Mapapanood ang six-time Oscar award-winning at top-grossing na pelikulang pinagbibidahan ni Tom Hanks—ang Forrest Gump, ngayong linggo sa 5MAX Movies ng TV5. Dagdag pa rito ang mga umaatikabong Hollywood action thriller na In the Line of Fire, Land of the Dead, at ang The Chronicles of Riddick starring Vin Diesel.
Ang Academy Award-nominated thriller film na In the Line of Fire ang mapapanood ngayong Lunes (March 30), starring Clint Eastwood at John Malkovich sa istoryang umiikot sa isang psychopath na nagtatangka sa buhay ng U.S. President.
"Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get." Ito ang isa sa mga sikat na linyang binitawan ni Tom Hanks sa multi-awarded at critically acclaimed na pelikulang Forrest Gump. Mapapanood ito sa Martes (March 31). Nanalo ito ng anim na Oscar awards ang Forrest Gump, including including Best Picture, Best Visual Effects, Best Director at Best Actor.
Ang high-grossing fourth installment sa horror movie series na Living Dead, ang Land of the Dead, ang mapapanood sa Miyerkules (April 1) kung saan pagtatangkaang sakupin ng mga patay ang buong mundo.
Sa Huwebes (April 2) naman masasaksihan ang mga naiwang alaala ng Vietnam at U.S. war sa pelikulang Green Dragon, starring Patrick Swayze at Forest Whitaker.
Sa Biyernes (April 3), bubuka ang lupa at magbubuga ng nagbabagang lava sa pelikulang Dante's Peak, starring Pierce Brosnan.
Si Vin Diesel naman ang bida sa Sabado (April 4) sa sci-fi thriller film na The Chronicles of Riddick, tungkol sa mga pakikipagsapalaran ni Richard Riddick sa kanyang pagtatangkang pagtakas sa mga pangyayaring naganap sa 2000 film na Pitch Black.
Palabas naman sa Linggo (April 5) ang sequel sa The Howling series, ang Howling V: The Rebirth—isang horror film that na base sa The Howling series of novels ni Gary Brandner.
Panoorin at i-enjoy ang lahat ng critically acclaimed Hollywood movies na ito na may halong drama, action, at thriller element ngayong linggo sa 5MAX Movies, tuwing 9 p.m. on TV5.
PEP Live