Thankful ang award-winning actress na si Mylene Dizon na sa kabila ng kanyang pagbubuntis ay nabigyan pa rin siya ng project ng ABS-CBN. Ito ay sa pamamagitan ng primetime teleserye Tayong Dalawa, na magsisimulang ipalabas sa January 19.
"Mabuti nga kinuha ako ng ABS kahit na buntis ako, lalo na't kailangan kong kumayod para sa baby ko, ‘no!" bungad ni Mylene sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Tayong Dalawa. Nagmistulang awards night itong launching dahil sa pagbibigay-parangal sa award-winning cast ng naturang teleserye, Ito ay ginanap sa Teatrino sa Greenhills, San Juan last Wednesday, January 7.
Hindi ba siya binigyan ng follow-up project ng GMA-7 pagkatapos ng Dyesebel, kaya ngayon ay nasa ABS-CBN na siya ulit?
"Actually, I was still doing Dyesebel when they mentioned this [Tayong Dalawa] project already. And also the director of Dyesebel, si Don Michael Perez, mentioned na he wanted me to be a part of... I think it was Gagambino, but then I got pregnant nga."
Pero bakit pumayag siya sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN?
"Dito kasi puwede akong bumirit, sa Gagambino hindi ako puwedeng bumirit!" biro ni Mylene. "So, I think nawala na yung character ko sa Gagambino. Pero hindi ko rin alam, e. Na-mention lang sa akin. I'm not actually even sure if it's Gagambino nga. He [Don Michael] just mentioned this new show after Dyesebel nga, na he wanted me to be in, e.
"But this one [Tayong Dalawa], noong nag-birthday ako last September dumating si Deo [Endrinal, business unit head ng ABS-CBN], tapos sabi niya, ‘O, anong plano mo?' Tapos sabi ko, ‘Hindi ko alam, Deo. Hindi ako ready. Ayokong magpahinga, ayoko!' Dedma lang itong si Deo, wala namang sinasabi sa akin. Aba'y biruin mo nga naman, may isini-secret pala itong si Deo! Hindi sinasabi sa akin! Pa-ngiti-ngiti lang siya noong gabing ‘yon. Yun pala that time, alam na niya ang plano niya sa akin."
BREAK FROM KONTRABIDA ROLES. Hindi ba maninibago ang mga tao sa kanya sa Tayong Dalawa dahil mabait ang role niya rito at hindi ang kinasanayan ng mga tao na kontrabida role?
"I played kontrabida kasi for a long time na, e," sabi ni Mylene. "Kapag nagso-soap ako, lagi na lang akong villain. It's very refreshing to start again a new soap wherein hindi ako yung laging galit. Pero it still requires a lot of hard work to be playing my role as Loretta [mother of Kim Chiu]. Nakakapanibago sa umpisa, pero I think ano lang naman ‘yan, e, habang nagga-grind yung taping, nasasanay na lang ulit ako, nakakapag-adjust na rin ako. I think both are very difficult. Kasi halimbawa, after this bigyan na naman ako ng role na nagsusungit, alam ko mahihirapan na naman akong bumuwelo diyan, e."
Paano yung shots para hindi mahalata ang tiyan niya, especially hindi naman buntis ang role niya sa Tayong Dalawa?
"Nagsusuot ako ng maluluwag na mga damit, mga polo. Buti na lang yung role ko rito ay hindi fashionista kaya puwedeng dukha-dukhaan. At saka dinadaan na lang sa mug shots, ganyan," ani Mylene.
Hindi ba siya nahihirapan sa taping?
"Ang mahirap kasi yung hindi pa rin nawawala yung puyat. Pero pinangakuan naman ako ng cut-off [time]. So, ito ngang mga past taping days maaga-aga na rin akong nakakauwi. And I get to rest naman sa taping. Ang mahirap lang is puro iyakan. Kasi nga yung role ko rito laging umiiyak. Ang role ko nga is Loretta, ang nanay ni Kim Chiu, na hindi marunong lumaban at iiyak na lang."
Hindi ba makakasama sa baby yung lagi kang umiiyak?
