PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto lives with her family again

Rufa Mae says there was no closure between her and ex-flame Bobby Lopez.
by Melba R. Llanera
Published Dec 10, 2008
"I'm back with my family, magkakasama na uli kami after nine years na nagsolo ako. Ang sarap-sarap ng feeling na kasama mo na uli ang pamilya mo. Ang sarap na every morning, may pandesal na ako, nandiyan yung taho, balot, inaabangan ko yun, kasi yun talaga ako," shares Rufa Mae Quinto about returning to her ancestral home.

After breaking up with her Mexican-American boyfriend Bobby Lopez through email, bumawi naman bago matapos ang taon si Rufa Mae Quinto sa kanyang showbiz career.

Rufa Mae bagged the Best Comedy Actress award for her performance in the gag show Bubble Gang and was named Female Star of the Night in the 22nd Star Awards for Television of the Philippine Movie Press Club (PMPC).

She expressed happiness in receiving the awards and for being back with her family.

"With the award that the PMPC gave me, at least I can say na yung pagpapatawa ko, yung mga paghihirap ko, nagkaroon na naman ng bunga. ‘Tapos ako pa yung napili nilang Female Star of the Night.

"'Saka, kaya ako okey ngayon, I'm back with my family, magkakasama na uli kami after nine years na nagsolo ako. Ang sarap-sarap ng feeling na kasama mo na uli ang pamilya mo. Ang sarap na every morning, may pandesal na ako, nandiyan yung taho, balot, inaabangan ko yun, kasi yun talaga ako," bida ni Rufa Mae, na nakatira ngayon sa ancestral home, kasama ang buo niyang pamilya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rufa Mae admitted that she really missed her family—ang kanyang 83-year-old lola at dalawang nakababatang kapatid na parehong nagdadalaga na rin ngayon. She realized na sa sobrang abala niya sa kanyang trabaho ay marami na pala siyang napalagpas na mga pagkakataon.

"Una sa lahat, na-miss ko sila. Bising-busy ako sa loob ng siyam na taon, na medyo nawalan na ako ng oras for them. Di ko ine-expect na mas maa-appreciate ko na magkakasama kami. My grandma is 83 years old, so dapat bantayan ko na rin and at the same time na-realize ko na nagdadalaga na yung mga kapatid kong babae. Gusto ko, yung mga natutuhan ko sa buhay, yung mga failures ko, maikuwento ko sa kanila, na kailangang i-guide ko sila sa tamang opinion ko."

Naisipan ni Rufa Mae na muling manirahan kasama ang kanyang mga kapatid at lola matapos niyang ipa-renovate ang kanyang room sa kanilang ancestral home, katulong ang kanyang kapatid na lalaki. Dito nabuksan ang isip niya na there's no place like home talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May ancestral house kami, siyempre pag ancestral house, may room ako dun. Pina-renovate ko yun. Nagustuhan ko, kasi kapatid ko ang gumawa, kaming dalawa—ako ang nag-interior, siya ang nag-architect, nag-contractor. Ang tagal naming pinaghirapan yun, so, sabi ko kailangan yatang tirhan ko muna. ‘Tapos pagdating dun, I felt so happy, happy ka ng 24 hours."

STILL OPEN FOR BOBBY. With everything happening positively for Rufa Mae, tila wala nang puwang sa kanya ang ex-boyfriend o maski na ang aftermath ng pakikipag-break niya rito. Naka-move on na ba talaga siya from her breakup with Bobby Lopez?

"Di naman sobrang naka-move on, pero siguro nag-decide na rin ako na career muna. Lahat naman ng ginagawa natin, inisiip muna natin. In fairness, pinag-isipan ko muna yun. Saka kung para sa akin, para talaga sa akin. I know I've been a good person. I'm pretty sure na ang ibibigay sa akin is worth it talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala na kaming communication sa ngayon pero siguro hangga't di pa ako nag-aasawa, walang closure-closure, di ba? Ang naging problema lang naman sa amin is time. Yung love, okey naman, kaya lang ang hirap kasi ng sitwasyon. Kailangan balikan [back and forth between Hong Kong and Manila] kahit pagod na pagod na ako sa trabaho. Gusto ko lang sigurong sulitin at itodo na lang muna ang career na nasa akin."

PAST ISSUE WITH SAM. Sa nagyon ay namatay na ang issue sa kanila ni Sam Milby, pero sa nakaraang interview ng aktor ay itinanggi nito na close sila ni Rufa Mae. Agad naming hiningi ang reaksyon dito ng aktres.

"We're friends pero siguro ang sinasabi ni Sam ay yung close na may malisya gaya ng sinasabi ng iba. Wala naman talagang issue kaya natatawa na lang ako and thankful na rin na tapos na."

Read Next
Read More Stories About
Rufa Mae Quinto, Sam Milby
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm back with my family, magkakasama na uli kami after nine years na nagsolo ako. Ang sarap-sarap ng feeling na kasama mo na uli ang pamilya mo. Ang sarap na every morning, may pandesal na ako, nandiyan yung taho, balot, inaabangan ko yun, kasi yun talaga ako," shares Rufa Mae Quinto about returning to her ancestral home.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results