PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres to wear two-piece swimsuit for show; bonds with Megan Young

Andrea Torres will be seen in a two-piece swimsuit for the first time in her new teleserye, Alyas Robin Hood.
by Rose Garcia
Published Sep 17, 2016
Andrea Torres says she likes to surprise and in her new teleserye Alyas Robin Hood, she is showing more flesh for the first time. Even her hands-off attitude towards sexy and daring roles has changed. "Mas nae-embrace ko na siya ngayon… tumatanda na rin, mas comfortable na rin."

Marami ang natutuwa sa ideya na magkasama sina Andrea Torres at Megan Young sa bagong primetime series ng GMA-7 na Alias Robin Hood.

Pareho kasi silang may connection sa Kapuso actor rin na si Mikael Daez.

Kung si Megan ang sinasabing real-life sweetheart ni Mikael, si Andrea naman sa loob ng ilang taon ang ka-love team ni Mikael on-screen.

Natatawang pahayag ni Andrea, “Nakakatuwa si Megan.

“Parang matagal na kaming magkakilala, parang matagal na kaming friends.

“Siguro kasi nakakahalubilo ko rin siya, nakakasama ko na siya.

“Nakaka-bonding ko na siya kahit yung mga saglit-saglit lang.

“So ‘eto, hindi kami nahirapan.”

Hindi sila nagkailangan ni Megan?

“Ay, hindi, hindi ako nakaramdam ng ilang kay Megan,” lahad niya.

Hindi sila nagkaroon ng isyu noong kainitan ng love team nila ni Mikael?

“Hindi, never naman akong nakarinig na parang na-off si Megan sa akin or something.”

Natuwa pa nga raw si Mikael nang malaman na magkakasama sila ni Megan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko yung interview niya, ‘tapos nakita ko siya sa Bubble Gang ngayon lang, tuwang-tuwa raw siya.”

Nakausap si Andrea ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa ginanap na grand presscon ng Alyas Robin Hood sa Le Reve Pool and Events Place.


SEXIER ANDREA. Nagustuhan daw agad ni Andrea ang bagong serye kaya wala raw pag-aalinlangan na agad rin niyang tinanggap ito.

“Actually, sumakto,” nakangiting sabi niya.

“After nung Millionaire’s Wife na sobra akong aping-api, sabi ko, sana magkaroon ako ng role na iba naman.

“Hindi yung sobrang kontrabida, hindi rin naman sobrang api.

“Sakto, ito na yun, gray siya.

“Mukha siyang intimidating, mukha siyang masungit, pero may kabaitan ding ipapakita.”

Pagaagawan raw nila ni Megan ang leading man sa teleserye nila na si Dingdong Dantes

Ang karakter nga ni Andrea bilang isang bar girl na si Venus ang magiging dahilan kung bakit magiging Alyas Robin Hood ang karakter naman ni Dingdong bilang si Pepe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Andrea, “Na-excite ako kasi ang ganda ng story ‘tapos kung ano ang role ko.

“Sabi ko agad, gusto kong gawin kasi iba, e mahilig akong manggulat.

“Para yung mga fans ko, ‘Ah, ginawa niya yun?”

“Yung mga ginagawa ko kapag meron akong mga pictorials, yun din ang ine-aim ko kapag may mga shows.

“Para naman interesting, ‘di ba, para naman may ibang flavors.”

Ano yung sinasabi niyang pang-gulat niya sa serye?

“Well, may konting muay-thai, may konting boxing.

“Pero ito yung pumayag na akong mag-two-piece sa soap.

“Palagi akong cut-out na one piece, ‘eto, ni-request nila na two-piece.

?“Sabi ko okey, and it’s not just one but two,” natawa niyang sabi.

?Sa trailer nga ng Alyas Robin Hood, nakikita na enjoy at relax na si Andrea sa pagiging sexy at daring kaysa dati.

?“Siguro mas nae-embrace ko na siya ngayon,” pagtatama naman niya.

Dugtong pa niya, “Siguro dahil sa dami ko na ring nagawang pictorial.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At saka tumatanda na rin, mas comfortable na rin.”


DIFFERENT. Unang pagkakataon din na magtambal sina Andrea at ng Kapuso Primetime King na si Dingdong.

“First time na ma-pair kami, pero second time na magka-work kami sa soap.

“Sabi ko nga, after nun, sabi ko sana maka-trabaho ko ulit ang DongYan, unang-una na si Kuya Dong,” masayang lahad niya.

Nagbigay rin ng pahayag si Andrea tungkol sa pagkukumpara ng Alyas Robin Hood sa American TV series na Arrow.

May kumpiyansa raw siya na mamamatay na rin ang isyu kapag umere na ang teleserye simula sa September 19.

Aniya, “So, yun na lang, panoorin na lang nila…lahat ng mga katanungan nila, lahat ng gusto nilang i-explain namin, mae-explain dun sa show.

“Pilot pa lang, makikita na nila.”

Napanood na ba niya ang Arrow?

“Hindi, e, pero it was explained to me dahil nga nangyari ang isyung ‘yan.

“And with GMA, palagi nilang iniisip yung audience… na maganda yung makikita ng audience nila, mae-enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kahit yung mga viewers ng Arrow, mae-enjoy nila ang Alyas Robin Hood… dahil iba siya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres says she likes to surprise and in her new teleserye Alyas Robin Hood, she is showing more flesh for the first time. Even her hands-off attitude towards sexy and daring roles has changed. "Mas nae-embrace ko na siya ngayon… tumatanda na rin, mas comfortable na rin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results