Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

It was Vicki Belo who broke the news to Hayden Kho that his license had been revoked

by Rose Garcia
Dec 6, 2009
The controversial doctor remains steadfast in her support of former boyfriend and colleague Hayden Kho Jr.: "Oo, naman. Of course. I think the more that we should support each other lalo na in the hard times, di ba?"

Hindi raw inaasahan ni Vicki Belo na ire-revoke ng Professional Regulation Commission ang lisensiya ni Hayden Kho Jr. Mismo ang duktora ang naghatid ng balita sa dating karelasyon.

"Ang nanay niya, si Irene [Kho] ang tumawag sa akin, kasi hindi niya mahanap si Hayden. So, ako ang nagsabi sa kanya [kay Hayden]. And medyo na-shock siya, of course.

"Kasi, yung PMA [Philippine Medical Association] ang nagsabi na two years suspension. We thought it could only be two years and nagplano na kami. Na-accept naman niya yun.

"So, medyo shocking lang na na-revoked talaga."

Ayon kay Vicki, "Doctor rin ako kaya alam ko kung gaano kahirap mag-aral. Hindi lang mag-aral kundi mag-duty. Tapos yung sakripisyo ng pamilya. Nagdarasal lang po. Nag-a-appeal na lang po kami siguro."

HAYDEN'S PLAN. Kinuwento rin ni Vicki sa Startalk na plano raw mag-aral muna ni Hayden habang dalawang taong suspendido ito.

"Actually, nag-enroll na siya sa Ateneo Business School, mag-e-MBA [Masters in Business Administration] siya. So, inisip niyang two years lang ang suspension and by the time na grumadweyt siya ng MBA, tapos na rin ang suspension niya."

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, buo pa rin ang suporta niya kay Hayden.

"Oo, naman. Of course. I think the more that we should support each other lalo na in the hard times, di ba?"

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Vicki Belo, Hayden Kho Jr.
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The controversial doctor remains steadfast in her support of former boyfriend and colleague Hayden Kho Jr.: "Oo, naman. Of course. I think the more that we should support each other lalo na in the hard times, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results