Isang O'Hara na naman ang gumagawa ng sariling pangalan sa telebisyon. Siya ay si Paolo O'Hara, na may mahalagang papel na ginagampanan sa Noah, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Zaijan "Santino" Jaranilla, kasama si Cherry Pie Picache.
Si Paolo, 31, ay anak nina Jerry "Hepe" O'Hara, ang gumanap na villainous police chief sa May Bukas Pa?, at award-winning stage and TV actress, Peewee O'Hara of Dahil May Isang Ikaw, among other teleseryes, and last year's Tanghalang Pilipino play, Mga Mansanas sa Disyerto, which gave her this year's Best Female Featured Performer at the Gawad Buhay Awards.
Ang mga tiyuhin ni Paolo ay ang yumaong Edwin O'Hara, na nagdirek ng ilang popular drama anthologies, at ang acclaimed filmmaker na si Mario O'Hara.
Noong baguhan pa lang si Paolo sa pag-arte ay sa teatro siya nag-umpisa, at bahagyang tinahak ang paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng mga maliliit na roles sa films directed by his uncle Mario, ang Sisa (1999) at ang Sindak (2000).
This year, sinubukan uli ni Paolo ang pelikula, via the indie project Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio, na ang Tiyo Mario niya uli ang direktor. Isa si Paolo sa mga prosecutor ni Andres Bonifacio, played by actor-politician Alfred Vargas.
Bago nila inumpisahan ang pelikulang kalahok ngayon sa Cinemalaya 2010 Directors' Showcase sa darating na Hulyo, nagsama muna ang magtiyo sa stage play na Tatlong Mariya ng Tanghalang Pilipino,
THEATER OVER TV. Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Paolo sa set ng Ang Paglilitis... at tinanong namin sa kanya: ano ang mas gusto niya, telebisyon o teatro?
"Mas madalas kasi, play... theater talaga," sabi ni Paolo. "Pero, kagaya ngayon, meron akong semi-regular [appearance] sa soap. Sana rin, magtuluy-tuloy."
Ang Noah ay sa direksiyon ni Malu Sevilla, na direktor din ng top-rating primetime Channel 2 series na Agua Bendita.
This June, nakatakda namang magdirek si Paolo ng dula para sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Para ito sa Virgin Labfest, isang showcase para sa new writers.
Matyag ang titulo ng dulang gagawin ni Paolo. "Tungkol sa incest," sabi niya. "Si Ogie de Leon yung tatay, Sab Martinez yung anak."
Bukod sa pagiging aktor at direktor sa teatro, nagtuturo din siya sa high school.
"Math teacher ako. Nagtuturo ako sa Assumption, part-time, once a week," sabi ni Paolo. "Sa theater, acting at directing naman. Hindi kasi puwedeng teaching lang ang gagawin ko. Kaya okey din na lumabas sa TV, kahit semi-regular."
Minsa'y sumubok na rin siyang magdirek para sa TV, sa Studio 23. "Parang variety show, more on camera panning lang, hindi humahawak ng actors. Unlike sa theater, dun ako humahawak ng actors. Pero iba pa rin yung pagdidirek ng drama sa TV," sabi ni Paolo.
ACTING OVER ENGINEERING. Bilang aktor, saan mas masaya si Paolo, sa pelikula o sa teatro?
"Pareho lang. Basta umaarte ako, masaya ako, kahit saan," sabi niya.
Naging supportive ang kanyang mga magulang sa pagpasok ni Paolo sa larangan ng pag-arte, pero ang kanyang Uncle Mario ang unang pumayag na magtuluy-tuloy ang teenage stage neophyte.
"At 17, nag-start ako [sa stage acting], professional na 'yon," banggit ni Paolo.
Mahusay siya sa subject na math kaya kumuha siya ng kursong engineering sa University of Santo Tomas, pero wala doon ang puso niya.
"Gusto kong mag-quit sa engineering, kaya naghanap ako ng paraan para payagan [ng parents ko]," nangingiting kuwento ni Paolo. "Tapos, nabasa ko yung audition [sa CCP]. Naisip ko, 'Pag nakapasa ako dito, papayagan ako sigurado...' Pero ang deal sa akin, 'Papayagan kita, pero magtapos ka ng college...' So, nag-stick na lang ako sa [kursong] B.S. Math, sa Trinity College, na puwedeng mamili ng schedule."
