PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle after the breakup with Dingdong: "I can say na sobrang na-lessen na yung pain."

Karylle will begin appearing on ASAP '08 on December 14.
by Melba R. Llanera
Published Dec 1, 2008
"Medyo matagal din yung relationship namin at hindi ako nagmamadali. God will always take care of you, you just have to trust in Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, and whatever kay God, everything will be okey soon," says Karylle.

Nang kumpirmahin nina Karylle at Dindong Dantes ang breakup nila pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon, marami sa malalapit na tao at kaibigan ng dalawa ang umasa pa ring baka mauwi sa balikan ang paghihiwalay ng dating magkasintahan. Pero namatay ang pag-asa nila nang magdesisyon si Karylle na lumipat ng TV network, mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Sinasabing ang dahilan ng paglipat ni Karylle ay para umiwas na ring magtagpo pa ang landas nila ni Dingdong. Dahil sa isang network lang sila nagtatrabaho ay hindi maiiwasang magkita sila nang madalas.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Karylle sa 22nd Star Awards for TV kagabi, November 30, kung saan isa siya sa naging performers.

"Looking forward" ang deskripsyon niya sa kasalukuyang sitwasyong kinasusuungan niya. Dagdag niya, "And I can say na sobrang na-lessen na yung pain, so hindi na siya masyadong masakit or anything."

COPING MECHANISM. Sinabi rin ni Karylle na sumailaim siya sa isang religious retreat para matanggap niya nang bukal sa loob at makayang harapin ang breakup nila ni Dingdong. Nakatulong daw ito nang malaki sa kanya, gaya ng pagtanggap at pang-unawa niya sa paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag nag-break kayo, it's a road less traveled kasi mas pipiliin nga naman yung mag-party ka, gumimik," sabi ni Karylle. "But for me kasi, I've gone through a family healing after my dad and my mom separated at nakatulong yun sa akin. Although it was really late na, 20 na ako nun... My parents got separated when I was six. So I know it would really help me heal, yung totoo, ha, yung di plastic. Alam ko na even if it's a breakup, especially one that's really public, kailangan ko yun and I was open for help."

Sinabi rin ni Karylle na ipinaalam nila ni Dingdong ang kanilang breakup with their respective families.

"Pinaalam lang namin, and regarding my dad's [Dr. Modesto Tatlonghari] reaction, I think hindi ko na kailangang i-explain yun. Mommy ko [Zsa Zsa Padilla] naman, pag-uwi niya, siya na lang ang tanungin ninyo. I still have communication with Dong's family a month ago, pero ngayon wala na," lahad ng singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO TURNING BACK. Marami ang nagulat sa interview ni Karylle sa The Buzz, kung saan diretsahan niyang sinabi na hindi na niya mahal si Dingdong. Ito ay sa kabila ng pagiging consistent ng aktor na hindi pa rin tuluyang nawala ang pagmamahal niya sa ex-girlfriend.

Sa interview ng PEP kay Karylle ay ganito rin ang sagot na ibinigay niya sa amin. "Kung romantic lang, I can say wala na yun," sabi niya.

Sa hiwalay na interview naman ay sinabi ni Dingdong na may ginawa siyang paraan para si Karylle ang kumanta ng Philippine national anthem sa boxing match nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya on December 6 sa Las Vegas.

"Honestly, I didn't know kung may ginawa ba talaga siya," sabi ni Karylle. "Ang sabi niya lang sa akin, may ginawa nga raw siya. Pero ayaw naman niyang sabihin kung ano."

Nagkataon ding may show si Dingdong kasama si Marian Rivera sa Los Angeles during that time kaya makakapanood ang aktor ng laban ni Pacquiao. Maging daan kaya ito para makapag-usap nang maayos sina Karylle at Dingdong at maklaro kung anuman ang dapat na klaruhin at ayusin?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung mag-uusap ba kami sa L.A., there's time to talk here. Hindi na kailangang lumayo pa saka wala na naman kailangan pang pag-usapan," reaksiyon ni Karylle.

Sa kabila ng pagiging single at free na ring pumasok sa panibagong relasyon kung gugustuhin niya, sarado pa raw ang puso ni Karylle.

"Medyo matagal din yung relationship namin at hindi ako nagmamadali," aniya. "God will always take care of you, you just have to trust in Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, and whatever kay God, everything will be okey soon."

KARYLLE TURNS KAPAMILYA. Now a certified Kamilya, Karylle expressed her gratitude and happiness sa mainit na pagtanggap sa kanya sa nilipatang network. Usap-usapan na ang ilan sa mga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN ay ang I Love Betty La Fea at ASAP '08, kung saan makakasama niya ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

"Hindi ko ine-expect na ganito kainit o kaganda ang pagwe-welcome nila sa akin. Kasi ultimo artista, mga staff, nagugulat ako kasi sinasabi nila parati ‘Welcome!' Tapos magpapakilala talaga sila sa akin. May mga nakatrabaho na ako sa ibang shows, pero yung iba, kahit hindi nila ako kilala, nag-e-effort talaga sila to say hello and welcome. Everyone is so nice talaga, mararamdaman mo talaga na Kapamilya ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa December 14, lalabas na ako sa ASAP, so abangan na lang nila. Sobrang excited ako na makasama siya [Zsa Zsa], matagal din siyang nawala. Two months silang nagto-tour nila Tito Dolphy and their entire family," pagtatapos ni Karylle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Medyo matagal din yung relationship namin at hindi ako nagmamadali. God will always take care of you, you just have to trust in Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, and whatever kay God, everything will be okey soon," says Karylle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results