PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Danita Paner settles issue with mom Daisy Romualdez

Danita says they have a better relationship now.
by Melba R. Llanera
Published Nov 18, 2008
"Ako, matagal ko nang gusto na maging maayos kami. Ang mahirap, lagi na lang kaming nagka-clash. Magkaiba kasi ng interes sa buhay. Ako, gusto ko dito; siya, gusto niya dalhin ako dun. Siguro malaking bagay rin ang generation gap namin, pero okey na kami ngayon," says rock singer Danita Paner about her relationship with mom Daisy Romualdez.

More than a year ago, pinag-usapan ang matinding away sa pagitan ng dating aktres na si Daisy Romualdez at ang anak-anakan nitong si Danita Paner, isang rock singer. Ang pag-aaway ng mag-ina ay nauwi sa paglalayas ng dalaga. (CLICK here to read related article.)

Isa sa rason na lumabas noon ay hindi na raw nakayanan ni Danita ang pagiging overprotective ng kanyang ina-inahan. Madalas din daw pagtalunan nina Daisy at Danita noon ang boyfriend ng dalaga na si Kean Cipriano, ang lead vocalist ng bandang Calla Lily. Hindi raw kasi tanggap ni Daisy si Kean para kay Danita.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Danita sa Nescafe Soundskool 2008, a band competition, sa ULTRA noong November 15. Masayang ibinalita ni Danita sa PEP na nagkabati na sila ng kanyang Mommy Daisy.

"Ako kasi, gusto ko nang maayos ito before pa," simula ni Danita. "Hinahanda ko pa ang sarili ko. Hindi naman kasi puwedeng bigla-bigla, hindi ko alam kung ano ang ire-react niya. Then yung tita ko sa mother side, siya yung nag-set-up sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"One Thursday night, sa Mall of Asia, after ng set ng banda namin for an event, pagdating ko, kinausap niya [her aunt] ako. ‘O, nandun ang Mommy!' Nagulat naman ako, ‘Ha, teka lang, ano ang gagawin ko? Baka magalit yun!' Nag-panic ako.

"Habang naglalakad siya [Daisy], sinalubong ko siya sa labas, niyakap ko. ‘Mommy, sorry, sana di ka na galit.' Ang sabi niya, ‘Hindi na ako galit, tapos na yun.' Ayaw na raw niyang magalit. Siguro na-realize niya na may edad na rin siya, dapat relaxed na rin siya," kuwento niya.

Sa pag-uusap nilang ito ay naging bukas na rin si Danita sa ina-inahan. Matagal na rin kasi niyang gustong maayos ang relasyon nila bilang mag-ina, pero dala ng differences nila ay hindi sila magtagpo sa gitna.

"Ako, matagal ko nang gusto na maging maayos kami," sabi ng rock singer. "Ang mahirap, lagi na lang kaming nagka-clash. Magkaiba kasi ng interes sa buhay. Ako, gusto ko dito; siya, gusto niya dalhin ako dun. Siguro malaking bagay rin ang generation gap namin, pero okey na kami ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang taon na ang nakalipas mula nang umalis ng bahay nila si Danita pagkatapos nilang magkatampuhan. Sa ngayon ay kasalukuyang nakatira si Danita sa isang condo unit malapit sa eskuwelahang pinapasukan niya.

Hindi man bumalik sa bahay ni Daisy si Danita, bukas naman daw ang communication line sa mag-ina.

"Wala ako sa bahay namin for one year," sabi ni Danita. "Tumira muna ako sa daddy ko tapos humanap kami ng condo na malapit lang sa school ko. Every weekend, umuuwi ako kay Mommy. Dun ako natutulog and everyday magkausap kaming dalawa."

Naging issue rin before na hindi raw boto si Daisy sa boyfriend ni Danita na si Kean. Ayon kay Danita, wala na rin daw problema sa kinikilalang ina ang relasyon niya kay Kean.

"Matagal ko na siyang [Kean] naipakilala, pero ngayon mas open na siya. In our more than two-year relationship, I can say na okey talaga kami, we're happy. Dapat siguro yung interes ninyo pareho, yung goal ninyo. Dapat mayroon kayong pangarap at dapat okey rin kayo sa family ng bawat isa," saad ni Danita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aminado si Danita na masaya siya sa itinatakbo ng kanyang buhay, partikular na sa pagbabati nilang mag-ina.

"Masaya ako, sobrang saya!" sambit niya. "Okey yung studies ko, nag-i-start uli kami ng banda ko. Okey ako when it comes to my personal life, and okay na kami ni Mommy. Sa sobrang saya ko, kaya parang araw-araw nagse-celebrate ako. Ipagdarasal ko na sana habang buhay nang ganito."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, matagal ko nang gusto na maging maayos kami. Ang mahirap, lagi na lang kaming nagka-clash. Magkaiba kasi ng interes sa buhay. Ako, gusto ko dito; siya, gusto niya dalhin ako dun. Siguro malaking bagay rin ang generation gap namin, pero okey na kami ngayon," says rock singer Danita Paner about her relationship with mom Daisy Romualdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results