PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez promises overwhelming Zorro Pinoy adaptation

The giant billboard of Zorro was unveiled yesterday, March 15.
by Rose Garcia
Published Mar 16, 2009
The 90-year-old fictional character, Señor Zorro, will be soon resurrected via television, with Richard Gutierrez playing the most coveted lead role. In a press conference held last January, GMA-7 senior vice president Wilma Galvante said, "Para kay Richard talaga ang Zorro."

Kahapon, ika-15 ng Marso, nakausap via phone patch ng Showbiz Central hosts Pia Guanio, John "Sweet" Lapus, at Raymond Gutierrez si Richard Gutierrez na nasa Davao City.

Ang unang tanong ay tungkol sa nalalapit nang ipalabas na TV series ni Chard (palayaw ng kambal ni Raymond), ang Zorro.

Excited na nga raw ang bida sa local and television adaptation ng nobelang isinulat ni Johnston McCulley noong 1919.

Aniya, "It's truly an honor for me to be playing Zorro dito sa Pilipinas. Until now, I'm still overwhelmed by the project. It's still a big project here in primetime and I'm very happy, very blessed, and thankful sa GMA-7 for giving a me a chance to show the different sides of me. Kasi, marami akong firsts na ginawa rito sa Zorro. At napakalaki talaga ng project..."

Sinabi naman ni Raymond na ilang weeks na nga raw niyang hindi nakikita si Richard. Napaka-busy kasi ng kanyang kakambal na aside from taping Zorro ay nagte-train din for fencing at horseback-riding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yeah, nakatira na kami ngayon sa Bagac, Bataan," ang dugtong ni Chard. "Dun na kami naka-base at dun na kami nakatira kasama ang buong cast."

Pinakuwento ni Raymond kung ano ang hirap at pressure na pinagdadaanan ni Richard.

"Marami," ang sagot ng Kapuso actror pero hindi niya ininda ang hirap at pagod dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

Sa pagpapatuloy niya, "Maraming pressure na kasama, maraming physical training na pinagdaanan at ginagawa, but more than anything else, nag-e-enjoy kaming lahat sa paggawa ng Zorro at talagang pinagbubutihan namin ng buong team.

"First in the Philippines na magpo-produce ng isang show na galing sa Hollywood and it's the first time also na gagawa ako ng isang period piece [from] back in the 1900's.

"Maipapakita natin dito kung paano ang mga Filipino back in 1900, kung paano sila mag-isip, paano sila maglakad, manalita. Marami kaming inaral, nag-history class pa kami, fencing, horseback riding, nag-Spanish class pa kami."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang reaksiyon ni Sweet, "Bongga!" Saka niya tinanong, "Ano naman kaya ang mai-o-offer niya bilang Pinoy Zorro?"

"Marami po, dapat n'yo talagang abangan ang Zorro. At masasabi ko na ang mga artistang kasama ko rito ay napakahusay, pati yung buong production team namin, napakahusay. Talagang pinaghandaan ng GMA-7 nang husto itong pagdating ni Zorro. Matutuwa po ang mga bata sa pagdating ni Zorro."

At gaya ng movie adaptation ng Hollywood na pinagbidahan ni Antonio Banderas, "maraming fight scenes, kabayo, pati location namin sa Bagac, Bataan, napakaganda na first time n'yo rin makikita sa screen," ang masayang kuwento ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Dapat sana ay kasama niya si Rhian sa interview pero "nakasalang na ito sa mall show nila" for Davaoeños. Ang nasambit ni Richard, "Hinihintay na rin siya ng mga Kapusong Davaoeño run."

Nang kumustahin ang kanilang balik-tambalan, ang sagot ni Chard, "I'm very excited na makatrabaho si Rhian dahil hayun nga, balik tambalan namin ito. At nakita ko kung paano siya nagsimula at ngayon, nakikita ko kung paano siya nag-mature as an actress and also as a person. So, I'm very happy na nakatrabaho ulit si Rhian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay ipinakita ang unveiling ng billboard ng Zorro.

At habang unti-unting lumabas ang famous guy in his mask, saad ng Pinoy Zorro, "I just wanna share something na ang kumuha nitong billboard shot namin ay si Maestro Pancho Escaler na lumipad pa galing San Francisco para lang gawin ang project na ito.

"After the shoot, bumalik siya ulit ng San Francisco, so, we're very proud na pumayag siyang gawin ang shot na ito. At kinuhanan ‘yan sa location namin sa Bagac, Bataan kung saan kami nagte-taping ng Zorro."

Sa March 23 na ang television premiere ng Zorro sa primetime block ng GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 90-year-old fictional character, Señor Zorro, will be soon resurrected via television, with Richard Gutierrez playing the most coveted lead role. In a press conference held last January, GMA-7 senior vice president Wilma Galvante said, "Para kay Richard talaga ang Zorro."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results