Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Marian Rivera reveals reason behind breakup with Ervic Vijandre

by Nora Calderon
Jan 27, 2009
"Very close lang talaga kami, pero wala pa po yung boyfriend-girlfriend. Basta ang masasabi ko lang po, hindi ko po isinasara ang pinto ko kay Dingdong," says Marian Rivera about leading man Dingdong Dantes.


Kasamang dumating ni Marian Rivera sa isang afternoon of chikahan with select entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa executive lounge ng GMA Network Center kahapon, January 26, ang program manager ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Ms. Redgynn Alba.

Si Redgynn na rin ang nag-confirm na sa February 2 na ang pilot telecast ng ikatlong primetime series nina Marian at Dingdong Dantes. Kaya medyo stressed daw sila dahil biglaan ang schedule na dapat ay sa February 9 pa. Magsisimula pa lang daw kasi silang mag-taping ng week three ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Bakit bigla ang desisyon na mapaaga ang pilot telecast nila?

"Ang dami na po kasing request na gusto na nilang mapanood sina Dingdong at Marian," paliwanag ni Redgynn. "Naiinip na raw sila dahil October 2008 pa nila huling napanood sa Dyesebel ang dalawa."

Kaya raw sa final week ng Lalola starting February 2, magiging apat na soaps na ang mapapanood sa Kapuso network pagkatapos ng 24 Oras. Bukod pa rito ang Koreanovela na Money War.

Continue reading below ↓

On February 9, balik na sa regular tatlong local soaps at isang Koreanovela—Luna Mystika, Gagambino, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at Money War.

Tinanong ng PEP si Marian kung hindi ba siya natatakot dahil iba ang role na ginagampanan niya sa bagong soap nila ni Dingdong.

"Medyo nag-aalala nga po ako, kasi nasanay na ang televiewers sa akin na ako ang inaapi," sabi ni Marian. "Dito, matapang ako, misteryosa, street-smart, naughty at ibang-iba ang ayos ko. Kahit ang makeup ko, iniba rin nila. Pero ipinagdarasal ko po na magustuhan nila ito dahil talagang pinaghandaan ko, namin ni Dingdong, ang mga characters namin dito."

WHAT'S THE REAL SCORE? Speaking of Dingdong, since pareho na silang libre ng kanyang leading man, ano na talaga ang real status nilang dalawa ngayon?

"Lumalabas po kami, pero hindi naman po talagang date," sabi ni Marian. "Minsan, tatawag siya sa akin, kung wala raw akong appointment, puwede ba kaming mag-lunch o mag-dinner. Like kaninang umaga, tumawag siya kung gusto ko raw mag-lunch kami. Sabi ko, okey. Ayun, nag-lunch kaming dalawa sa Serendra, hindi ko lang po napansin kung ano ‘yong restaurant.

Continue reading below ↓

"Last Friday [January 23], wala po kaming taping dahil Tuesday, Thursday, and Saturday ang taping namin, tumawag siya kung nasaan daw ako. Sabi ko nasa Rockwell ako, pupunta raw siya. Kumain lang po kami sa Oliver's Sandwich."

May nakakita raw sa kanila, sweet na sweet daw sila sa isa't isa.

"Hindi naman po," tanggi ni Marian. "Ganoon na kasi kami noon pa ni Dong. Siguro dahil talagang naging close na kami simula pa ng Marimar at wala pong nababago sa samahin namin. Wala po kaming ginagawang masama kaya hindi namin itinatago kung lumalabas man kami."

Wala pa ba siyang ibang feelings para kay Dingdong?

"Hindi ko naman po isinasara ang pinto ko kay Dong. Dahil lagi nga kaming magkasama, hindi po malabong magkagusto ako sa kanya," diretsong sagot ng dalaga.

Hindi pa ba nanliligaw sa kanya si Dingdong?

"Wala pa naman po. Very close lang talaga kami, pero wala pa po yung boyfriend-girlfriend. Basta ang masasabi ko lang po, hindi ko po isinasara ang pinto ko kay Dingdong."

Continue reading below ↓

Sa Valentine's Day, ano ang plano nila ni Dingdong?

"May taping po kami," sagot ni Marian.

Biro ni Redgynn, sa kanya raw ang Valentine's Day nina Dingdong at Marian. Hindi raw sila puwedeng hindi mag-taping. Bago kasi ang Valentine's, aalis pa ang dalawa for Guam dahil special guests sila ng concert doon nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez with boxing champ Manny Pacquiao sa February 7.

May naisip na ba siyang Valentine gift for Dingdong?

"Wala pa po. Wala pa akong time bumili ng gift para sa kanya," nakangiting wika ni Marian.

Bago natapos ang interview kay Marian, napilit din siyang sabihin kung ano ang Christmas gift niya kay Dingdong—Omega wrist watch. Pero hindi naman siya napilit na sabihin kung ano ang Christmas gift ni Dingdong sa kanya. Tanungin na lang daw namin siya ulit sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa Thursday, January 29.

REASON FOR BREAKUP. Kinulit ng entertainment press si Marian kung ano ba talaga ang reason ng breakup nila ng dating boyfriend niyang si Ervic Vijandre, na eight years din ang itinagal ng kanilang relasyon. Hindi kasi sinabi noon ni Marian kung bakit sila nag-break ni Ervic.

Continue reading below ↓

Totoo bang nagseselos ito kay Dingdong at pinapili si Marian between her career and Ervic?

"Hindi po," tanggi ni Marian. "Minsan po nagseselos siya noon kay Dingdong, pero ina-assure ko siya palagi na wala siyang dapat ipagselos, trabaho lang talaga ‘yon.

"Three months na nga po kaming break bago nalaman ni Dong dahil lumabas sa kabila [ABS-CBN]. May kaibigan po yata siyang [Ervic] reporter doon kaya nila nalaman ang breakup namin kaya inilabas nila.

"Ang totoo po," patuloy niya, "masyadong conservative ang boyfriend ko at pinagtalunan namin ang pagtanggap ko para sa calendar 2009 ng Ginebra San Miguel. Actually, matagal na po yung offer sa akin, hindi po namin tinatanggap ng manager ko. Pero nang sabihin nila sa akin na hindi naman ako magpo-pose na too sexy... Yes, naka-two-piece swimsuit ako, pero may t-shirt sa ibabaw, sabi ko ita-try ko. Ayaw po niyang [Ervic] pumayag. Pero sabi ko, sayang naman ang opportunity.

Continue reading below ↓

"Two weeks po kaming away nang away tungkol doon. Hindi naman po totoo na pinapili niya ako sa career ko at sa kanya. Kaya nag-usap na po kami nang masinsinan at nakipag-break na ako sa kanya, at saka ko lang tinanggap ang offer para sa calendar.

"Wala po silang napansin sa akin na nakipag-break na ako sa boyfriend ko dahil that time, busy ako sa taping ng Dyesebel at sa shooting ng One True Love. Wala po akong time na maging sentimental dahil sa nangyari," lahad ni Marian.

Hindi ba siya binalikan ni Ervic?

"Hindi na po, kasi nga maayos naman ang paghihiwalay namin."

Totoo bang mag-aartista na rin si Ervic?

"Ang balita ko po, gusto niyang mag-join ng Pinoy Big Brother," banggit ni Marian.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Very close lang talaga kami, pero wala pa po yung boyfriend-girlfriend. Basta ang masasabi ko lang po, hindi ko po isinasara ang pinto ko kay Dingdong," says Marian Rivera about leading man Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results