Gerald Anderson gets a two-door ref from Kim Chiu on his 20th birthday

Mar 18, 2009
"Tulad nga ng sinabi ko, alam naman namin pareho ni Kim na darating yung pagkakataon na ipe-pair kami sa iba. Na maghihiwalay kami. Pero siyempre, sana another movie pa, another soap pa. Pero siyempre, it's up to management naman," says Gerald Anderson about the possibility of parting ways with screen partner Kim Chiu.

Gerald Anderson was given a solo birthday press conference by his Star Magic family at Torre Venezia along Timog Avenue yesterday, March 17. Gerald turned 20 years old last March 7.

Sa press kit na ibinigay ng Star Magic PR Head na si Rikka Dylim, nakasaad doon ang "Top 20 things about Gerald." Ilan sa information na nakalagay ay ang mga sumusunod:

Gerald idolizes Michael Jordan. Kung hindi siya pinalad na makapasok sa Pinoy Big Brother Teen Edition, malamang na isa na siyang basketball player ngayon. Pero hindi pa rin nakakalimutan ni Gerald ang hilig sa paglalaro ng basketball kaya naman nung birthday niya, he was in Cebu for a basketball tournament with other young actors.

Malapit na rin daw matapos ang ipinatayong bahay ni Gerald sa Quezon City.

As early as now, may naka-line up nang three shows abroad si Gerald for the Star Magic Extravaganza on June; July for other shows; sa Italy sa third quarter; and Canada for the last quarter.

Continue reading below ↓

Ang naging birthday gift naman sa kanya ng kanyang ka-love team na si Kim Chiu ay two-door refrigerator for his new house.


EXPENSIVE GIFTS. Kinumpirma ni Gerald na two-door refrigerator ang regalo sa kanya ng sinasabing eight months na niyang ka-MU na si Kim. Nakangiting kuwento ni Gerald, mas mataas pa raw yata sa kanya ang refrigerator.

"Alam kasi niya na bibili ako ng ref at gustung-gusto ko na siyempre magkaroon ng ref sa kusina ko. And the next thing I knew, yun na, meron na," lahad ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit sobrang bongga sila kung magbigayan ng regalo sa isa't isa ni Kim? Matatandaang noong debut ni Kim ay binigyan naman siya ni Gerald ng pink car.

"Hindi ko talaga alam... Siguro this is just how we show care to each other," sagot niya.

Ganoon sila kamahal?

"Kamahal?" tawa niya. "Siguro, in a way..."

At 20, masasabi ni Gerald na kahit paano ay financially stable na siya.

Continue reading below ↓

"Oo naman, oo naman, at saka natuto akong mag-budget. Kung ano lang yung mga dapat na bilhin ko. Alam ko na yung saka na lang 'yan, pag hindi masyadong kailangan. Actually, ang dami kong natutunan in terms of financial. Yung pagkakaroon naman ng business, I'm planning to put up. Siguro after na ng bahay."

Hindi raw magimik na tao si Gerald kaya pagkatapos ng trabaho, mas gusto raw niyang sa bahay lang siya. Feeling ni Gerald, mas suitable ang condo living sa mga taong mahilig sa nightlife.

BIGGEST BREAK. Para kay Gerald, sa lahat ng ginawa niyang project in the past, ang Tayong Dalawa ang masasabing biggest break niya.

"Tayong Dalawa, of course!" sambit niya. "Ito talaga ang dream role ko [PMA cadet]. Kahit noong hindi pa ako artista, ito na talaga ang dream role ko. Kaya ito na rin ang way ko para mae-express ko yung dream ko na yun. Tapos, mahal na mahal ko rin yung role ko."

Continue reading below ↓

Kahit may panibago silang movie na gagawin ni Kim na sila ang bida, posible raw na sa susunod nilang TV projects ay ipapareha naman sila sa iba. Handa na ba si Gerald na humilwalay sa tambalan nila ni Kim kung saka-sakali?

"Of course," sagot ni Gerald. "Tulad nga ng sinabi ko, alam naman namin pareho ni Kim na darating yung pagkakataon na ipe-pair kami sa iba. Na maghihiwalay kami. Pero siyempre, sana another movie pa, another soap pa. Pero siyempre, it's up to management naman."

Kung sakali, sino ang gusto niyang maka-partner?

"Sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Sarah [Geronimo], of course... Maja Salvador, Shaina Magdayao... Ang dami, actually."

THING OF THE PAST. Sa guesting ni Pauleen Luna sa Showbiz Central noong Linggo, March 15, muli na namang inungkat sa young actress ang tungkol sa diumano'y panliligaw ni Gerald sa kanya. Consistent si Pauleen sa pagsasabing idine-deny naman ni Gerald na nanligaw ito sa kanya. Pero para kay Gerald, the issue is a thing of the past.

Continue reading below ↓

"Parang paulit-ulit na lang 'yan," sabi niya. "Nakapagbigay na po ako ng statement tungkol dun, so yun na po yun. At saka last year pa yun, e. Para sa akin, tapos na."

Sa tingin niya ba ay nabura na kung anumang naging negative impression sa kanya last year?

"I think, oo naman. Besides, I want to focus more on a positive side rather than the negative."

Ano ang naging birthday wish niya?

"Sana maging successful yung show [Tayong Dalawa] namin, sana tuloy-tuloy. Sana matapos na yung bahay ko. Sana mas maraming projects pa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tulad nga ng sinabi ko, alam naman namin pareho ni Kim na darating yung pagkakataon na ipe-pair kami sa iba. Na maghihiwalay kami. Pero siyempre, sana another movie pa, another soap pa. Pero siyempre, it's up to management naman," says Gerald Anderson about the possibility of parting ways with screen partner Kim Chiu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results