First time nina Cristine Reyes at Jake Cuenca na maging partner sa isang TV show. Dati na silang magkakilala dahil parehong nanggaling sa Kapuso network bago maging ganap na mga Kapamilya. Pero sa bagong romance series na Precious Hearts Romances, na hango sa mga Tagalog pocketbooks, magkakatrabaho at magtatambal sila sa unang pagkakataon. Sina Cristine at Jake ang bida sa pilot episode na "Buds Brothers."
Ayon kay Cristine, na-excite din siya nang malaman niyang si Jake ang makakasama niya.
"Medyo na-excite ako kasi first time ko na parang magkakaroon ng love team. Kasi, palagi akong solo, di ba? So, parang okay, sige, para maiba naman. At least, di ba, si Jake Cuenca, hindi kung sino-sino," nakangiting sabi ni Cristine sa story conceference ng Precious Hearts Romances kahapon, April 3.
Ano naman ang impression niya kay Jake?
"Si Jake, gentleman siya," sagot ni Cristine. "Kasi, maalalay siya. Like nasa stage ako, aalalayan niya ako, like noong nasa trade launch.
FIRST LOVE TEAM. Since ito ang first time na magkakaroon siya ng ka-love team, maituturing niya ba itong challenge para sa kanya?
"Oo, sa akin challenge talaga, kasi ngayon lang ako magkakaroon ng partner. Kasi yung sa amin naman ni Jason Abalos sa Eva Fonda, hindi naman talaga siya na-pursue na love team kami. So, panibagong ano, panibagong career. I'm happy and excited."
Diretsong sinabi ni Cristine kay Jake na alalayan daw siya ng aktor.
"Kasi, first time ko lang magkaroon ng love team. Si Jake, nagkaroon na."
Dahil sila ni Jake ang bida sa pilot episode ng Precious Hearts Romances, naramdaman ba nila ang tiwala ng Kapamilya network sa kanila?
"Ako naman, sa lahat ng projects ko, pinagbubutihan ko. Lalo na ngayon na mas kailangan kong pagbutihan pa dahil challenging ito sa akin. May love team na ako, hindi ako makapaniwala!" natatawa niyang sabi.
"Hindi naman sa gusto ko," patuloy niya. "Pero, di ba, palagi akong solo flight? First time, nakakatuwa... Before, nakikita ko palagi ang mga love team, so nawa-wonder lang ako, anong feeling ng palaging may kasama. Yung ganoon."
What if magkagusto sa kanya si Jake at ligawan siya?
"Si Jake, ma-in love sa akin? I don't think so... Kasi, ano, e, baka mas matakot siya sa akin kesa sa ma-in love. Alam niya na napaka-brusko ko," nakangiting sabi ni Cristine.
ARA'S BOYFRIEND. Tinanong din ng PEP si Cristine tungkol sa non-showbiz boyfriend ng kanyang ate Ara Mina at kung ano ang impression niya rito.
"Actually, hindi ko pa siya nakikita," sabi niya. "Hindi kasi kami natuloy, e. Dapat magkikita kami sa resort ng boyfriend niya, kaso... Ano nga ba ang nangyari? Nagkaroon ng family affair ang boyfriend niya."
Pero nakikita naman daw niyang masaya ngayon ang kanyang kapatid.
"Oo naman, and I'm happy for her."
E, siya, kumusta naman ang lovelife niya?
"Eto, may love team ako, love team, walang lovelife."
This Holy Week, di tulad ng ibang mga artista na nag-a-out of town or nagpupunta sa mga kilalang beach sa bansa, siya raw ay magpapahinga lang sa bahay.
"Hindi rin naman kasi ako mahilig sa beach. Sa bahay lang ako talaga para makapagpahinga naman," sabi ni Cristine.
