Jake Cuenca talks about his love scene with Alessandra de Rossi in "Tayong Dalawa"

by Rommel R. Llanes
Dec 17, 2008
"Kasi kami naman ni Alex, magkaibigan. I mean, best friend ko si Alex way, way back. So the love scenes, walang ilangan at all. Walang problema," says Jake Cuenca about his love scene with Alessandra de Rossi in Tayong Dalawa.


Pagkatapos magbida sa action series na Palos ng ABS-CBN ay balik-primetime series ang aktor na si Jake Cuenca via Tayong Dalawa. Gumaganap siya rito bilang isang Philippine Military Academy (PMA) cadet at kapatid ni Gerald Anderson. Kasama rin nila rito si Kim Chiu, na bubuo sa kanilang love triangle.

Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Tayong Dalawa sa Tivoli Royale, Quezon City, kanina, December 17. Tinanong namin si Jake kung ano ang nararamdaman niya ngayong binigyan na naman siya ng serye ng Kapamilya network.

"It feels really good to be working on a primetime teleserye again," sagot niya. "Nakapagpahinga na ako. Well-rested na. Siyempre, this project is really different from the projects I've done before. And I'm really ready for this."

Ipinaliwanag ni Jake kung bakit Tayong Dalawa ang title ng kanilang serye.

Aniya, "Kasi yung Tayong Dalawa, it can represent so many things, e. It represents Ms. Agot [Isidro] and Ms. Cherrie Pie [Picache]. It can represent Ms. Helen Gamboa and Ms. Gina Pareño. It can represent me and Gerald as brothers. May connect, e. Each character, it's by two, e. It can represent Kim and Gerald or me and Kim."

Continue reading below ↓

LOVE SCENE WITH ALESSANDRA. Binanggit din ni Jake na may love scene sila rito ng isa pa niyang co-star na si Alessandra de Rossi.

Kuwento niya, "Ang character ko kasi rito talagang depressed, talagang down siya lagi. So, yung paraan ko rito kung paano ko palilipasin ang depression ko, yung problema ko ay ang kumuha ng bayarang babae—at si Alessandra yun.

"Actually yung love scene na yun, hindi siya... Actually, maganda yung eksena, e. Hindi siya yung typical na love scene na dadaan lang. Parang masabi mo lang yung aabangan mo dahil love scene.

"Ang connect namin ni Alessandra sa serye, kinailangan namin ang isa't isa. Bale ako kinailangan ko siya nung gabing yun, kasi yun na yung lowest point of my life. Yung hinihingi ko na maging masaya kahit isang gabi lang. Ipinakita na sa trailer yun.

"Si Alessandra naman, she needed me that night. Kasi I was the only one willing to pay. Kilala ako sa club na pinagtatrabahuan niya as a big spender. And at the same time, hindi naman talaga ako nagte-take home, but I'm a big spender. So nung mangailangan ng pera si Alessandra, sumama siya sa akin."

Continue reading below ↓

Kumusta naman yung love scene nila ni Alessandra? Hindi ba sila nagkailangan habang kinukunan ang kanilang eksena?

"Okey!" sambit ni Jake. "Kasi kami naman ni Alex, magkaibigan. I mean, best friend ko si Alex way, way back. So the love scenes, walang ilangan at all. Walang problema."

Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Jake.

"Trabaho muna ako. Gusto ko muna tahimik," aniya.

ROXANNE GUINOO, JAKE'S EX. Sabi ng ex-girlfriend ni Jake na si Roxanne Guinoo, natutuwa siya dahil kapag natatanong daw si Jake tungkol sa "bugbugan issue" sa kanila ay hindi ito nagbibigay ng anumang pahayag. Kumbaga, nananahimik na lang si Jake. Ano ang masasabi ni Jake dito?

"I'm just being a gentleman," sabi ng aktor. "I make it a point naman to be a gentleman, e, kahit ano'ng mangyari. So, yun lang naman ang ginagawa ko,"

Kumusta na ba sila ni Roxanne pagkatapos ng "bugbugan issue" sa kanila?

Continue reading below ↓

"Okey naman kami, no problem. Nag-guest pa nga ako sa show nilang Banana Split, e," ani Jake.

Sa darating ba na Pasko ay babatiin niya si Roxanne?

"Pag nagkita kami, babatiin ko siya ng Merry Christmas."

Kung hindi naman daw sila magkikita ni Roxanne ay iti-text niya na lang ang dating kasintahan.

"Nagsi-send to many naman ako, e," aniya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi kami naman ni Alex, magkaibigan. I mean, best friend ko si Alex way, way back. So the love scenes, walang ilangan at all. Walang problema," says Jake Cuenca about his love scene with Alessandra de Rossi in Tayong Dalawa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results