"Hindi naman. Kasi hindi naman yun ang tunay na pakiramdam ko as a person. Hindi naman yung tipong paggising ko, depressed ako, pagtulog ko, depressed ako. Actually, sa set, tawa lang kami nang tawa. Wala kaming ginawa kundi tumawa. Joke time nang joke time lang lagi. Iiyak lang sa eksena, and then pagka-cut, joke ulit. Pati si Tita Anita [Linda], dyino-joke namin," kuwento ng aktres.
Hanggang kailan siya magtatrabaho?
"Hanggang February. By that time, seven months na itong tiyan ko."
Mabuti pumayag ang ama ng kanyang magiging second baby na si Paolo Paraiso (tatay rin ng panganay ni Mylene na si Tomas) na magtrabaho pa rin siya kahit na malaki na ang tiyan niya?
"Kasi mababato ako sa bahay, e. Mabo-bore ako, hindi ako sanay ng walang ginagawa. Noong nagbuntis ako kay Tomas, nagpa-renovate ako ng bahay. Kailangan talaga busy ako. Hindi ako puwedeng tumanganga."
So, sobrang kayod sila ni Paolo ngayong dalawa na ang baby nila?
"Superduper kayod! Kailangang mag-ipon ng marami-rami."
SECOND PREGNANCY. More than six months na ang tiyan ni Mylene. Nakatakda siyang manganak sa last week ng April ngayong taon. Nakaugalian na pala niya na hindi alamin ang gender ng baby niya kahit na nga puwede naman itong gawin through ultrasound.
"Hindi talaga, e. Nagpapa-ultrasound ako for the health of the baby. But not for the gender of the baby," sabi ni Mylene.
Dagdag niya, "Alam mo ang sabi ko nga kay Pao [Paolo], noong kay Tomas, feeling ko ang ganda-ganda ko. Pero ang sabi niya, ang pangit ko raw kaya lalaki ang baby ko. Napatingin ako sa mga pictures ko dati. Sabi ko, maganda ako. Ang sama ng ugali! Hindi ako pangit noon, ha!"
So, ngayon ano ang sinasabi ni Paolo sa kanya?
"Pero ngayon, gandang-ganda siya sa akin. Sabi ko, ‘Nambobola ka lang, e!'"
May pangalan na ba silang naisip para sa second baby nila ni Paolo?
"May pangalan na akong naka-stand-by. Dalawang pangalan; isa para sa babae, isa para sa lalaki."
Puwede niya bang i-share sa PEP kung ano ang mga pangalang ito?
"Ayoko, baka ma-jinx, e. Huwag na lang," tanggi niya.
Paano ba nangyari na nakabuo ulit sila ni Paolo ng isa pa kahit alam naman ng lahat na hiwalay na sila?
"Once in a while kasi nag-sleep-over siya sa house. Nagkataon din kasi na birthday ng kaibigan namin na neighbor ko. Pagkatapos ng party, siyempre nagkainuman sa bahay ng friend ko, nagtanong na siya if he can sleep over, na dati naman niyang ginagawa, kasi tinutulungan niya ako sa pagbabantay kay Tomas," kuwento ni Mylene.
PAOLO AS GOOD FRIEND. Kumusta na sila ni Paolo? Paano niya ide-describe yung relationship nila ngayon?
"Paolo and I chose to be okay and good friends because we want our children to grow up na knowing kaming magulang ay okay. We chose to forego things na makakapag-trigger ng pag-aaway o pagkakagalit sa isa't isa. At ayaw rin naming umabot ang aming relationship sa point na yung it gets ugly. Because we don't want our children to get affected by yung mga pag-aaway ng mag-asawa," saad ni Mylene.
So, iyon din ang iniiwasan niya kaya ayaw magpakasal kay Paolo?
"Well, ang reason naman kasi kaya hindi kami nagpapakasal is kasi hindi ko naman siya boyfriend. And I think, and I also feel na... I guess we are not right for each other. I think there is somebody else out there for Paolo. And there's somebody out there hopefully for me."
Bakit ganun pa rin ang feeling niya kahit magdadalawa na ang kanilang mga anak?
