Ini-launch last February 25 si Billy Crawford bilang pinakabagong celebrity endorser ng Calayan Surgicentre.
"Parang sanay na ako sa lipatan, ah," natatawang bungad ni Billy. "From GMA to ABS, now from Belo to Calayan."
Sa tingin ni Billy, within six months, "I think we will see changes sa akin... skincare-wise and sa body."
Alang-alang sa pagpapaganda, "I'm willing to accept kung anuman yung challenges na kailangang i-accept...
"Sinasabi ni Doc [Manny Calayan] na he's gonna take his time now and work on this and making this more presentable," pahayag ni Billy sabay turo sa kanyang tiyan.
Hindi naman sa hindi nagagandahan si Billy sa itsura ng katawan niya, pero, "you know, lahat naman ng tao, walang nagsasabing awful sa katawan nila, but if a person says that they are not happy with how they look, then you should actually do something about it para maging comfortable ka...
"Nasa TV ako lagi. E, pag hindi ako presentable sa TV, makikita ng tao na parang pinapabayaan ko lang yung health ko... it's a good example din na you need to be healthy, na you need to look good. At hindi naman makeover lang, importante rin yung maintenance. Na lagi kang nasa TV, lagi kang naka-makeup, so kailangang alagaan ang balat at ang katawan."
20 POUNDS LIGHTER. Pero hindi raw magpapa-liposuction si Billy.
"Ako, mahilig naman ako sa tattoos pero ayoko naman yung masyadong parang kinakatay or anything like that coz I don't know anything about procedures like that. I've never done lipo or surgical procedures like that.
Twenty pounds ang target ni Billy na i-lose niya.
Kapag nabawasan na ang timbang ni Billy, kapag may abs na siya, magpapa-pictorial na ba siya ng shirtless and sexy?
"Kapag may abs, siguro, pero hindi ko dun kino-concentrate. I'm a very wholesome performer, hindi ako... ayokong, you know, magpakita ng katawan all the time na, 'Wow, ang ganda na ng katawan ko!'... Concentrate pa rin ako sa performing [as a singer]."
In-encourage ba siya ng girlfriend niyang si Nikki Gil na magpaganda ng katawan at maging hunk?
"Health lang ang sinasabi niya sa akin, that's important daw. Hindi naman yung pagpapaganda ng katawan ko ang importante, that's not important.
"Everybody knows how nice and how sweet Nikki is, so hindi naman niya sinasabi na, 'Iiwan kita kapag hindi ka sexy!'" pahayag pa ni Billy.
