PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Lobo" airs finale episodes this week

Piolo Pascual and Angel Locsin fight for their love in the ABS-CBN TV series "Lobo."
by Alex Datu
Published Jul 8, 2008
ABS-CBN's TV series Lobo, starring Angel Locsin and Piolo Pascual, will end this Friday, July 11.


Ilang gabi na lang at mapapanood na ang pagtatapos ng Lobo, na siyang tumagal ng anim na buwan sa ABS-CBN Primetime Bida. Ang teleserye na ito na pinagbibidahan nina Noah at Lyka (Piolo Pascual at Angel Locsin) ay kuwento na puno ng sakripisyo at mga pagsubok na kailangan nilang lampasan hindi lang para sa kanilang pag-ibig kung hindi pa na rin sa kapayapaan sa mga tao at sa mga taong lobo.

Kung ang inaakala ng manonood ay si General Silva (Spanky Manikan) ang pinakamapanganib na kalaban ng mga puting lobo ay nagkakamali sila dahil si Anton (Ryan Eigenmann) pala ang pinakamalaking at kinakatakutang katunggali ng mga bida sa huling bahagi ng Lobo. Bilang kinakapatid ni Lyka, ang dating tahimik at walang ka-ere-ereng scientist ay nagbago upang maging isang kalaban na may masamang plano para sa lahat ng tao.

Noong nakaraang linggo, ipinakitang nasunog nang husto si Noah nang pumunta siya sa kweba ni Remus (Geoff Eigenmann). Sa pamamagitan ng mga visions, ipinakita ni Remus ang mga posibleng magagandang pangyayari kung ipaubaya ni Noah si Lyka kay Alec (na ginagampanan rin ni Geoff). Nalaman ni Noah na kung magkatuluyan sila ng kapwa niyang sundalo na si Gabby (Shaina Magdayao), ito ay magdudulot ng kapayapaan sa buong katauhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa sobrang pagmamahal ni Noah kay Lyka at ayaw nitong mawala sa kanya ang minamahal ay nagising ito para harangin ang pagiging habang-buhay na pagiging lobo ng kanyang kabiyak. Hinarap uli nito si Remus at muling nakipagtuos siya dito.

Sa huling hamon na isinagawa ni Remus kay Noah ay pinadami nito ang mga lobo na magkakatulad ang anyo at isa na dito si Lyka. Sa puntong ito ay mahirap para sa isang mortal na tao na katulad ni Noah ang makilala sa mga lipon ng mga lobo ang kanyang minamahal na babae. Ang tanging magagawa nito ay pumayag na maging lobo para matunton kung sino sa mga hayop na ito ang kanyang minamahal na si Lyka.

Kahit alam ni Noah na mahirap ang maging lobo dahil maliban sa tinutugis sila ng mga tao ay napakalaking sakripisyo ang nagagap tuwing nagta-transform sila mula tao sa pagiging lobo at balik-tao. Karagdagan pa dito, tuwing ika-500 years kung kailan nagiging pula ang buwan ay kailangan uli ang isang bantay para hadlangan ang pagkalipon ng mga lobo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinunod ni Noah ang tibok ng kanyang puso at pinili niyang maging lobo. Sa puntong 'yon ay nanumbalik ang istorya ng mga lobo at napag-alaman na sina Noah at Lyka ay parehong nanggaling sa ninuno ng mga lobo. Naulit lamang nila ang pangyayari dahil ang isa sa kanilang kanuno-nunuan ay nakapag-asawa ng mortal na tao at bilang parusa ay ginawa silang lobo. Ito ang pinakarason kung bakit kahit ilang beses na nakagat si Noah ng lobo ay hindi siya naging lobo.

Nagbunga ang pagmamahalan ng kanilang mga ninuno ng isang kambal pero nagkahiwalay rin ang mga ito. Ang ninuno ni Lyka ay napunta sa mabuting lobo, ang mga Luna, at sa masamang lobo naman napunta ang kanuno-nunuan ni Noah, ang mga Waya.

Dahil sa pagpili na magsakripisyo ni Noah, natapos na ang sumpa na sagabal sa pag-iibigan niya at ni Lyka. Subalit, kailangan nilang pigilan ang plano ni Anton na gawing lobo ang lahat ng tao sa pamamagitan ng kanyang na-develop na poisonous gas.


Magagawa kaya nilang pigilan ang masamang plano ni Anton? Ano ang mangyayari sa pag-iibigan nina Lyka at Noah?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Abangan sa natitirang kabanata ng Lobo na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida hanggang Biyernes, July 11.

Read Next
Read More Stories About
Lobo, ABS-CBN, television
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN's TV series Lobo, starring Angel Locsin and Piolo Pascual, will end this Friday, July 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results