"Oo...kasi it would be lying. It would be hard to pretend that you're happy, but you're not."
Nasabi niya na ba ito kay Paolo?
"He knows that."
Ano ang reaksiyon niya?
"Ano ba ang reaksyon niya? I think he was agreeable. But you know, Paolo loves me very, very much. Pero alam naman naming dalawa na naghiwalay kami...yung usapan ng paghihiwalay namin, hindi na namin pinag-usapan pa ulit."
Pero hindi ba nangungulit si Paolo na gusto niyang magbalikan sila or gusto na niya siyang pakasalan nito?
"Hindi naman," sabi ni Mylene. "Although, noong minsan na nagpa-interview siya sa Showbiz Central, sinabi niya na liligawan niya ako ulit when it was announced na I was pregnant nga. But, you know, I told him already then na, ‘Hey, you know, nothing's changed. Only I got pregnant.' But really nothing has changed between him and me.
"It doesn't mean na we're back together. And it doesn't mean na 'I love you more'. It doesn't mean na 'I love you less'. We got back to the same situation before my pregnancy. It just so happens lang ngayon na may dalawa na tayong anak. So, hayun... kailangan ko na ring magpa-ligate...hindi, loko lang!" biro pa ni Mylene.
What kind of a "boyfriend" and father is Paolo?
"Si Paolo, lagi siyang nandiyan. Hindi siya absentee father. He takes care of me. He takes care of Tomas. Lagi siyang nangungumusta kung kumusta na kami. Sa obi-gyne lagi ko siyang sinasama. Meron siyang sustento sa amin na monthly. Nilalabas niya kami. Nanonood kaming dalawa minsan ng sine. Ganun, magkaibigang-magkaibigan talaga kami. Kapag wala akong kasama, siya yung tatawagan ko. Nagpapasama ako sa kanya. The same way na kapag gusto niyang magpasama na he feels puwede rin akong nandun, yayayain niya ako."
Kailan kayo huling nag-bonding ni Paolo with Tomas?
"Last New Year lang, pumunta kami ng Hong Kong. It was a very wonderful trip for me, Paolo and Tomas. We are all together, kaming tatlo at saka yung pamilya ng kapatid ko. Pero noong last day, kaming tatlo na lang. Ang saya ng bonding para sa aming tatlo na magkakasama. And to complicate yung kaligayahan naming tatlo by getting married, I think it would be wrong. Because, ayoko ngang magsinungaling. At saka gusto kong mabigyan ng chance si Paolo... gusto kong bigyan ang sarili ko ng tsansa na mahanap yung kung sino yung para talaga sa amin. Para mabigyan naman namin ang sarili namin ng pagkatataon sa tunay nakaligayahan."
Malapit na ang Valentine's Day, ano ang pinaka-sweet o memorable na nangyari sa inyo ni Paolo during Valentine?
"Alam mo, hindi ko na maalala. Kasi noong last Valentine namin noong kami pa, nasa Amerika ako noon at malapit nang manganak kay Tomas. So, magkahiwalay kami. Alam ko umiiyak ako noon kasi iyakin ako noong time na nasa Amerika ako. Kasi nga wala si Paolo, iyak lang ako nang iyak. Dumating lang siya noong manganganak na ako. Hindi ko na maalala 'yang mga sweetness na iyan. Basta alam ko, Paolo will always be there for me, for Tomas at sa bagong baby namin."
EXCITED LITTLE KUYA. Three years old na si Tomas, so clear na sa kanya na magkakaroon siya ng kapatid. Excited ba si Tomas?
"Oo, excited siya," sbai ni Mylene. "Every morning binabati niya kami ng baby. Naggu-good morning siya sa baby. Tapos hinahanap niya yung baby kung lumabas na raw. Excited siya. Pinaplano niya kung saan matutulog yung bata. Yung mga ganung bagay."
Natanong niya ba si Tomas kung babae o lalaki ang gusto niyang kapatid?
"Actually, siya may name na nga siya sa baby, e. May gusto siyang name for girl. E, ayoko. Hindi ko gusto yung pinili niyang pangalan."