PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga talks about "moving on" after her short-lived romance with Sam Milby

Toni answers issues being thrown at her.
Published Mar 4, 2009
"Walang hurt. Alam mo kung bakit walang hurt? Bakit ka mahe-hurt, girlfriend ka ba para ma-hurt ka? Hindi ka naman girlfriend. Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Aba, teka lang naman!' Kaya after kong ma-shock, move on na agad," says Toni Gonzaga about her romantic relationship with Sam Milby.

Bago umalis papuntang Canada para sa kanyang series of shows doon ay isa-isang sinagot ni Toni Gonzaga ang mga intrigang ibinabato sa kanya nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng album nila ni Sam Milby, ang Love Duets.

INSECURE ISSUE. May isyung nai-insecure daw si Kris Aquino sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi, nakakahiya naman. Sinabi na niya sa akin 'yan. Tine-text niya ako. Ikinukuwento na niya sa akin 'yan blow-by-blow yung details ng panaginip niya. Sabi niya, 'Nakakaloka ka, ha! Pagdating ko sa Deal or No Deal, pareho tayo ng gown. Siyempre, payat ka.' So, parang pinapalabas niya na mas maganda ako sa kanya. Ako naman, natatawa lang noong ikinukuwento niya talaga yung details.

"Nagulat nga ako. Sabi ko sa kanya, 'Ate Kris, ano ka ba? Walang papalit sa iyo, 'no! Ikaw lang ang nag-iisang Kris Aquino.' Sabi naman niya, 'Hoy, ano ka ba? Dapat nga ma-flatter ka kasi ikaw yung papalit sa akin!' Oo, na-flatter naman ako. Walang makakapalit sa kanya, 'no! Anak ng bayani, anak ng presidente. Ako, anak ni Mommy Pinty. President ng mga ano yun...ng press o kaya ng PTA!" natatawang biro na lang ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon sa isang interview kay Kris, nabanggit nito na si Toni raw yung nakikita niyang magaling na host talaga. Ano ang comment ni Toni rito?

"Wow! Si Ate Kris, matagal ko nang ina-admire yung longevity ng career. When it comes to longevity ng career, lalo na sa hosting, no one beats Ms. Kris Aquino. How she handles all the issues, all the controversies, yun ang sinasabi ko sa kanya na she always remained on top of her game. Kahit sino ang dumating, Kris Aquino will always be Kris Aquino. Institusyon na siya."


ENDORSEMENT ISSUE. Next issue ay ang lumabas na intrigang tumatanda na raw siya kaya pinalitan na siya ni Sarah Geronimo sa pag-e-endorse ng beauty products na dati niyang ine-endorse.

"Wala naman akong masasabing masama kahit kanino, kahit kay Sarah, o sa Careline. Naging mabuting tao naman sila sa akin. Ginawan lang siguro ng intriga. At saka tama lang naman na si Sarah yung pumalit sa akin kasi mas bata siya sa akin; 25 na ako, ayaw na ng mga bagets. Parang hindi na akma sa akin yung target market ng product. Nasa working market na ako. Wala akong against sa Careline talaga. Malaki rin naman yung naitulong nila sa akin," pahayag ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIMITED SHOWS. Naging isyu rin yung hindi na siya kasing dalas mapanood ngayon sa TV kumpara dati. Kaya marami ang nagtatanong kung ano na ba ang nangyayari sa career niya sa ABS-CBN?

"Ganun talaga. Hindi naman laging ikaw ang napapanood. There will aways be phasing. Dati kasi, araw-araw akong napapanood. Hindi kaya naumay kayo sa panonood sa akin?"

Nagtataka lang kasi yung iba, hindi na raw ba siya mahal ng ABS-CBN?

"Ay, no, definitely no!" bulalas niya. "Actually, matagal ko nang sinasabi 'yan na ever since pumasok ako sa ABS, all I'm asking is just to work. And they've given me so much with what I asked for, and I'm really, really thankful. And right now, siyempre, I cannot divulge so many details kasi lahat ng meetings ko ay nangyayari in a private room. So, right now, hindi ako puwedeng magsalita nang magsalita.

"I trust ABS. I trust the company I work with. There are things for me that I cannot tell everyone. But just for this moment, I have Entertainment Live and ASAP '09."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Toni, nakatulong din naman na nabawasan yung work load niya dahil nakagawa siya ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na mataas ang naging rating. Sa tagal niya sa ABS-CBN, recently nga lang siya nakaarte for MMK.

Speaking of her projects sa ABS-CBN, sumundot pa ng tanong ang PEP kay Toni kung siya pa rin ba ang magho-host ng bagong season ng Pinoy Big Brother.

"Sa pagkakaalam ko, ako pa rin. Kami nina Mariel [Rodriguez] pa rin. Siguro naman hindi naman kami papalitan. Sana naman, huwag naman kaming palitan," sabi niya.

Paano kung palitan sila, mahe-hurt ba siya?

