Isang naiiba at natatanging episode ang alay ng Maalala
Mo Kaya ngayong Biyernes, June 27. Sa pangunguna ni Angelica Panganiban at
Derek Ramsay, ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian. Makakasama rin
nila ang leading man ni Roxanne Guinoo sa Ligaw na Bulaklak na si Sid
Lucero na very active ang TV career ngayon.
Talaga namang deglamorized si Angel at Derek sa pagganap nila sa episode na ito. Gaganap silang magkarelasyon sa kabila ng lungkot at pangungulila at paghahanap ng pagmamahal. First time daw ni Derek na gumanap sa ganitong papel, which he enjoyed immensely. Pinakita rin ni Angelica dito ang kanyang versatility, pagkatapos niyang gumanap sa various and demanding roles. Nariyan ang kanyang memorable na characters tulad ng sa Star Cinema movie na A Love Story, sa teleserye na Maging Sino Ka Man at sa Your Song: I'll Take Care of You. Makikita siyang muli sa bagong teleserye niya with Claudine Barretto at Gabby Concepcion, ang Iisa Pa Lamang. Si Derek, na siyang nagwagi sa international frisbee tournament sa China, ay abala rin sa paghahanda niya para sa "nurserye" na pagtatambalan nila ni Judy Ann Santos.
Abangan ang kanilang acting showdown sa June 27 episode ng Maalala
Mo Kaya sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ang host ng MMK ay si Ms. Charo
Santos-Concio.
Maalala Mo Kaya (June 27, 2008)
Director: Jeffrey Jeturian
Episode Writer: Shugo Praico
Cast:
Angelica Panganiban - Inday
Derek Ramsey - Buboy
Sid Lucero - Ding
Ella Cruz - Jonah
Angel Sy - Young Jonah
Kristel Fulgar - Glaiza
Cheska Billiones - Young Glaiza
Nikka Valencia - Neneng