PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isabel Oli talks about girl-bonding with Gagambino co-stars in Boracay

Isabel denies relationship with basketball player Wesley Gonzales.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 8, 2009
"Medyo masaya na medyo madrama yung trip namin sa Bora. Dun kasi namin nailabas lahat ng frustrations, lahat ng problema, parang ganun. Na all girls lang kaya medyo ano talaga, ibang experience yung Bora namin. Sabi namin, lahat ng mga first time, nangyari dun. Like, first time naming gumawa ng music video sa camera lang namin!" says Isabel Oli about their Boracay trip.

Sobrang saya ni Isabel Oli na nagka-bonding sila ni Nadine Samonte kamakailan sa Boracay. Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawa during the time na ginagawa nila ang Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang.

Pagkatapos maresolba ang hindi nila pagkakaunawaan, na bunga lang ng mga naririnig nila mula sa ibang tao na diumano'y sinasabi nila against each other, very close friends ngayon sina Isabel at Nadine.

Nagkasama pa sila sa Gagambino kaya mas lalong gumanda ang friendship nila.

"Sa Gagambino taping, may mga times, gumigimik kami, umaalis kami, nag-Starbucks kami. Mga ganun. Ang saya-saya talaga! Happy ako kasi yung bakasyon namin sa Bora, ang nangyari sa amin nung nasa Bora kami, parang wala talagang... Alam mo yun, wala yung awkward something. Kahit konti, wala talaga," kuwento ni Isabel sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa kanila ni Nadine, nakasama rin nila sa Boracay for four days (February 29 to 29) ang mga kaibigan nilang sina Jennica Garcia at Glaiza de Castro, mga co-stars nila sa Gagambino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang bonding nila, lalo na't silang dalawa ni Jennica ay parehong kabi-break lang sa kani-kanilang boyfriend, si Isabel kay Paolo Contis at si Jennica kay Mart Escudero?

"Ganito lang yun... Medyo masaya na medyo madrama yung trip namin sa Bora. Dun kasi namin nailabas lahat ng frustrations, lahat ng problema, parang ganun. Na all girls lang kaya medyo ano talaga, ibang experience yung Bora namin. Sabi namin, lahat ng mga first time, nangyari dun. Like, first time naming gumawa ng music video sa camera lang namin!" natatawang kuwento ni Isabel.

Naglasing ba sila dun?

"No, walang lasingan kasi we don't drink. Hindi kasi kami umiinom talaga, e. We don't drink."

Sa paanong paraan nila inilabas ang nilalaman ng kanilang mga damdamin?

"Sa pagkain! Yun, kain kami nang kain!" tawa niya.

Since apat silang magagandang dalaga na nagpunta sa Boracay, wala bang guys na nakipagkilala sa kanila doon?

"Wala, wala talaga, promise! Ewan ko, baka ayaw nilang kaming istorbohin!" natatawang sabi ni Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang apat, bukod-tanging si Nadine ang may kasama, ang boyfriend nitong si Emerson Chua. Hindi ba nila kinantiyawan si Nadine kasi nga, kasama nito ang boyfriend sa Boracay?

"Hindi naman," sagot ni Isabel. "At first, parang nahiya pa kami sa boyfriend niya. Yun pala ang bait-bait, alam mo yun? First time naming nakasama yung boyfriend niya. Dati pa namin nakikita yun, e. So yun, we discovered na mabait, and ine-expect namin na medyo ma-off pero hindi, e. Sumasama siya sa amin, minsan umaalis siya, nasa room lang siya, tulog, kami lang mga girls, okay lang talaga, hindi siya problema."

Hinayaan lang daw sila ni Emerson na makapag-bond sila nang husto, kaya hindi naman daw nakaabala sa girl-bonding nila ang boyfriend ni Nadine.

Naitanong din ng PEP kay Isabel kung sinadya ba nilang mga (recently) loveless or single ladies na magpagupit ng buhok or coincidence lang? Sila nina Jolina Magdangal at Iza Calzado na kagagaling lang from a breakup from their respective boyfriends ay pare-parehong sporting a shorter new hairdo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ha? Baka coincidence lang. Kasi, five years na naman akong long hair, di ba?" sabi niya.

So, hindi ito sort of rebellion?

"Hindi naman, para lang maiba talaga kasi parang nagsawa ako."

MOVING ON. Naka-move on na raw si Isabel sa breakup nila ni Paolo Contis. Wala na raw siyang nararamdamang kahit anong pain.

Pero may feeling pa ba siya for Paolo?

"He will always be special to me!"

Inamin din ni Isabel na ang naapektuhan nang husto sa breakup nila ay ang parents niya, partikular na ang ama niya na very close kay Paolo. Halos anak na raw ang turing ng dad niya kay Paolo. Pero ngayong nakikita ng mga ito na okay na si Isabel after the hiwalayan, masaya na rin ang mga magulang niya.

Nilinaw ni Isabel na wala siyang anumang galit kay Lian Paz na girlfriend ngayon ni Paolo. If ever magkikita at magkakaharap sila, okay lang daw kay Isabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WESLEY GONZALES. Nilinaw rin ni Isabel ang balitang nagkakamabutihan na sila ng basketball player ng San Miguel na si Wesley Gonzales.

Nagkakilala sila ni Wesley thru Dondon Hontiveros, ang basketball player na balitang special someone naman ni Valerie Concepcion. Parehong Cebuano sina Isabel at Dondon.

Matagal na raw silang hindi nagkaka-text ni Wesley, the last pa raw ay nung kaka-break lang nina Isabel at Paolo. Nag-text lang raw ng comforting messages si Wesley and that's it.

Hindi raw totoong nanliligaw sa kanya si Wesley, at mas lalong hindi totoong ang guwapong player ang ipinalit niya kay Paolo. Pinaninindigan ni Isabel na wala pa siyang karelasyon sa ngayon.

Isa si Isabel sa napakaraming mga artista, estudyante, at ordinaryong mamamayan na sasali sa BIDA (Batang Iwas Droga) March na isang major activity ng PAGCOR laban sa drug-abuse sa March 21.Ang martsa ay magsisimula sa CCP Complex patungong kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang Quirino Grandstand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Medyo masaya na medyo madrama yung trip namin sa Bora. Dun kasi namin nailabas lahat ng frustrations, lahat ng problema, parang ganun. Na all girls lang kaya medyo ano talaga, ibang experience yung Bora namin. Sabi namin, lahat ng mga first time, nangyari dun. Like, first time naming gumawa ng music video sa camera lang namin!" says Isabel Oli about their Boracay trip.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results