Madrama, mainit, makatotohanan! 'Yan ang aabangan ngayong
Sabado ng gabi as Cristine Reyes makes her primetime debut via ABS-CBN's drama
anthology show, ang Maalaala Mo Kaya.
Hindi maikakaila na marami nang nakaabang kay Cristine sa kanyang pagganap bilang Eva Fonda, kaya naman bilang patikim ng MMK sa Sabado ng gabi, isang kwento ng isang babaeng ibinigay ang lahat para sa kanyang misyon sa buhay: ang mahanap ang kanyang amang matagal na nawalay sa kanya. Sa kanyang paghahanap, hinarap niya ang buhay ng isang GRO para matugunan ang gastos para sa kanyang misyon.
Subalit sa paghahanap na ito, isang rebelasyon na babago sa pananaw niya sa buhay ang magaganap. Kung ano ito, abangan sa Sabado ng gabi sa MMK pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2.
Maalala Mo Kaya (August 23, 2008)
Directed by: Jeffrey Jeturian
Written by: Ruel Montanez
Cast:
Cristine Reyes as Liwayway/Rosie
Ynez Veneracion as Zuela/Cora
Dexter Doria as Caring
Mark Gil as Yeng
Ryan Eigenmann as Greg
Simon Ibarra as Pulis
Maalala Mo Kaya, which airs Saturday nights on ABS-CBN, is hosted by Charo Santos-Concio.