PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laarni Lozada releases debut album under Star Records

The Grand Star Dreamer of Pinoy Dream Academy Season 2 now has her own self-titled debut album.
by Alex Datu
Published Dec 2, 2008
Laarni Lozada, the Grand Star Dreamer of Pinoy Dream Academy Season 2, has just released her 6-track self-titled debut album under Star Records.

Masaya ang Pinoy Dream Academy 2 Grand Star Dreamer na si Laarni Lozada nang humarap sa press noong ginanap ang mini-launching ng kanyang kauna-unang self-titled album na gawa ng Star Records. Tuwang-tuwa siya sa naging outcome ng kanilang pinagpuyatan na album na ngayon ay mabibili na sa lahat ng record bars.

Ayon kay Laarni, pagkatapos nitong ma-proclaim na grand winner ay inihanda na agad itong kanyang first album. Una nilang ginawa ay ang pagpili ng anim na kanta mula sa listahan ng maraming mga prospective songs para sa album. Habang hinihintay nito ang minus one ng kanyang kakantahin ay pinag-aralan muna nitong mabuti ang mga awitin na kanyang kakantahin under sa supervision ng kanyang mga voice coaches na si Vehnee Saturno, ang hit maker na siyang gumawa ng kanyang carrier single, "Kung Iniibig Ka Niya" at ang kanyang voice teacher sa loob ng Academy na si Kitchie Molina.

"Mayroon din akong na-suggest na mga songs pero walang napili doon pero satisfied naman ako sa mga songs na ipinakanta nila sa akin. Ang gaganda! Siguro kung pinapili nila ako ng kanta para maisama sa album ko, siguro 'yong gawa ng teacher kong bulag si Anderson Go, 'yung 'Karamay Mo Si Hesus,' sobrang ganda noon."

Kulang-kulang isang buwan ang paggawa ng kanyang album, mula sa recording hanggang sa finished product na talagang satisfied siya sa outcome at gandang-ganda siya sa kanyang album. "Talagang pinaghirapan namin ito dahil noong paglabas na paglabas ko pa lamang ng Academy ay ang daming mga shows at nagkakasakit pa kami pero okay naman dahil maganda nga itong lumabas."

Isa sa mga wishes niya ngayon ay maging regular sa ASAP '08 pero sa ngayon ay puro guesting pa lang ang giangawa nito sa Sunday variety show ng ABS-CBN. "Siguro naman po, tini-train pa lamang nila ako bago gawin nila akong regular sa ASAP. Siguro, right time lang naman ito. Lahat naman ng bagay ay dapat paghirapan muna, di ba?"

Malaking-malaki ang pagpapasalamat niya sa Maykapal dahil sa mga biyayang ibinibigay sa sa kanya. "Dati-rati padaan-daan lang ako pero ngayon, kilala ko na kayong lahat [press] at ang mga nakakaduet ko, my God! Sila yung mga tinitingala ko, mga idol ko. Hanggang maaari, ayaw kong isiping nandito na ako sa kalagayan ko kasi pakiramdam ko, walang nabago sa akin. Palagi ko pa rin iniisip kung saan ako nanggaling, dapat down to earth lagi."

Isa ngayon sa most requested songs sa FM radios ang kanyang "Sana Iniibig Ka Niya" at umaasa itong kahit gold record ay maabot ng kanyang album. Ang mga kasamang awitin sa kanyang album ay "You're Someone I Belong To" (another Vehnee Saturno's composition), "Sa 'Yo Lamang' (isang Malaysian song na nilapatan ng Tagalog lyrics), "Alipin Ako" (gawa ni Larry Hermoso mula sa orihinal na komposisyon ni Mari Nallos), "Bakit Nga Ba Mahal Kita" (a Roselle Nava original) at "Manalig Ka" (bonus track).


TRACK LISTING.

1. Kung Iniibig Ka Niya
2. You're Someone I Belong To
3. Sa 'Yo Lamang
4. Alipin Ako
5. Bakit Nga Ba Mahal Kita
6. Manalig Ka

* Includes Minus One of all the songs
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laarni Lozada, the Grand Star Dreamer of Pinoy Dream Academy Season 2, has just released her 6-track self-titled debut album under Star Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results