PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Four generations of rockers will converge for Faces of Rock on April 17

Pepe Smith, The Dawn, Parokya ni Edgar, and Calla Lily will perform at the Marikina Sports Park on April 17, 2009.
by Nonie Nicasio
Published Apr 14, 2009
Pepe Smith, The Dawn, Parokya ni Edgar, and Calla Lily—representing rock and roll during the '70s, '80s, '90s and 2000 onwards, respectively—will perform at the Marikina Sports Park on April 17, 2009.

Tatak na ng Pinoy Rock icon na si Joey "Pepe" Smith ang pagiging hyper at jolly, subalit higit pa rito ang ipinakita niyang enthusiasm sa press conference na ginanap kamakailan sa Sta Lucia East Mall para sa forthcoming concert na Faces of Rock na gaganapin sa April 17 (Friday) sa Marikina Sports Park.

"Etong Faces of Rock, ibang klase ito kasi, although itong rock and roll I think we've been doing this for the past 40 years at inaasahan kong gagawin pa namin for another 40 years, and so on... Pero itong Faces of Rock ito yung sort of evolution and history ng rock sa atin. So, be there or be square," nakatawang panimulang saad sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isa sa haligi ng legendary group na Juan Dela Cruz band.

"So, magkita tayo sa Rodriguez Sports Park, alas otso. Masaya ito, maraming kantahan, mag-eenjoy tayong lahat at talagang maso-solve tayo, puro rock and roll lang. Nandoon at kasama natin ang Parokya Ni Edgar, Calla Lily, The Dawn, at Bojo. Handog ito ng Jampack Events and Production company so huwag ninyong palagpasin ito dahil baka ang susunod ay four years ulit," nakatawang dagdag pa niya.

Ano bang repertoire ang iparirinig niya sa kanyang mga tagahanga?

"Secret, hahaha!" biro niya. "Hindi, siyempre nandoon lahat yung mga repertoire ko when I was born up to the present. May mga kanta ng Juan dela Cruz, may covers ng Rolling Stone, yung mga Blues Classic and huhugot din ako sa recent album ko yung Idiosyncrasies. Basta sure ako, maraming rock & roll dito."

Ano ba ang sekreto niya at hanggang ngayon ay nagra-rock and roll pa rin siya?

"Tulog, kumakain lang ako ng tama, nagbabasa ng Bibliya... ng rock and roll...hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Pero hindi, takot ako sa Diyos, akala kasi ng iba ay wala ako niyon, e," biglang bawi pa niya. "Iyong music na rock and roll, kasama iyan sa sikreto ko, iyong leather jacket ko, maong ko, mga boots ko at mga kaibigan ko. Kung wala ang mga ito, wala ako rito ngayon, nasa ilalim na ako, nasa ibaba. Itong mga ganito, itong Faces of Rock ang nagbibigay sigla sa akin.

"Thank you, rock and roll!" pasigaw na sabi pa ni Pepe na nagsimulang kumanta at nagbanda sa edad na 14.

Sa naturang press con, sinabi rin ni Pepe kung ano ang pinakapaborito niyang kanta.

"Itong ‘Ang Himig Natin,' ginawa ko iyan sa ladies room sa Luneta Observatory, sa park iyan. Kasi sa CR ng lalaki ay puno e, ang daming tao.

"Natapos kong i-compose yung kanta sa loob ng more or less 20 minutes, pero hindi ko naman inakalang magiging classic iyon dahil naka-acid [LSD] ako that time e, hahaha!

"Gusto ko iyong kanta dahil sa lyrics nito, ito yung idea na gusto kong mangyari sa Pinoy na banda na magkaroon ng sariling awit, sariling style. Iyon ang pinaka-favorite ko, tapos sumunod ay yung ‘Ihip ng Hangin' nasa Idiosyncrasies iyon under Alpha," paliwanag ng 61-year-old Pinoy rock legend.


REUNION CONCERT. Naibalita rin ni Pepe na may reunion concert ang Juan Dela Cruz Band abroad.

