Silver anniversary na ng Hollywood classic comedy movie na Ghostbusters ngayong taon, kaya naman hindi pahuhuli ang 5MAX Movies ng TV5 sa pagpapalabas ng top-grossing sequel nito na Ghostbusters II ngayong linggo, kasama pa ang action thriller adventures na The Mexican at The Last of the Mohicans.
Palabas ang Dawn of the Dead ngayong Martes (Marso 17), kung saan babangon ang mga patay para mangain at sumalakay sa mga buhay.
Mapapanood sa Miyerkules (Marso 18) ang action-comedy-romance na The Mexican, kung saan unang nagtambal ang Hollywood mega-stars na sina Brad Pitt at Julia Roberts.
Sa Huwebes (Marso 19) naman palabas ang huling directorial project ni Christopher Reeves na The Brooke Ellison Story, isang true-to-life drama tungkol sa isang handicapped girl na gagawin ang lahat para maabot ang mga pangarap.
Samantala, ang award-winning historical epic na The Last of the Mohicans, set in 1757 French and Indian War, ang mapapanood sa Biyernes (Marso 20), starring Daniel Day-Lewis.
Nagbabalik ang sikat na ghost busters with twice the comedy and adventure sa sequel ng sci-fi movie na Ghostbusters II. Ipapalabas ito sa TV5 ngayong Sabado (Marso 21) starring Bill Murray, Dan Akroyd, Ernie Hudson, at Harold Ramis. Ika-25 anniversary ng Ghostbusters ngayong taon at nagpaplano sila ng third sequel para sa pelikulang ito.
Isang aso naman ang bida sa heart-warming comedy movie na Soccer Dog, na ipapalabas sa small screens sa Linggo (Marso 22).
Lahat ng action-adventure thrillers na ito ang yayanig sa TV ninyo ngayong linggo sa 5MAX Movies tuwing 9 p.m. sa TV5.
PEP Live