Habang tinatapos ang kanyang kurso, nagtuluy-tuloy na si Paolo sa pagiging professional stage actor, bilang miyembro ng Actor's Company ng CCP.
"Sabi ni Tito Mario, 'O, gusto mong mag-theater? Don't go anywhere else, 'punta ka kay Nonon Padilla...' Nag-audition ako kay Nonon Padilla [kilalang direktor sa entablado, sa CCP]. Hindi ko naman alam na mahihilig ako."
Natutuwa si Paolo kapag naaalala ang mga una niyang karanasan bilang stage actor.
"Tuwang-tuwa ako, pagdating ko ro'n, ang daming chicks!" natatawa niyang sabi.
Sa daigdig din ng teatro niya nakilala ang dating naging girlfriend.
"Si Diana Alferez. Singer at commercial model," pagri-reveal ni Paolo.
SINGLE FATHER. Hindi si Diana Alferez ang una niyang naging nobya. Nang tanungin ng PEP kung single pa siya, mabilis siyang sumagot ng: "Single father..."
Ang kanyang only daughter ay si Janielle, 10 years old. Ponce ang apelyido ng bata.
"Yung mother niya, college girlfriend ko. Hindi niya dala yung [surname na] O'Hara, kasi nung time na 'yon, wala pa yung bagong Family Code. So, 'pag hindi kayo married, hindi mo puwedeng dalhin. E, ngayon, puwede na," paliwanag ni Paolo.
"Usapan namin, pagpasok niya [Janielle] ng high school, papalitan na [ang surname]. Kasi, naka-enrol na siya, kilala na siya as Janielle Ponce. So, 'pag high school na siya, saka na lang papalitan. Para bagong set ng kanyang friends," paglilinaw pa ng masayahing binatang ama.
FAMILY OF ARTISTS. Bukod sa kanyang mga magulang at tiyuhin, nasa showbiz din ang iba pang kaanak ni Paolo.
"Actually, lahat kami yata," sabi niya. "Si Daddy, si Mommy, at yung kambal na sumunod sa akin, writer naman sa ABS-CBN, nasa ganitong trabaho pa rin. Si Janice [O'Hara, co-writer ng Ang Paglilitis...], may kakambal, si Denise. Kay Denise yung Rosalka." Head writer si Denise sa ABS-CBN afternoon soap starring Empress Schuck na nag-premiere noong May 17.
May pinsan din siyang involved sa movie production, si Karen O'Hara, art director naman. Panganay siya ng yumaong si Tito Edwin.
At ang kanilang bunso, si Heber O'Hara, na nasa high school, ay wala raw hilig sa pag-aartista, pero nag-try ding gumanap ng maliit na role, bilang tagapaghatid ng sulat, sa Ang Paglilitis... Nagsilbi rin siyang clapper sa shooting.
"Saan ka naman nakakita, na yung direktor [Mario O'Hara], nagpapaypay dun sa clapper?" natatawang kuwento ni Paolo. Paboritong alagang pamangkin kasi ni Direk Mario ang 13-year-old na si Heber.
VALUES LEARNED FROM HIS TITO MARIO. At one point in their lives, nagsilbing guardian si Mario O'Hara kina Paolo at sa kanyang mga kapatid noong mga bata pa sila.
"Nung nasa Amerika sina Daddy at Mommy... for a while, lumaki kaming magkakapatid kay Tito Mario...
"Nung una, takot kami... ang laki ng boses, ano!" natawa uli si Paolo.
Aniya'y mahusay ngang magdisiplina si Direk Mario, tulad ng kaniyang mga magulang. Patunay nito'y nakatapos siya ng pag-aaral.
"Siya ang nagturo sa aking mag-ipon... mag-budget," sabi pa ni Paolo.
Ang mga disiplina raw ng tiyuhing direktor ay nagsilbing mabuting gabay niya ngayon sa pagtatrabaho.
"Dala ko yun [hanggang] sa theater... saan man. At susuportahan namin si Tito Mario sa bagong project niya, kahit mag-abono kami, okey lang, gano'n lang 'yon," diin ni Paolo.