Annabelle Rama suprised by presence of Wilma Galvante at Zorro presscon

by Rose Garcia
Mar 17, 2009
"Nagulat lang ako na dumating siya. Akala ko talaga iisnabin niya 'to kaya panay ang text ko kay Redgie [Magno], kay Annette [Gozon] kung sino ang magsasalita sa Zorro kung wala si Wilma? Walang sumagot sa akin sa text ko. Siguro surprise pala," says Annabelle Rama about seeing Wilma Galvante at the Zorro presscon last night, March 16.

Bago pa man magsimula ang grand press launch para sa pinakabagong primetime series ng GMA-7, Zorro, kagabi, March 16, marami na ang nag-aabang kung parehong darating sina Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante. Si Annabelle kasi ang ina at manager ng bida ng Zorro na si Richard Gutierrez, habang si Ms. Wilma naman ang GMA Senior Vice President for Entertainment.

Common na kasi sa mga press conference ng mga bagong TV shows ng network, especially for primetime shows na present physically ang SVP for Entertainment TV, bukod pa sa VTR message nito along with other top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Jimmy Duavit.

18th century Spain ang tema ng presscon kaya kuntodo costume ang cast at mistulang lumang Spanish village ang loob ng Studio 7 ng GMA Network Studios.

Sinimulan ni Bobby Andrews ang presscon sa pamamagitan ng pagpapakilala sa "señora" ng Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante. At personal nga itong humarap sa entertainment press para ipakilala ang pinakabago at isa sa pinakamalaking serye ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, March 23—Zorro.

Continue reading below ↓

Paglabas na paglabas ni Ms. Wilma sa stage, halos karamihan ng press ay napalingon kay Annabelle na nasa bandang likuran ng Studio 7. Kitang-kita naman ang magandang pagngiti ng ina ni Richard sa paglabas ng lady executive ng Kapuso network.

Nang mahalatang halos lahat ay sa kanya nakatingin, hindi nito napigilang mag-dialogue ng "Hoy, bakit sa akin kayo nakatinging lahat? Ha?" nang nakangiti pa rin.

Right after the presscon proper, nagpaunlak naman si Annabelle ng interview, pero nagpauna na siya ng salita na ang presscon na yun ay para nga naman sa Zorro.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle kung bakit siya napaiyak nang i-introduce na ang anak bilang Pinoy Zorro?

"Sobrang ganda, parang Hollywood. At saka, maganda lahat, e. Production, mga costumes at mismong presentation, maganda," saad niya.

We told her na isa kami sa napatingin sa kanya nang i-introduce na si Ms. Wilma at kapansin-pansin na maganda naman ang naging ngiti niya.

Continue reading below ↓

"Nagulat lang ako na dumating siya," pag-amin ni Annabelle. "Akala ko talaga iisnabin niya 'to kaya panay ang text ko kay Redgie [Magno, senior program manager], kay Annette [Gozon, GMA Films President] kung sino ang magsasalita sa Zorro kung wala si Wilma. Walang sumagot sa akin sa text ko. Siguro surprise pala."

Nabawasan na ba kung anumang galit o pagtatampo ang nararamdaman niya sa GMA-7 lady executive?

"Yung galit, hindi 'yan kasama sa promo ng Zorro. Ito naman, business is business. Siyempre, ginagampanan lang din ni Wilma ang papel niya as executive ng entertainment. Kaya ako naman, natutuwa naman na, at least, sinipot niya at hindi niya pinersonal. Maganda, maganda."

Obvious na natutuwa siya sa bonggang press launch ng Zorro.

"Sabi nga ni Alfie [Lorenzo] kanina, natalbugan daw yung presscon ng KC [Concepcion]-Richard movie raw at saka yung ibang pelikula. Kasi ito talaga, grabe! Pinakamaganda sa lahat."

We asked her kung dahil kaya sa bonggang press launch at importansiyang ipinakita ng network sa Zorro at kay Richard ay nag-subside na kung anuman ang mga nangyaring isyu.

Continue reading below ↓

"Alam mo, ako naman, hindi naman ako yung nag-aano, e. Kung hindi naman ako umpisahan, hindi rin naman ako mag-aano, di ba? Ayoko na munang pag-usapan yun kasi Zorro ito, 'day, Zorro presscon. Kaya ako pumunta rito para tingnan kung aalagaan ba talaga.

"Tulad ng studio, first time. At saka first time na may catering sa lugar, kasi bawal daw na magpa-cater. Tuwang-tuwa ako. Kaya ako pumunta kasi sabi ni Redgie, 'Tita, pumunta ka naman para makita mo naman.' So, pumunta ako at nakita ko naman na talagang maganda. Alam mong ginastusan."

Tinanong namin siya kung mananatili pa rin silang Kapuso.

"Siyempre naman," nakangiti niyang sabi.

Hindi naman daw sila nagkaroon ng chance na magkita ni Ms. Wilma dahil sa backstage ito galing habang siya naman ay nakaupo kasama ang mga press. Nang tanungin ng PEP kung okay na sa kanya na magkaharap sila, wala naman daw siyang nakikitang problema rito. Hindi naman daw niya iisnabin ang lady executive kung hindi man siya nito pansinin.

Continue reading below ↓

"Hindi naman... Kung magkita kami, e, di wala na lang kaming pansinan. Sanay naman na kami sa ganoon. Kung magkita kami, tinginan lang, wala na lang batian. Okey na yun," sabi ni Annabelle.

Read Next
Read More Stories About
Annabelle Rama, Wilma Galvante
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagulat lang ako na dumating siya. Akala ko talaga iisnabin niya 'to kaya panay ang text ko kay Redgie [Magno], kay Annette [Gozon] kung sino ang magsasalita sa Zorro kung wala si Wilma? Walang sumagot sa akin sa text ko. Siguro surprise pala," says Annabelle Rama about seeing Wilma Galvante at the Zorro presscon last night, March 16.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results