PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actress Manilyn Reynes records album for a cause

Manilyn talks about her yet-to-be released single.
by Rose Garcia
Published Mar 18, 2009
"And what makes the album different sa akin this time is that, meron kasing pinatutunguhan. It is not just an album because you wanna sing. But this time, meron kasi kaming tinutumbok," says Manilyn Reynes about her upcoming album.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn Reynes nang tanggapin nito ang kanyang Best Supporting Actress trophy last week sa appreciation dinner at launching ng 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Manilyn ang nanalong Best Supporting Actress sa MMFF last year for the movie One Night Only. Yun nga lang, absent si Manilyn sa awards night kung kaya't hindi niya personal na nakuha ang kanyang tropeo.

Aniya, may trabaho raw kasi siya noon at hindi rin niya ine-expect na siya ang mananalo.

"Hindi ko alam. Nagulat ako. Nasa work ako, tapos tumawag sa akin ang manager ko na nanalo nga raw. So, ako, 'Talaga?'" nakangiting sabi ni Manilyn.

Bakit wala siyang kahit katiting na expectation na puwedeng siya ang manalo ng award?

"Maybe because marami kami and everytime naman na may entry ako sa filmfest, hindi ako nag-e-expect. Kasi mahirap naman yung overconfident ka na mananalo ako diyan, yung ganoon. I'm just so happy na this time, na-recognize naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling acting award niya ay noong child actress pa siya.

"I think it's FAMAS Best Child Actress for Minsan May Isang Ina. After that, puro singing na yung mga awards ko, and then ngayon lang ulit sa acting."

Hindi naman itinatanggi ni Manilyn na ngayong kinikilala muli ang kakayahan niya sa pag-arte, it inspires her to do more acting jobs.

"I suppose, oo," sabi niya. "Kasi meron akong ire-release na isang movie of Director's Guild of the Philippines [DGP] at April maipapalabas. Ito yung Dead Na Si Lolo under Direk Soxie Topacio. Tapos, may ino-offer pa sa amin, indie ulit, hindi pa lang naiko-close ng manager ko, pero maganda yung role."

BACK TO SINGING. Bukod sa indie films, busy rin daw si Manilyn sa paghahanda ng kanyang May 9 concert sa Music Museum.

"Meron akong album which will be released on that night din," banggit niya.

Sinabi namin kay Manilyn na narinig na namin ang isang single niya rito na posted sa Facebool account ni Sherilyn Reyes, ang dati niyang kasama sa Moms. Ito'y ang kantang "Pasensiya Na."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Well, sabi ko nga, tayong lahat na nasa industriyang ito, e, guilty tayo sa sitwasyong ganun. Actually, swak sa atin ang kantang yun. But the concert and the album's title is Manilyn, Loving Mom. Pang-Mother's day na rin at the same time, family day kasi wholesome naman yung show."

Dugtong niya, "Minsan lang kasi, meron tayong mga love songs na akala natin para lang sa mga taong minamahal mo, like nobyo, nobya. Pero kapag binasa mo ang lyrics at pinakinggan mo, puwede pala kahit sa mga anak. At may covers ako sa album na akala natin love song, pero puwede pala sa anak mo. So far, natutuwa kami kasi people all over the world are viewing yung sa YouTube ko, sa Multiply account ko."

Strategy ba nila talaga na i-post muna sa Multiply at YouTube ang single niyang "Pasensiya Na" bago ito i-release?

"No. Actually noong mag-record ako, kinunan nila ko. Tapos, pinost nila. Nagulat naman kami kasi ang daming nanonood at ang daming nagpo-post ng comments. Ngayon, nakaka-25,000-plus na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And what makes the album different sa akin this time is that, meron kasing pinatutunguhan. It is not just an album because you wanna sing. But this time, meron kasi kaming tinutumbok. Part of the proceeds kasi will go to the Tuloy-Aral project ng OWWA [Overseas Workers Welfare Administrations], so maganda siya dahil may patutunguhan."

Hindi pa masabi ni Manilyn kung anong record label ang magre-release ng album dahil secret pa raw ito. Sa May 9 pa raw kasi talaga ang release ng album niya.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon si Manilyn.

Paliwanag niya, "Medyo busy kasi kami for the album at busy rin kami for the concert. Baka lang mag-ano yung schedules at hindi mailapat for a regular, so hindi muna."

Pero may offer daw sa kanya ngayon ang GMA-7 at ABS-CBN, although the last time na nakita si Manilyn ay sa Kapuso network via Marimar.

"Mahirap din kasi sa ngayong mag-commit dahil siyempre, kailangang malaman nila na may ginagawang album, may ginagawang concert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang totoo, na-inspire daw siyang maging aktibo muli sa pagkanta.

"Na-inspire kasi kami sa naging response sa Multiply ng 'Pasensiya Na.' Tapos ngayon, meron na rin sa Facebook. Nakakatuwa kasi, in a way, we get to reach out to them. At nagiging lugar siya sa mag-ina, mag-ama na mag-communicate through the songs, through my site," saad ni Manilyn.

Read Next
Read More Stories About
Manilyn Reynes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"And what makes the album different sa akin this time is that, meron kasing pinatutunguhan. It is not just an album because you wanna sing. But this time, meron kasi kaming tinutumbok," says Manilyn Reynes about her upcoming album.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results