PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang's love life takes a backseat to his career

Ronnie is now preparing for his second album.
by Dinno Erece
Published Jan 14, 2009
Singer-actor Ronnie Liang will celebrate his 24th birthday on January 31 by visiting two charity institutions. "Marami pong blessings sa akin kaya ako naman ang magbibigay,"he says.

Sa unang batch ng Pinoy Dream Academy, si Ronnie Liang ang pinaka-visible sa kanilang lahat.

"Siguro po kasi, may soap ako. Ang [I Love] Betty La Fea, tapos napapanood pa sa ASAP," paliwanag agad ni Ronnie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa merienda cena na ibinigay niya kahapon, January 13, sa isang restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

Unang regular acting job ni Ronnie ang pagkakasali niya sa soap ni Bea Alonzo bilang si Enrique, ang pinakamabait na empleyado ng Eco Moda.

"'God bless you' na nga ang unang sinasabi sa akin ng mga tao sa daan, kasi ito ang madalas kong sinasabi sa Betty. Ako kasi palagi ang taga-awat sa gulo sa office. Palagi kong sinasabi ‘Sister, brother, God bless you na lang," kuwento ni Ronnie.

Hanggang March pa ang itatakbo ng Betty La Fea o full three seasons para raw masulit ang ibinayad sa rights nito, na ayon sa mga taga ABS-CBN ay ang pinakamahal na rights na binili ng Kapamilya network; mas mahal pa sa Pinoy Dream Academy, Pinoy Big Brother, at Pinoy Fear Factor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw pang magsalita ni Ronnie kung may kasunod na siyang project pagkatapos ng Betty La Fea, pero may isang hindi pa puwedeng sabihing project ang kinukunsidera siya.

Dapat sana, pagkatapos ng Betty La Fea, magtutuluy-tuloy na naman ang out of the country shows ni Ronnie ngunit kailangan nilang hintayin muna kung papasok sila sa nasabing bagong soap. Ganunpaman, may naka-schedule na ring Bahrain (February) at Hong Kong (March).

CHARITY WORK ON HIS BIRTHDAY. Sa January 31, 24 years old na si Ronnie. For the past three years, isang birthday concert palagi ang ibinibigay ng kanyang manager na si George Roca, at siya na rin para sa kanyang mga fans. Ngayong taon na ito, charity work ang gagawin ni Ronnie.

"Sa birthday ko po, may bibisitahin akong dalawang institutions sa may Quezon City, magkatabi ito. Isa para sa mga abandoned children at yung isa para sa mga aged parents na iniwanan ng mga anak. Doon po ako ng tanghali, magbibigay ng show, tapos magbibigay ng gamot at donation. Mas kailangan kasi nila ang pera doon," sabi ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang unang beses na nagkawanggawa si Ronnie. Dati, sa isang episode ng The Correspondents ng ABS-CBN, kung saan tinalakay rin ang mga abandoned parents sa Tondo at Laguna, gumawa ng paraan si Ronnie para makatulong sa kanila.

"Marami pong blessings sa akin kaya ako naman ang magbibigay," aniya.

Patuloy niya, "Ngayong taon din na ito ang una kong birthday sa bahay naming ipinagawa sa Pampanga. Nakakatuwa nga, noong Paskong yun din ang unang Christmas namin ng pamilya ko doon.

"Natatandaan ng kuya ko, noong 2007 New Year, nagpaputok kami sa paligid nung lote namin, pero talahib pa lang noon. Noong New Year, nagpaputok ulit kami, pero may bahay na," pag-alaala ni Ronnie.

SECOND ALBUM. Naghahanda na rin si Ronnie ng kanyang second album mula sa Universal Records. Akala nila ng kanyang manager, hindi na sila ire-renew ng Universal dahil nag-expire ito noong end of 2008. Dapat daw, December pa lang, na-renew na ito kasi one month ang ibinibigay na notice ng recording company kung ire-renew nila ang talent o hindi na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon buwan pa lang sila nag-renew. Nag-gold ang unang album ni Ronnie at na-repackage ito ng kung ilang beses. Number one ngayon ang kanyang huling single, "Iingatan Ka," mula sa nasabing album, Ang Aking Awitin.

Mula ito sa album ni Kris Aquino para sa kanyang inang si former President Cory Aquino, at idinagdag din sa album ni Ronnie noong huling repackage. Masayang ibinalita ng Universal sa kanila na number one ito sa ilang radio stations, kasama na ang WRR at YES FM.

Ang huling tanong namin kay Ronnie ay kung kailan naman siya magkakaroon ng love life.

"Darating po tayo diyan, career muna ngayon," sagot niya.

Read Next
Read More Stories About
Ronnie Liang
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Ronnie Liang will celebrate his 24th birthday on January 31 by visiting two charity institutions. "Marami pong blessings sa akin kaya ako naman ang magbibigay,"he says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results