PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda accepts Vicky Belo's apology

Boy also talks about John Lapus, politics, and being a movie producer.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 25, 2009
"Nagpadala na siya ng apology, nag-text. Okay na sa akin yun, ayokong mag-inarte. Yung mga sinasabi nilang, 'Dapat kausapin ka niya ng personal, diretso na kakausapin', okay na sa akin," says Boy Abunda about his rift with Dra. Vicki Belo.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal si Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, March 22. Ang unang kinumusta namin sa kanya ay tungkol sa sitwasyon ngayon sa pagitan nila ni John "Sweet" Lapus.

"Wala naman," sagot ni Boy. "Ang gusto ko lang, maayos siya nang tahimik. Parati kong sinasabi yun, magulo na ang mundo, maikli ang buhay. Kung maaayos nang tahimik, ayusin nang tahimik. Kung maayos nang legal, ayusin nang legal. Kung maayos nang harapan na pag-uusap, ayusin. Pero ako, napaka-pacifist ko naman, ayoko ng away, madami akong trabaho."

Tinanong rin ng PEP kung ano ang magiging reaksiyon ni Boy kapag nagkaharap sila ni Sweet.

"Depende yun sa pagkakataon. May pagkakataon siguro na makakabuti muna ang hindi kami mag-usap. May mga pagkakataon na baka puwedeng magngitian. May mga pagkakataon na puwedeng mag-usap. Hindi natin alam, nasa pagkakataon.

"Hindi mo naman pipilitin ang pagkakataon, e. Maaaring ang tama ay tahimik, maaaring ang tama ay mag-umpisang mag-usap... Hindi ko alam. I will move with the flow. Pero ako, umaasa na sana maayos ang lahat. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin tungkol diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POLITICIAL PLANS. Noon pa, mayroong mga nag-e-encourage kay Boy na tumakbo sa pulitika. Kakandidato na ba siya sa 2010 elections?

"Hindi," mabilis niyang tugon. "My contract with ABS does not allow me to get into politics."

What if wala sa kontrata niya ang ganun?

"Again, I'm open. Buong pamilya ko nasa pulitika. Pero kung tatanungin mo ako ngayon, hindi ako interesado. Pero mahirap magsalita nang patapos."

DRA. VICKI BELO. Tinanong din namin ang sitwasyon sa pagitan nila ni Dra. Vicki Belo, na nag-ugat sa infamous line ni Dra. Belo: "If you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you want like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo."

"Nagpadala na siya ng apology, nag-text," sabi ni Boy. "Okay na sa akin yun, ayokong mag-inarte. Yung mga sinasabi nilang, 'Dapat kausapin ka niya ng personal, diretso na kakausapin', okay na sa akin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang pinaka-recent na text sa kanya ni Dra. Belo?

"Wala, that was the last, and it was not even sent to me directly. It was sent to a friend. Sabi niya, 'I'm sorry if I hurt you, blah, blah...' It was an apology text."

Hindi siya nag-text back?

"Hindi ko nasagot. Pero sinagot ko sa telebisyon. Sabi ko, tinatanggap ko ang apology. Okay lang, wala na yun. I'm too blessed to complain about my life. Kilala n'yo naman ako, ng maraming tao. Ang tinitingnan ko yung maganda."

THE PRODUCER. Bakit siya nag-decide maging movie producer?

"Wala lang, it's a part of my evolution. I want to produce, kami ni Boy So. Partners kami ni Boy So.We decided to do something related to what I do. Related pero iba, pampa-excite ng buhay para naman may bago. We really have to do that. We really have to do things that are different from what we are doing today para may mas kinang ang buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pelikulang ito na may pamagat na Astigs ay nagtatampok kina Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman, at Jhong Hilario. Bakit indie film ang naisip niyang iprodyus?

"I cannot go naman mainstream, medyo hindi pa namin kaya yun. Indie dahil kaya namin ang budget. Pangalawa, dahil it will allow us to learn the ropes of producing. Number three, makakatulong din kami sa maraming artista."

Ang favorite young actor ni Boy ay si John Lloyd Cruz. Bakit hindi si John Lloyd ang kinuha niyang artista sa una niyang film venture?

"Umpisa pa lang naman ito, e. Marami pa."

Bilang producer, may input ba si Boy sa kuwento?

"I was part of the creative forces, so, oo."

Ani Boy Abunda, hindi halaw sa buhay niya ang takbo ng kuwento ng pelikula kaya walang kahit na katiting na bahaging ibinase sa kanyang tunay na buhay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagpadala na siya ng apology, nag-text. Okay na sa akin yun, ayokong mag-inarte. Yung mga sinasabi nilang, 'Dapat kausapin ka niya ng personal, diretso na kakausapin', okay na sa akin," says Boy Abunda about his rift with Dra. Vicki Belo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results