PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John "Sweet" Lapus recalls his achievements in 2008

Sweet is preparing for his 16th anniversary show as early as now.
by Ruel J. Mendoza
Published Dec 24, 2008
"In fairness, mas tahimik ang 2008 in terms of controversies. Wala akong masyadong naging intriga. Hindi ako na-involve sa anumang away this year. Mas naging productive lang ako, which is very good," says John "Sweet" Lapus.

Bago matapos ang taong 2008, nagbalik-tanaw ang TV host-comedian na si John "Sweet" Lapus sa mga magagandang nangyari sa kanya sa taong ito.

Sabi ng co-host ng Showbiz Central, naging maganda ang taong 2008 para sa kanya at sa kanyang career. Halos wala naman daw siyang naging intriga, hindi tulad ng mga nagdaang taon.

"In fairness, mas tahimik ang 2008 in terms of controversies," bungad ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala akong masyadong naging intriga. Hindi ako na-involve sa anumang away this year. Mas naging productive lang ako, which is very good.

"Siyempre, ang pinakanatuwa ako ay ang manalo ako ng award sa Aliw Awards as Best Male Stand-Up Comedy Act last November. Masaya ako kasi muli na namang na-recognize ng Aliw Awards ang mga ginagawa kong pag-entertain sa maraming tao. Alam naman ng lahat na hindi madaling magpatawa ng audience. Pero sa awa ng Diyos, naaaliw pa rin sa akin ang marami!" sabay tawa ni Sweet sa Christmas party ng Showbiz Central kagabi, December 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONSISTENT TOP-RATER. Bilang isang TV host, ipinagmamalaki ni Sweet ang patuloy na pagiging number one ng Showbiz Central every Sunday. For the past ten months ay consistent na nananalo sa ratings ang Showbiz Central, not just because of the exclusive showbiz stories kundi ang inaabangan ng marami na "Don't Lie To Me" segment ni Sweet.

Kaka-renew nga lang ni Sweet ng kanyang kontrata sa GMA-7 kamakailan.

"Sa totoo lang, much talked about pa rin ang ‘Don't Lie To Me' segment namin. As in, iyon ang pinag-uusapan tuwing Lunes ng mga tsismoso't tsismosa sa mga beauty parlor, palengke, at sa mga naglalaba sa ilog! Lalo na kung kontrobersyal ang umupo sa lie-detector machine namin, laman na siya ng mga tabloids kinabukasan.

"Ang gusto lang naman namin sa Showbiz Central ay ang mapasaya ang mga loyal televiewers namin. Na ma-entertain sila and at the same time, up-to-date sila sa mga latest showbiz stories. Tayong mga Pinoy pa naman, mahilig tayo sa kuwentong artista. Favorite pasttime na nga natin ang pagtsismisan ang mga sikat na artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SWEET AS AN ACTOR. Sa pagiging aktor naman ni Sweet, napasama siya sa dalawang top-rating primetime drama series. Una ay ang Ako Si Kimsamsoon kung saan bida si Regine Velasquez, at ngayon ay mainstay si Sweet sa Luna Mystika bilang tikbalang bakla na si Karya.

Sa movies naman ay kasama rin si Sweet sa 2008 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll X ("Emergency" episode).

"Isa pa ‘yan sa pinasasalamatan ko sa taong ito dahil nakasama ako sa mga magaganda at top-rating drama series ng GMA-7," sabi ni Sweet. "I had so much fun doing Ako Si Kim Samsoon at mas nabaliw naman ako sa role ko sa Luna Mystika. Saan ka naman nakakita ng baklang tikbalang, di ba? Only in GMA-7 ‘yan!

"Alam naman ng lahat na ang first love ko talaga ay ang umarte. Stage actor ako and showgirl at the same time. Kaya ang mag-perform sa stage, TV, at movies, kering-keri ko. Enjoy talaga ako kasi nakaka-create ako ng sarili kong character sa mga roles na binibigay sa akin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANNIVERSARY SHOW. Sa 2009 nga ay magse-celebrate si Sweet ng kanyang 16th anniversary sa showbiz. This early ay nakaplano na ang kanyang magiging anniversary show na may titulong Sweet 16. Sa Mayo 2009 na ito magaganap.

"Every year naman ay may anniversary show ako. Nanggugulat kasi ako parati. For my 16th anniversary, isang bonggang show na naman ang ihahanda namin. Ngayon ay nasa planning stage na kami, pero ang mga magaganap ay naglalaro na sa utak ko. Mas bongga at hindi ito dapat ma-miss," sabi ni Sweet.

Read Next
Read More Stories About
John Lapus, Showbiz Central
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In fairness, mas tahimik ang 2008 in terms of controversies. Wala akong masyadong naging intriga. Hindi ako na-involve sa anumang away this year. Mas naging productive lang ako, which is very good," says John "Sweet" Lapus.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results