"Yun talaga, mahe-hurt ako," pag-amin niya. "Hindi ako makakapag-move on. Magli-linger ako sa hurt. I think hindi magagawa yun sa amin ni Direk Lauren Dyogi. Mahal namin si Direk Lauren.

"At saka grabe yung dedication na ipinakita namin sa Pinoy Big Brother. Kaya kailangang malaman ni Direk Lauren, lahat ng paghihirap, lahat ng luha, puyat. Nasa sinehan na kami, biglang babalik ka ng PBB house. Nanonood ka ng sine, tapos bigla kang ite-text o tatawagan, nabura ang tape, babalik ka ng PBB, magla-live. Ay, babalik talaga ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RETURN TO GMA-7 ISSUE. Nagkaroon din ng isyu na babalik daw siya ng GMA-7.

"Hindi nga totoo yun. Bakit naman ako babalik?" giit ni Toni.

Sinasabing mag-o-audition nga raw sana siya para sa isang teleserye sa GMA-7.

"Ay, hindi ako, baka ang kapatid ko!"

Pero may offer ba sa kanya ang GMA-7?

"Wala. Sa pagkakaalam ko, wala. Ewan ko ba rito kay Mommy Pinty [nanay at manager ni Toni], baka siya ang may ano. Pero ako, wala ako."

Sa status niya sa ABS-CBN, lilipat pa ba siya?

"Ay naku, no, hindi! Parang wala naman akong mababalikan na. Kasi dito ko na na-establish lahat. Yung mga kaibigan ko, yung career ko. Although I'm very grateful sa Eat Bulaga!, sa GMA-7 for the break. But, nakapagpatayo naman ako ng bahay and everything because of ABS. So, nararapat lang na ibalik ko yung pagmamahal na ibinigay sa akin ng istasyon."

Paano kung mag-offer ng malaki ang GMA-7, posible bang bumalik siya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, depende. Biglang napa-depende raw!" may himig na pagbibiro ni Toni. "Ayoko namang magsalita ng patapos. Pero so far, right now, I'm happy with where I am and kung ano ang naibigay sa akin ng ABS-CBN. Gaya nga ng sinabi ko, nararapat lang na ibigay ko yung tiwala at pagmamahal na naipakita sa akin ng istasyon. So, there's no reason for me na lumipat now."

SAM MILBY ISSUE. Naging usap-usapan din ang mga binitiwang pahayag ni Toni about Sam Milby sa kanyang nakaraang guesting sa The Buzz. Ipina-explain ng PEP kay Toni ang sinabi niya na noong nakita niya sina Sam at Anne Curtis sa dressing room ay na-shock siya tapos tumalon na agad siya doon sa "acceptance and moving on stage," at hindi na raw siya dumaan sa "hurting stage."

"Walang hurt," sabi niya. "Alam mo kung bakit walang hurt? Bakit ka mahe-hurt, girlfriend ka ba para ma-hurt ka? Hindi ka naman girlfriend. Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Aba, teka lang naman!' Kaya after kong ma-shock, move on na agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong time na nakita niya yung eksena na yun, wala na ba silang mutual understanding ni Sam?

"Wala na, matagal nang wala. Noong time na yun, talagang nag-focus na kami sa kanya-kanyang trabaho. Ayun na, nag-move on na to the next level."

Kahit konting hurt, wala ba siyang naramdaman?

"Alam mo noong nagsisimula yung isyu, nagulat lang ako. Then after a while, wala na. Okay na ako. Kasi quiet naman ang buhay ko. At saka dumating na rin si Direk Paul [Soriano, boyfriend ni Toni]."

Bakit mabilis siyang nakapa-move on?

"E, kasi kung hindi naman kayo committed, there's no reason for you to get hurt. Walang reason for you to linger on the pain or the hurt."

May nabanggit din si Toni na mga salita na "nagkamalisya" at "nagkamali" siya. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa mga ito?

"Nagkamalisya naman kami noong time ng You Are The One. Kaya lang nagkamali siya. Kasi naging busy siya. Gets mo?" makahulugang sabi ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muntik na ba siyang ma-fall kay Sam noon?

"Muntik na akong ma-fall, kaya lang nag-end up ako na na-fall kay Paul—kay Paul Soriano."

LOVE DUETS. Speaking of Sam Milby, aware si Toni na marami pa ring fans nilang dalawa ang hanggang ngayon ay nagwi-wish na sana ay magkatuluyan in real life ang kanilang mga idols. Kaya naman kahit alam ng dalawa na imposibleng mangyari 'yon sa ngayon dahil may boyfriend na nga si Toni, pinasasaya pa rin ng dalawa ang kanilang mga fans sa paggawa ng projects together. Gaya na lang ng collaboration album nila under Star Records na Love Duets.

"Na-realize namin ni Sam na ang dami na naming nagawang movies, mga TV shows na magkasama kami. I think, this time, it's about time to give it back to our fans by giving them an album," pahayag ni Toni.

