PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso and even Kapamilya stars auditioned for Richard Gutierrez's leading lady in Zorro

At least two ABS-CBN stars were spotted during the audition.
by Noel Orsal
Published Jan 22, 2009
GMA-7 held auditions to find the two leading ladies of Richard Gutierrez (in photo) for the upcoming action-adventure series Zorro. The audition attracted not only Kapuso stars but Kapamilya stars as well.

Last Friday January 16, ay ginanap ang open audition ng GMA-7 para sa gaganap na dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa Philippine adaptation ng classic swashbuckling hero na Zorro.

Isang source na nandoon sa audition ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na dinagsa ng mga artista, modelo, at aspiring actresses ang naturang audition ng GMA-7. Ito ang dahilan kaya napagdesisyunan ng pamunuan ng Kapuso network na i-extend ang audition noong Lunes, January 19, para ma-accommodate ang lahat ng gustong mag-audition.

Ayon sa aming source, ang ilan sa Kapuso stars na namataan niyang nag-audition ay sina Isabel Oli, Glaiza de Castro, at Ynna Asistio. Si Ynna ay anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro at ngayo'y mina-manage na ni Annabelle Rama.

Bukod sa Kapuso stars ay meron din daw ABS-CBN talents na pumunta sa audition. Kabilang dito ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate na si Niña Jose at ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Niña ay hindi naman nakakontrata sa Star Magic ng ABS-CBN dahil ang manager niya ay si Manny Valera, na siya ring manager ni Glaiza.

Nagulat kami sa sinabi ng aming source na pati si Alex ay nag-audition sa Zorro. Bagamat wala siyang regular show sa ABS-CBN—kung saan siya nagsimula sa programang Let's Go—ay siya naman ang host ng showbiz talk show ng TV5 na Juicy.

Isa pang source ang nakapagsabi sa PEP na isang top actress ng ABS-CBN ang nagbigay rin ng feeler para mag-audition bilang leading lady ni Richard. Pero hindi ito natuloy dahil binigyan daw ang aktres ng malaking project sa Kapamilya network.

Namataan din ng aming source na nag-audition ang dating Bb. Pilipinas-World na si Janina San Miguel.

Kuwento pa ng aming source, dalawa raw ang hinahanap ni Direk Mark Reyes para maging leading lady sa Zorro—isang mestiza para sa papel na mayaman at isang morena para naman sa papel na mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino sa mga nag-audition ang napili para maging leading lady ni Richard. Next week pa raw kasi nila ito ipapaalam at tatawagan kung sino man ang mapipili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 held auditions to find the two leading ladies of Richard Gutierrez (in photo) for the upcoming action-adventure series Zorro. The audition attracted not only Kapuso stars but Kapamilya stars as well.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results