Gaya ng nakagawian na ng magazine show ng GMA-7 na Mel & Joey, hosted by Mel Tiangco and Joey de Leon, sa episode nila kagabi, December 28, ay nag-imbita sila ng psychics para magbigay ng kanilang vibrations tungkol sa showbiz at politics.
Ang mga naimbita nilang psychics ay sina Madame Suzette, Malou, at Maricel. Bawat isa sa kanila ay may mga hawak na pictures ng mga artista at sinasabi nila kung ano ang nakikita nila para sa mga ito in 2009, the Year of the Ox sa Chinese calendar.
May mga reaction ang audience tuwing may ipakikitang picture ang tatlong psychics, lalo na kung controversial ang mga ito.
Narito ang mga prediction ng tatlong psychics sa ilang Kapuso stars:
JENNYLYN MERCADO - "No reconciliation" na raw sa dating boyfriend na si Patrick Garcia. Pero makikipag-reconcile daw ito sa dating boyfriend na si Mark Herras, na hindi naman nilinaw kung sa kanilang lovelife o sa kanilang love team dahil magsisimula na silang mag-taping ng Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap? under Direk Joel Lamangan.
MARK HERRAS - Patuloy na magniningning ang bituin, huwag lang daw siyang lilingon sa nakaraan.
RHIAN RAMOS - Masyado raw focused sa career niya, pero magiging successful ang love team nila ni JC de Vera.
JC DE VERA - Lalong sisikat ang bituin, successful ang career.
MARK ANTHONY FERNANDEZ - Patuloy nang susunugin ang nakaraan at pipiliin nang maging diretso ang kanyang buhay at career.
RICHARD GUTIERREZ - Although lucky pa rin daw ito sa anumang project na gagawin, may offer daw na darating mula sa ABS-CBN. Na kay Richard na raw ‘yon kung magde-decide siyang lumipat sa Kapamilya network.
DENNIS TRILLO - Magiging very lucky pa rin sa 2009 dahil babalik ang kasikatan na muntik nang nawala sa kanya. May new love daw itong matatagpuan, pero hindi na si Cristine Reyes dahil magsisimula sa letter "N" ang pangalan ng bago niyang mamahalin. Hindi sinabi kung taga-showbiz ang girl.
OGIE ALCASID & REGINE VELASQUEZ - Magkalaban daw kasi ang zodiac sign nila dahil si Ogie ay Year of the Sheep, si Regine naman Year of the Dragon. Nakikita nilang puwedeng maghiwalay ang dalawa at ang masakit ay kay Ogie raw manggagaling ang breakup nila. (Pabalik pa lamang from Australia bukas sina Ogie at Regine dahil dinalaw nila ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah.)
DINGDONG DANTES - Hindi man diretsang sinabi na sina Dingdong at Marian Rivera na talaga ngayon, pero kauumpisa pa lang daw nila. Sandali lang daw ang kanilang magiging relasyon, pero tuluy-tuloy pa rin ang kanilang kasikatan sa mga pagtatambalan nilang projects. Mas maganda raw kung hindi taga-showbiz ang magiging girlfriend ni Dingdong, pero bahala raw ang aktor dito. Kay Dingdong daw kasi, "girls come and go" dahil hindi pa ito ready for a commitment. Wala na silang balikan ni Karylle, pero magiging successful pa rin sila as business partners.
MARIAN RIVERA - Isinilang si Marian in the Year of the Rat at compatible daw ito sa Year of the Ox. Ituturing pa rin si Marian na sex goddess at naka-focus pa rin ang paghanga ng mga tao sa kanya. Marami pa raw aabangang controversies kay Marian. Inihalintulad pa ni Maricel si Marian kay incoming US President Barrack Obama na ngayon pa lang ay inaabangan na kung ano ang ipakikita niya sa mundo at kung may mga kontrobersiya rin itong kasasangkutan. Pero may kapalit daw ang patuloy na kasikatan ni Marian, dahil magkakaroon siya ng problema sa kanyang relationship, sa health, at may mga taong pipiliting ungkatin ang kanyang nakaraan.