PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinggoy Estrada tells story of friendship with Daboy through "Magkaibigan"

Jinggoy reveals what he misses about Rudy Fernandez.
by Nora Calderon
Published Nov 24, 2008
"Nami-miss ko 'yong mga phone calls niya. Araw-araw kasi kaming nag-uusap niyan, hanggang sa araw na nawala siya. Tapos bigla na lang naputol. Wala na akong maipapalit sa kanya," says Jinggoy Estrada about his friend Rudy Fernandez.

Mapulang-mapula ang mga mata ni Senator Jinggoy Estrada nang abutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng Magkaibigan noong November 23 sa Capitol Golf Club Subdivision in Ayala Heights, Quezon City. Katatapos lang kasing kunan ni Direk Joey Reyes, who directed and wrote the script, ang death scene ni Christopher de Leon as Daboy.

Ang story kasi ng Magkaibigan ay inspired ng buhay ng yumaong matalik na kaibigan ni Jinggoy na si Rudy Fernandez, at ang pagkakaibigang namagitan sa kanila nina Senator Bong Revilla at Phillip Salvador. Entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Magkaibigan.

Nahirapan ba si Jinggoy habang kinukunan ang death scene ni Boyet?

"Iyon na kasi ang tunay na nangyari sa totoong buhay," sabi ni Jinggoy. "Hindi naman kami nag-usap ni Direk Joey kung ano ang dialogues na ilalagay niya sa script, pero kung ano ‘yong nangyari sa huling sandali ni Rudy, ‘yon talaga ang nasa script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahirap sa akin, pero hindi ko na kailangang mag-internalize. Sariwa pa ang nakaraan, at hindi ‘yon mawawala sa isip ko. Nakadagdag pa sa emotions ko nang bago kami nag-take, dumating sa set si Lorna [Tolentino, Rudy's wife] kaya naalaala ko lalo ang lahat ng mga nangyari."

Bukod kina Jinggoy at Boyet, kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz III at Bobby Andrews na gumaganap din bilang mga kaibigan nila. Leading ladies naman nila rito sina Dawn Zulueta as Boyet's wife and Maricel Laxa as Jinggoy's wife.

Ano ang gusto nilang i-impart sa mga manonood ng Magkaibigan?

"Gusto lang naming ipaalam sa mga manonood na real friends stay forever," wika ni Jinggoy. "Ipakikita namin dito, mga 70 percent ng story naming magkakaibigan. Kung paano kami nagba-bonding, kung paano kami-kami ang nang-iingtrigahan, hindi kami naninira ng ibang tao."

Ano ang nami-miss niya sa pagkawala ni Daboy?

"Nami-miss ko 'yong mga phone calls niya. Araw-araw kasi kaming nag-uusap niyan, hanggang sa araw na nawala siya. Tapos bigla na lang naputol. Wala na akong maipapalit sa kanya," maluha-luhang sabi ni Jinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "Lalo ko siyang naiisip ngayon dahil malapit na naman ang kampanya. Noong campaign ng last election, lahat ng mga lugar na dapat puntahan na hindi ako puwede, siya ang pumapalit sa akin. Ngayon, sino pa ang aasahan kong gumawa noon para sa akin?

"Si Daboy din ang aming comedian. Ang lakas ng sense of humor niya, kahit maliit na bagay nagagawan niya ng kuwento na pinagtatawanan naming lahat. Siya rin ang aming peacemaker. Noong medyo nagkaroon kami ng tampuhan ni Bong, hindi siya tumigil sa paggawa ng paraan hanggang hindi kami nagkabati, ganoon din kay Bong at sa daddy ko [former President Joseph Estrada]. Naalaala namin 'yon ngayon, kaya mas close kaming tatlo [nina Bong at Ipe]."

Sa palagay ba niya, muli siyang makatatanggap ng acting award sa MMFF, tulad nang nanalo siyang Best Actor in last year para sa performance niya sa Katas ng Saudi?

"With Christopher around, mag-iisip pa ba akong manalo ng Best Actor award?" natatawang wika ni Jinggoy. "Yun lang tinanggap niya ang offer namin para sa movie, isang honor na 'yon sa akin, and honor din sa akin na makasama siyang gumanap sa movie. Noong first shooting day nga namin, hindi ko inisip na si Christopher de Leon ang kaeksena ko. Iba na lang ang inisip ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Napahalakhak lang si Jinggoy nang tanungin kung sino ba ang inisip niya. Sinabi niya sa amin, pero huwag na lang daw naming isulat at baka magalit pa sa kanya.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nami-miss ko 'yong mga phone calls niya. Araw-araw kasi kaming nag-uusap niyan, hanggang sa araw na nawala siya. Tapos bigla na lang naputol. Wala na akong maipapalit sa kanya," says Jinggoy Estrada about his friend Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results