"Sa May ay nasa Canada kami, four cities iyon. Then June or July ay nasa U.S. kami pero tentative pa iyong ibang sched e.

"Sa ‘Pinas, 2006 yata kami nag-reunion, tapos ung una ay noong 1998 sa World Trade Center. Kung mayroon ulit na reunion dito sa atin ang Juan dela Cruz, why not? Okay iyon."

Kung si Vilma Santos ay tinaguriang Star For All Seasons, okay lang ba sa kanyang bansagang Rocker For All Seasons?

"Kahit ano lang pare, kahit Pepe lang. Kasi kung Vilma ay ibang level na talaga. Governor iyan, ibang klase iyan kung parang parehas kami ng tawag e, hahaha!"

Nagbigay din si Pepe ng payo sa mga kapwa musikero.

"Mag-ingat, sana huwag mangyari sa mga bagong artist, huwag ipagkatiwala sa iba ang kanilang mga materials, kahit na sa best friend nila. Katulad ng nangyari sa akin na nag-deal behind my back. Kaya nang nagbigay na ng pera ay sa kanilang pocket lang napunta. Ni-release nila ito without my knowledge, wala akong kinita.

"Pagod na pagod na ako at baka kung ano lang ang aking magawa kung hahabulin ko iyon, kaya sana ay may humabol na lang para sa akin. Kung hinabol ko iyon ay baka hindi na ako nakasali rito dahil marami akong naiisip na masama e. I've tried to get it off my mind, pick up my guitar and kumanta na lang. Kanila na lang iyon, marami naman akong komposisyon sa bag ko. Kaya mga kaibigan, please lang huwag na kayong bumili ng album na iyon ha.

"Abangan na lang nila iyong bago kong album na darating, hindi lang ito photo album, kundi dibdibang rock bro! Hahaha!

"Pero seriously, huwag na kayong bumili ng Idiosyncrasies. Mayroon akong email address, ida-download ko na lang ang album na iyon. Kaya gagawin kong libre na lang ito para sa buong mundo at kung sino man ang may gusto nito, andyan lang iyan!"


REQUEST TO STOP PIRACY. May request pa siya sa mga kapatid na Muslim na nagbebenta ng pirated tapes.

"Isa pang masasabi ko sa mga kapatid nating Muslim o kung sino man ang mga nagbebeta ng pirated, huwag na ninyong pakialaman ang mga Pinoy music. Pakialam na lang ninyo iyong mga imported bands, kahit na iyong mga movies nila. Pero sana, iyong sa atin, sa atin iyon at huwag nilang walanghiyain.

"Huwag sana silang magalit, dahil ako hindi ko ginaganoon ang iba. Muntik pa akong bugbugin sa Baguio nang tinanong ko sila kung bakit nila ibinebenta yung Juan dela Cruz. Tapos nagdatingan na yung marami, akala ay nakikipag-away ako, tumakbo ako at nasira yung leather pants ko at boots. Buti na lang at dumating ang tropa ko kaya nawala iyong mga humahabol sa akin."

Inusisa rin ng PEP kung paano niya gustong maalala ng mga Filipino.

"Wala lang, parang itong isang makulit na maingay na parang nanggaling sa ibang planeta, napadaan lang, ako kasi, para lang akong hangin na dumating dito sa mundo or sa ating bansa e, wala lang, gumawa ng kanta, tumugtog, nagrock & roll. Binulabog ang sistema dahil nakikita niyang mali ang nangyayari. Kaso lang, ang mga Pinoy talaga ay matitigas ang ulo. So hinayaan na lang niyang ganoon at nilagyan niya ng rock & roll. Ganoon lang, basta laging kasama yung rock & roll," bilin ni Pepe Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pepe Smith, The Dawn, Parokya ni Edgar, and Calla Lily—representing rock and roll during the '70s, '80s, '90s and 2000 onwards, respectively—will perform at the Marikina Sports Park on April 17, 2009.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results