PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

New soap of Marian Rivera and Dingdong Dantes clashes with ABS-CBN's No. 1 soap

"Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang" premieres on February 2 and will go up against "Tayong Dalawa."
by Dinno Erece
Published Jan 30, 2009
Marian Rivera and Dingdong Dantes team up for the third time in GMA-7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. This new soap will directly compete with ABS-CBN's No. 1 soap, Tayong Dalawa.

Shake, Rattle & Roll X co-stars Marian Rivera and Kim Chiu and Gerald Anderson are now primetime rivals starting this Monday, February 2.

Magkasama ngunit nasa magkaibang episodes si Marian at ang tambalang Kim & Gerald sa third highest-grossing movie ng 2008 Metro Manila Film Festival, Regal Entertainment's Shake, Rattle & Roll X. Hindi rin nagkasama ang tatlo noon sa pictorial ng pelikula dahil late decision na nang pinalitan ni Marian si Eugene Domingo sa "Nieves" episode. Ngunit nagkasama naman sila sa Parade of Stars nang lumipat si Marian sa SRR X float mula sa kanyang isa pang entry na Desperadas 2.

Sa Lunes, February 2, magsasabong sina Marian & Dingdong at Kim & Gerald sa ratings sa pagpasok ng pangatlong team-up soap nina Marian, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, mula sa direksyon nina Joyce Bernal at Topel Lee.

Sina Kim at Gerald, together with Jake Cuenca, ang mga bida sa nangungunang primetime program ng ABS-CBN, Tayong Dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

End of February ang unang plano na ipasok ang Carlo J. Caparas comics serial turned movie noong dekada 80, na ngayo'y isang primetime soap. Dapat sana'y ito ang ipapalit sa pagtatapos ng Gagambino ni Dennis Trillo. Nabago ang desisyon na ito ang ipalit sa Lalola nina JC de Vera at Rhian Ramos na magtatapos sa susunod na Biyernes, February 6.

Sa pangatlong pagkakataon, sa hiling ng mga fans nina Marian at Dingdong dahil noong October 2009 pa sila huling napanood sa Dyesebel, pinagbigyan ng GMA-7 ang kahilingan na ipalabas na agad ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kaya't simula Lunes, apat na local soaps ang mapapanood sa Telebabad block ng GMA-7 sa loob ng isang linggo.

Mas matutuwa ang fans nina Marian at Dingdong dahil mas maaga itong ipalalabas sa Telebabad block. Isusunod ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang pagkatapos ng Luna Mystika ni Heart Evangelista at bago mag-Gagambino ni Dennis. Ibaba ang Gagambino na susundan ng Lalola in its finale week bago ang Korean soap na Money War.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kina Angelu de Leon, Paolo Contis, Francine Prieto, Lovi Poe, Mart Escudero, Prince Stefan, Jackie Rice, Carlene Aguilar, Carmi Martin, Sherilyn Reyes, Paolo Paraiso, Alyssa Alano, Kevin Santos, at Boom Labrusca, may makakatulong pa sina Marian at Dingdong sa labanang love team kina Kim at Gerald—ang mismong pinalitan ni Marian sa Nieves character sa SRR X na si Eugene Domingo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera and Dingdong Dantes team up for the third time in GMA-7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. This new soap will directly compete with ABS-CBN's No. 1 soap, Tayong Dalawa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results