PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado teams up anew with Mark Herras in "Paano Ba ang Mangarap?"

Jennylyn recommends breastfeeding to lose weight.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 15, 2008
Jennylyn Mercado returns to afternoon soap via the Sine Novela Paano Ba ang Mangarap?, which will pair her again with screen partner and ex-boyfriend Mark Herras.

Ginanap kaninang hapon, December 15, ang story conference ng upcoming Sine Novela ng GMA-7, Paano Ba ang Mangarap?, sa GMA Network Center. Tampok dito ang magka-love team at dating magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

The TV remake is based on the 1983 film produced by Viva Films, which starred Vilma Santos and Christopher de Leon under the helm of Eddie Garcia. Gagampanan dito ni Jennylyn ang dating role ni Vilma, si Lisa, isang simpleng babae na hinarap ang mga pagsubok sa kanyang buhay. Ang tanging hiling niya ay makapiling niya ang kanyang anak.

Gagampanan naman ni Mark Herras ang papel noon ni Christopher, si Eric, na aako sa responsibilidad ng kapatid. Samantalang si Hero Angeles ang gaganap sa papel ng yumaong aktor na si Jay Ilagan na si Benny, ang lalakeng nakabuntis kay Lisa.

BACK TO DRAMA. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn, sinabi nito na excited na siyang bumalik sa paggawa ng soap opera. Pagkatapos niyang magkaroon ng light comeback via the two-part episode of Dear Friend, kung saan nakatambal niya rin si Mark, gusto ni Jen na ma-experience ulit ang gumawa ng soap opera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa naman, kasi ipinakita ng GMA-7 ang suporta nila sa akin kahit na may mga nangyaring hindi inaasahan. I am ready to go back to work dahil alam naman ng lahat na may baby na ako. May sarili na akong pamilya kaya balik tayo sa puyatan. Kahit gano'n, nae-excite ako talaga," saad ni Jennylyn.

Sa pakikipagtrabaho ulit kay Mark, hindi makapaniwala si Jennylyn na nandiyan pa rin ang kanilang mga fans. Kailan lang daw ay magkasama sila ni Mark sa isang show sa Dubai para sa Filipino community roon. Nagulat sila na marami pa rin silang mga tagahanga.

"Walang biro, nagulat kami ni Mark!" bulalas ni Jennylyn. "Kasi parang hindi nila ininda ang mga nangyari sa amin ni Mark. Feeling nila, kami pa rin ni Mark!

"Nag-enjoy kami ni Mark kasi ang lakas ng suporta nila sa amin doon sa Dubai. Nanonood sila ng mga GMA-7 shows doon kaya aware sila sa mga nangyayari sa mga shows natin, lalo na nga sa magiging shows namin ni Mark."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Huling nagkasama sina Jennylyn at Mark sa La Vendetta. Nagkasama rin sila sa mga sumusunod na shows ng GMA-7: Love To Love, Joyride, Encantadia, Forever In My Heart, at I Luv New York. Huli namang napanood si Jennylyn sa GMA Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit bago siya nanganak.

BREASTFEEDING. Kapansin-pansin ang slim na pangangatawanan ni Jennylyn ngayon. Sinabi ni Jen na she lost 50 pounds pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang baby na si Alex Jazz. Ang kanyang secret? Breastfeeding.

"Totoo pala ‘yon, talagang ang laki ng nawala sa aking timbang noong i-breastfeed ko si Baby Jazz. May nagsabi nga sa akin na effective na pagpapapayat ang pagbi-breastfeed. I was 150 pounds kasi noong ipanganak ko si Baby Jazz. Ngayon, after two months na pagbi-breastfeed ko, I lost 50 pounds kaya ngayon ay nasa 98 to 100 pounds na lang ako.

"Kaya sa mga mothers diyan na bagong panganak, ako na nagsasabi na very effective na pagpapapayat ang magpa-breastfeed. At magandang bonding time pa 'yon with your baby," pag-eengganyo pa ni Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SAD & HAPPY CHRISTMAS. Ngayong Pasko, kung masaya si Jennylyn dahil mae-experience ng kanyang baby ang kanyang first Christmas, may halong lungkot din dahil first Christmas nila na wala ang nakilalang ama ng aktres na si Roger Mercado. Sumakabilang-buhay ang amain ni Jennylyn dalawang araw pagkatapos niyang ipanganak si Alex Jazz.

Ani Jennylyn, "Kung happy kami because nandiyan si Jazz, na parang baby Jesus sa bahay namin, malungkot din kami kasi wala na si Daddy. Miss na namin siya kasi all my Christmases since bata ako, kasama ko siya. Ngayon, mapi-feel namin na may kulang talaga. Kaya yung mga gamit ni Daddy, nandoon lang siya. Hindi namin ginagalaw talaga. Gusto naming isipin na nasa bahay pa siya at binabantayan kami.

"Si Mommy [Lydia Mercado] naman, tulad ko, she's moving on. Noong una, talagang lungkot na lungkot siya. Ngayon, unti-unti na niyang natatanggap na wala si Daddy. Mas abala na siya kay Baby Jazz ngayon. Siya ang nag-alaga noong mag-show kami sa Dubai ni Mark at noong nagsu-shooting ako ng One Night Only.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"Natutuwa si Mommy kasi ang kulit na raw kasi ni Jazz. Marunong na kung kanino sumama, tapos iiyak kapag alam niyang aalis ako for work. Ngayon ko na nararamdaman ang pagiging mother talaga. Kaya walang puwedeng gumitna sa relasyon ko with my baby," pagtatapos ni Jennylyn.
Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, Mark Herras
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado returns to afternoon soap via the Sine Novela Paano Ba ang Mangarap?, which will pair her again with screen partner and ex-boyfriend Mark Herras.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results