PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis and Richard Gutierrez to team up in Maryo J. de los Reyes film

Direk Maryo is also busy organizing the Bohol International Film Festival that will take place this July.
by Rose Garcia
Published Apr 7, 2009
According to director Maryo J. de los Reyes, he will direct the Viva Films-GMA Films co-production that will star Anne Curtis (left) and Richard Gutierrez (right).



Kabilang si Maryo J. de los Reyes sa anim na director ng pinakaunang Sine Direk series na inorganisa ng Directors Guild of the Philippines at APT Entertainment. Ipalalabas sa SM cinemas ang anim na pelikula simula April 29 hanggang June 9. Isang pelikula lang kada linggo ang ipalalabas para mas maraming tao ang makapanood ng mga obra ng mga premyadong direktor.

Bukod sa pelikulang Kamoteng Kahoy ni Direk Maryo, ang ibang director at mga pelikula na ipalalabas ay ang sumusunod: Joel Lamangan (Fuschia), Soxie Topacio (Ded na si Lolo), Lore Reyes (Litsonero), Peque Gallaga (Agaton and Mindy) at Mel Chionglo (Bente).

Ang Sine Direk ay hindi katulad ng ibang film festival na nagkakaroon ng awarding at competition among the entries. Instead, posibleng Audience Choice lang daw ang premyong ibibigay. Imbis na sabay-sabay ipalabas ang mga entries, isang linggo ang showing ng mga pelikula pero depende, siyempre, kung mag-hit ang movie at baka ma-extend pa.

Mas okey ba sa kanya yung ganoong concept na walang awarding ceremony?

"Ang sa akin, gusto ko sanang magkaroon," ani Direk Maryo. "Bale wala naman na, para sa amin, I feel, wala naman ng competition among the directors. For us, we're all award winners naman na. Para bang naano na namin...parang may excitement na lang, parang may konting thrill. Kaya lang, most of the other directors sabi, huwag na. Kasi baka magkaroon pa ng problema or isyu ng kumpetisyon. I felt it shouldn't be...but bigyan natin ng Audience Award."


MAYBE THIS TIME. Sa naturang press conference ng Sine Direk, kinumpirma ni Direk Maryo ang gagawin naman niyang pelikula under Viva Films and GMA Films. Ito ang pelikulang pagsasamahan ng dating mag-sweetheart na sina Anne Curtis at Richard Gutierrez—Maybe This Time na hango sa kanta ni Michael Murphy.

Masuwerte si Direk Maryo dahil nakakapagdirehe siya ng mga pelikula na gusto niyang gawin and not for other considerations.

"At this point in my career, I want to do films na I want to do. I don't want to be doing films na napipilitan ako or something like, dahil siguro kailangan ko lang ng datung, I'll sort it out in some other ways na hindi mabigat sa akin.

"Siguro naman, puwede sigurong yung resort na lang muna ang bumuhay sa akin, yung ganoon, di ba?"

Although ayon kay Direk Maryo, lately lang din daw siya nakakapamili ng mga projects na gusto niya talaga tulad ng mga pelikulang A Love Story at Torotot.

At present, Direk Maryo is also the director of top-rating afternoon series ng GMA-7 na Dapat Ka Bang Mahalin? Siya rin ang talent manger ng iba't ibang artista, tulad nina Nash Aguas, Robert "Buboy" Villar, Yul Servo at ang sexy group na Masculados.

Sa huli, ayon kay Direk, he would just like to be remembered through his work.

"Yung mga trabaho ko, sana maging inspirasyon para dun sa mga mag-aaral pa. Tulad ng Magnifico, tulad ng Naglalayag, My Other Woman, Bagets, High School Circa."

Sa ngayon, busy rin si Direk Maryo sa pagma-manage ng art haven na kasakuluyan na niyang ginagawa at his parent's farm. Bukod pa rito, abala rin siya sa pagiging head ng Bofido (Bohol Film Development Organization) at pag-organisa ng Bohol International Film Fest na gaganapin mula July 18 to July 25. Plano talaga nila itaon ang BIFF sa annual Sandugo festival na sine-celebrate sa Bohol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to director Maryo J. de los Reyes, he will direct the Viva Films-GMA Films co-production that will star Anne Curtis (left) and Richard Gutierrez (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results