Ang mga love songs na kinanta nina Toni at Sam sa album ay kinabibilangan ng carrier single na "Suddenly," "Cruisin'," "Against All Odds," "Way Back Into Love," "I've Had The Time Of My Life," "If Ever You're In My Arms Again," "In Love With You," "You Are The One," at ang medley ng "Sometimes When We Touch" at "After All."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Nixon Sy ng Star Records, ang Love Duets album na ito nina Toni at Sam ay prelude lang sa one-night big concert ng dalawa na magaganap by May of this year.

WORKING WITH SAM AGAIN. Kumusta ang pakikipagtrabaho ulit kay Sam?

"It's always a joy naman to work with Sam, kasi we always learn new things about each other and we always update each other with what's happening with our lives."

Na-miss niya ba si Sam?

"Na-miss ko yung samahan namin. Kasi itong si Sam, parang bata 'yan na madaling utuin. Kasi kapag naglambing ka na, 'Ilibre mo naman ako ng food,' ililibre ka naman niya."

Ano ang reaksiyon niya na marami pa ring tao ang gusto na magkatuluyan sila ni Sam in real life, as proven by surveys and text polls?

"Ganun naman siguro pag love team dito sa Pilipinas, gusto talaga ng mga tao... Tradisyon na yata ng mga Pilipino 'yan na kung sino yung love team onscreen, gusto nila na off-screen sila pa rin yung magkakatuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa lang na kahit papaano, alam namin na sinusuportahan pa rin kami ni Sam sa mga ginagawa namin kahit na alam nilang may kanya-kanya na kaming pribadong buhay. Nakakatuwa kasi kahit papaano naman, hindi mo maaalis yung samahan na nabuo sa amin. And lagi naming sinasabi na kahit ano'ng mangyari, we will always have this chemistry."

Bakit nga ba hindi sila nagkatuluyan ni Sam?

"Kasi naging busy siya noon. Ang dami na niyang ginagawa noon. Tapos nagkanya-kanya kami ng trabaho after naming gumawa ng movie. Hindi na kami nagkikita. E, di ba, absence makes the heart [grow] fonder? E, ang nangyari yata sa amin, parang absence makes the heart go wander! Out of sight, out of mind kami pareho.

"Okay lang naman po. Wala naman kaming regret about it kasi okay po kami ni Sam. Wala po kaming naging problema sa isa't isa ever since. Doon ko rin na-realize na everything has a reason."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang comment niya sa sinabi ni Sam na kung wala raw siyang boyfriend ngayon ay itutuloy na raw niya ang panliligaw sa kanya?

"Naku, dati naman wala akong boyfriend, hindi naman natuloy! Teka lang naman, maigsi na ang buhok ko, e, hindi na kasing haba ng dati. At saka huwag na 'yang ganyang usapin. Masaya na ako now. Kayo talaga, gusto n'yo ng away-away, gusto n'yo ng big reveal na controversy! Masaya na kami ni Sam, at saka kaibigan naman niya si Paul," pahayag ni Toni.

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Nagpaalam ba siya kay Direk Paul Soriano bago niya gawin ang Love Duets album nila ni Sam? Ano ang naging reaksiyon nito?

"Alam na niya ito before pa. Ever since, supportive siya sa lahat ng ginagawa ko. He always says na he's happy for my success. He's always wishing na sana mag-gold, mag-platinum, hopefully. Ayun, maging successful talaga."

Si Direk Paul ba ang iniisip niya nung ginagawa niya itong album na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi, ang iniisip ko yung You Are The One days ko with Sam para mas maka-relate ako talaga. Kasi kung ibang tao, e, di ibang boses yung lalabas. I mean, hindi magbe-blend sa boses ni Sam. So, dapat si Sam ang isipin ko para yung boses namin mag-blend. E, kung inisip ko si Direk Paul, baka ibang blending yung lumabas sa mga boses namin."

Never bang nagselos si Direk Paul kay Sam?

"Dati, noong unang-unang naging kami, nagseselos siya," pag-amin ni Toni. "Kasi nakikita niya na parang kinikilig pa rin yung mga tao sa amin ni Sam at gusto nila kaming magkatuluyan. Siyempre, siya yung boyfriend ko, di ba? But eventually, nasanay na rin siya."

Kasalukuyan ngang nasa Canada si Toni para sa kanyang series of shows doon. Three weeks siyang mawawala. Babalik siya ng Pilipinas by the end of March.

Pagbalik niya, makikipag-meeting daw siya sa Star Cinema para sa mga susunod niyang movie projects. May dalawang movies daw siyang naka-lineup na gawin. Pero hindi pa nga raw siya puwedeng magkuwento tungkol dito, pati kung sino ang mga makakasama niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang hurt. Alam mo kung bakit walang hurt? Bakit ka mahe-hurt, girlfriend ka ba para ma-hurt ka? Hindi ka naman girlfriend. Kaya sabi ko sa sarili ko, 'Aba, teka lang naman!' Kaya after kong ma-shock, move on na agad," says Toni Gonzaga about her romantic relationship with Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results