Kung si Rocco Nacino ang itinuturing na frontrunner among the male contenders of StarStruck V, sa apat na natitirang babae, si Sarah Lahbati naman ang isa sa pinakamatinding kalaban.
Pero last Sunday, January 17, ay muntik nang matanggal si Sarah at si Rocco dahil sila yung naging bottom two. Pero dahil sa ginamit ng StarStruck Council ang Factor 2, kung saan maaari nilang itigil ang elimination, ay naligtas ang dalawa. Ang bumubuo ng StarStruck Council ay sina Floy Quintos, Iza Calzado at Lolit Solis.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa eight remaining finalists ng StarStruck V last January 20. Ayon sa 16-year-old Filipino-Moroccan, nagsilbing "lesson at wake-up call" sa kanya ang pagkakasama niya sa bottom two last week.
"Hindi ko alam kung napansin niyo, naging lagi akong nasa side," sabi ni Sarah. "So, parang naging wake-up call sa akin and mas lumakas yung loob kong maging competitive and positive. Kasi yun yung kulang sa akin, e, yung determinasyon. So ngayon, sobrang determinado ako dahil dun sa nangyari sa akin."
MORE DETERMINED TO STAND OUT. Sa simula ng competition ay si Sarah ang sinasabing top contender among the female survivors. Pero parang napag-iwanan na siya ng ibang contenders, partikular na ni Diva Montelaba. Although may isa nang award si Sarah (best actress in a musical video), dalawa na ang nakuha ni Diva (best dancer at best actress in a kiss flick).
Ano sa tingin ni Sarah ang dahilan nito?
"Yung reason I think, kasi mabilis akong ma-distract or ma-down sa mga negative comments ko," sagot niya. "Ngayon, iniisip ko balewala na lang, pampagulo lang. So, inisip ko, bakit ako sumali kung ganito-ganito lang, nagpapaka-down ako. So, sinabi ko sa sarili ko, kailangan kong tumayo. Kung hindi, hindi ako magsu-survive. So, nagsilbing lesson talaga sa 'kin lahat-lahat para magising sa katotohanan."
In-expect ba niyang ise-save silang dalawa ni Rocco ng StarStruck Council?
"Sobrang hindi ko in-expect yung nangyari nung Sunday," sambit ni Sarah. "Except na bottom three ako, kasi isa ako sa last, few weeks na.... Hindi ko talaga in-expect yung mga nangyari na kaming tatlo nina Nina [Kodaka] at Rocco ang bottom three, tapos na-save pa kami. So, thankful ako. Sobrang blessed ako na ginamit sa amin yungFactor 2 at na-save ako."
NOT JUST ANOTHER PRETTY FACE. Ano yung pinakamatinding challenge na pinagdaanan niya so far sa competition?
"Matindi at unforgettable po sa akin yung acting test with Glaiza de Castro. First time kong parang saktan ako saka sampalin. Pero ang ganda ng experience kasi ang galing-galing po ni Glaiza. And honored ako na nakasama ko siya. So unforgettable talaga yung day na yun."
Sa mga natitirang girls, sino para sa kanya ang pinakamatindi niyang kalaban?
"Diva or Nina," sagot ni Sarah. "Diva sa talent, Nina sa fans. Malakas po kasi ang dating ni Nina sa viewers. 'Lakas niya sa fans. Si Diva naman sa talent."
So, hindi siya masyadong nagwo-worry kay Rox Montealegre?
"Kay Rox? Medyo rin po. Kasi gusto siya ng Council, yata."
Nang tanungin ng PEP si Sarah kung bakit siya ang dapat manalong Ultimate Female Survivor, sinabi niyang marami siyang isinakripisyo. Iniwan niya raw ang buhay niya sa Switzerland, kung saan sila naka-base ng kanyang pamilya, para sa StarStruck.
"Kasi umuwi ako dito [sa Pilipinas] na hindi ako nagpaalam. Dumating ako dito for an evangelical concert. Tapos nag-audition na lang ako bigla. Nung nakuha po ako, natuwa ako. Pero na-sad din kasi hindi ako nakapagpaalam nang personal [sa parents niya].
"So, ang dami kong ni-risk, ang dami kong iniwan and gusto kong makita ng mga tao na hindi ako yung another good-looking girl na yun lang, pa-cute lang. Ayoko nang ganun... Gusto kong makita nila na meron akong something, na gifted ako.
"Gusto kong makita nila na I can sing, act. Kasi po passion ko po talaga yung dalawang yun. Yung dance, I will do my best!" natatawa niyang sabi.
NOT JUST FOR FAME AND MONEY. Dagdag ni Sarah, "Iba po kasi pagka gusto mo lang gawin yun sa fame or money. Akin po talaga, passion talaga yung acting. Parang ang sarap ng feeling."
Sinasabi ba niyang she was born to do this?
"Hindi naman po sa pagiging mayabang, pero parang ganun po. Kasi gusto ko talagang gawin yun. Pangarap ko yun," diin niya.
Aside from the male contenders ng StarStruck, sino ang gusto niyang makaparehang Kapuso star in the future?
"Richard Gutierrez," mabilis niyang sagot. "Kasi he's very good-looking, matangkad, and magaling siyang artista. So sana someday. Or, si Dingdong [Dantes]."
Ano ang expectations niya after StarStruck, manalo man o matalo?
"For me naman po, hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa amin sa StarStruck. Bahala na po kami. Kami po, for example, kung may attitude [problem], kung parang hindi determinado, ba't ka pa sumali sa StarStruck? Bakit pumasok ka ng showbiz? Ako, lahat gagawin ko para lang maging artista... Hindi naman lahat pati sexy-sexy, kasi 16 [pa lang ako]. Pero kung anong makakaya kong gawin, gagawin ko para magka-future ako sa showbiz."
