Sa Showbiz Central unang nagpa-interview ng live si Gladys Guevarra sa kung ano na talaga ang nangyayari sa kanya ngayon at nangyari sa kanya kung bakit bigla siyang nawala.
Last Sunday, sa Showbiz Central pa rin unang nagpahayag si Gladys ng nararamdaman niya tungkol sa nalalapit na kasal ng ex-boyfriend na si Phillip Peredo sa dating sexy star-turned-singer na si Stella Ruiz. Although, there have been earlier reports claiming that they already had a civil wedding last March 19 in New Jersey.
"Ang happy! Ang happy! Hindi, natutuwa talaga ako dahil bagay talaga sila," reaction nga ni Gladys nang makita niya ang mga pictures na ipinakita sa kanya ng Showbiz Central kunsaan, magkasama sina Phillip at Stella.
"I'm happy for them. Honestly, honestly...kasi, naging chika rin kami ni Stella before. Hanggang noong last kaming nagkita. Hindi ba, hindi na siya nagmu-movie, nag-convert siya into singer-singer, naggi-gitara siya? Naging chika rin naman kami ni Stella and she's nice. Bagay sila, oh! Ang sweet!"
Tinanong din ng Showbiz Central si Gladys kung ano raw ang natutunan niya sa relasyon niya noon kay Phillip?
"Well, kasi before, palagi akong hanap ng hanap ng mamahalin ‘tapos, palaging mali yung tao. ‘Tapos, pinipilit ko before na kailangan nandiyan sa tabi ko, dapat karelasyon ko, nakikita ko, nandiyan palagi.
"Pero hindi pala puwedeng piliting ganoon. Hindi talaga. So, sabi nga, kung true love, darating, di ba? Huwag ng hanapin! E, yung dumarating ngayon, career! Sabi nga ni Raymond [Gutierrez], career or love life? Career! And I'm back and I'm here to stay! Ha-ha-ha!"
