PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Dizon lies about Victor Neri in "Don't Lie To Me"

Sunshine got four Truth and one Lie in 'Don't Lie To Me' segment of "Showbiz Central."
by Rose Garcia
Published Dec 9, 2008
"Hindi ko naman hinahanap. But if the right one comes along, why not, di ba?" says Sunshine Dizon about falling in love again.

Nakangiting inamin ni Sunshine Dizon, habang naka-strap sa "Don't Lie To Me" ni John "Sweet" Lapus, na isa na yata siya sa mga artistang pinakamatagal na napa-oo para maupo at sumalang sa naturang segment ng Showbiz Central.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Sweet sa unang tanong kay Sunshine. Since lumalabas na raw na tomboy si Sunshine sa Obra, Sabel, at Masikip sa Dibdib, every time na ginagampanan niya ang ganoong character ay mahusay niya itong nagagampanan. Dahil ba ito sa may lesbian tendency siya?

"No" ang sagot ni Sunshine at umayon naman sa kanyang ang lie-detector machine.

"I have a lot of friends who are gays. And not only that, ako talaga, ever since halos lahat ng barkada ko, puro lalaki. Hindi ako ganoon ka-girly girl. It's so easy for me to portray such roles. At ako naman, ever since, I really appreciate yung mga magagandang babae rin. Wala namang masama na mag-appreciate ng girl, di ba?" paliwanag ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit naman ni Sweet, "Ako rin, nagagandahan din ako sa mga babae. Pero hanggang doon na lang yun. At next movie ko, ‘yan ang dream role ko, maging lesbiana. Exciting!" na ikinatawa ni Sunshine.

Second question, inamin ni Sunshine na nagpa-lipo siya ng kanyang likod at ng kanyang braso to enhance her physical attributes. Bukod ba sa pagpapa-lipo na yun, may iba pang cosmetic surgery siyang ginawa na hindi pa inaamin?

Mabilis na "No" ang sagot ni Sunshine at sumang-ayon muli ang lie-detector machine.

So, Sweet asked, "May balak ka ba?"

"Alam mo, sa totoo lang, sobrang happy ako sa ginawa sa akin ni Dr. Manny Calayan. At first, gusto ko sanang ipagawa yung legs ko dahil medyo nga lumaki. Pero ngayon, noong mag-diet ako, parang everything fell into right place. So, I don't need the lipo or anything."

Exercise at diet na lang siya ngayon?

"Yes!" sagot ni Sunshine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Third question, idinenay na ni Matet na siya ang nag-introduce kay Sunshine sa all-night partying at pag-inom. Kung si Sunshine ang tatanungin, noon bang time na yun na sila'y mga bagets pa, sa palagay ba niya ay naging bad influence sa kanya si Matet?

"No" na naman ang sagot ng aktres at sumang-ayon muli ang lie-detector machine.

So, ano nga ba yung all-night partying na yun?

"Alam mo, at that time, we were too young to go out pa," sabi ni Sunshine. "So, it is not really true. And ako naman, natuto naman akong gumimik, mga 18 or 19 na ako. And kami ni Matet, we were classmates, we were studying at Sunny Hills. Wala namang ganoon, at saka sobrang love ng mom ko ‘yan [Matet].

"At saka ako naman, with the gimmick things, wala namang nag-influence sa akin. Kung gusto mong lumabas, e, di lumabas ka. As long as you know your limits and not burning your parents' money and you're burning your money, and you know your responsibility, go ahead," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fourth question, palaging invited si Dingdong Dantes sa mga events ng pamilya ni Sunshine at super close daw ang aktor sa ina ng aktres na si Dorothy Laforteza. Totoo ba na noong Anna Karenina days nila ay nagkaroon sila ng short-lived romance ni Dingdong?

"No" ang mabilis na sagot ni Sunshine at "Truth" ang lumabas.

"You know, that was impossible. The time that we were doing Anna Karenina, Dingdong was seeing Antoinette Taus. And Toni is a very good friend of mine also. Wala, walang ganoon.

"But I don't deny the fact that my family is very close to Dong. My mom and Dong's mom, Tita Angeline, are best friends. At si Dong naman, has always been there for me. He's been my very, very good friend. He's always there for me no matter what," saad ni Sunshine.

Biro naman ni Sweet, nakausap na rin daw niya ang nanay niya. Iimbitahin din daw niya si Dingdong kapag may get-together sila sa pamilya at sana raw ay pumunta si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fifth and last question, maraming nali-link kay Sunshine, pero sa lahat daw ng nakarelasyon niya sa showbiz ay kay Victor Neri siya pinaka-sumama ang loob. Totoo ba ito?

"No" na naman ang sagot ni Sunshine, pero this time, sumablay na siya at "Lie" na ang naging resulta.

Sweet asked, ‘Kayo ba ni Victor ngayon, okey kayo?"

"Ay naku, in the first place, naging kami ba? Wala namang umamin na naging kami, ‘no!" sagot ni Sunshine.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila? Niligawan ba siya ni Victor?

"Well, when we were doing Bakekang, he was nice to me and everything. Alam mo na, kapag naging partner mo, di ba? But then, Vic and I had a good relationship naman I can call. Like, I recently left for Macau and Hong Kong, yung friend niya ang nag-ayos ng hotel namin. Kaya pinasalubungan ko siya ng longaniza, pero hindi kami nagkita," lahad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw ligawan na nangyari.

"Bakit maganda ka ngayon, may lovelife ka ba?" tanong ni Sweet.

"Mas maganda yata ako kapag single ako!" sabi ni Sunshine.

"Pero puwede ka namang magpaligaw na next year?"

"Alam mo, hindi ko alam. Hindi ko naman hinahanap. But if the right one comes along, why not, di ba?" sagot ng aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman hinahanap. But if the right one comes along, why not, di ba?" says Sunshine Dizon about falling in love again.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results