mahal ko siya, e, liligawan ko na siya. Mas pinahahalagahan ko yung friendship. Time will tell. Maski ako, hindi ko alam. Baka someday, ligawan ko rin si Kris, o baka si Jewel or si Rich," nakangiting sabi ni Aljur.

Kitang-kita naman sa facial expression ni Aljur na biglang lumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti siya nang mabanggit ang pangalan ni Rich.

"Natatawa lang kasi ako dahil yung sa amin ni Rich, dating isyu na 'yan. Nawala, then bumabalik ngayon," paliwanag ni Aljur nang pansinin ang kanyang reaksiyon sa pagkakabanggit ng pangalan ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit lang daw talaga daw si Aljur sa iba pang Top ng batch nila sa StarStruck.

"Ang natira kasi sa kanila sa mga nakakasama ko, si Kris," ani Aljur. "Sa SOP, kung hindi si Mart [Escudero] ang nakakausap ko palagi, si Rich ang nakakadikit ko.

"Kami ni Kris, lagi na kaming nagkakasama. Sina Mart at Rich na lang ang iba ko pang nakakasama. Natatawa ako, kasi yung sa amin ni Rich, binibigyan nila ng malice," sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mahal na mahal ko si Kris [Bernal], pero hindi porke mahal na mahal ko siya, e, liligawan ko na siya. Mas pinahahalagahan ko yung friendship. Time will tell. Maski ako, hindi ko alam. Baka someday, ligawan ko rin si Kris, o baka si Jewel [Mische] or si Rich [Asuncion]," says Aljur Abrenica about being linked to three of his StarStruck batchmates.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results