Medyo late nang dumating si Jolo Revilla sa victory press conference ng kanyang mga magulang na si Senator Bong Revilla at newly-elected congresswoman ng Bacoor, Cavite na si Lani Mercado sa Imperial Palace Suites sa Quezon City kahapon, June 4.
Sa pag-welcome niya sa anak, sinabi ni Lani na si Jolo raw ang susi sa tagumpay ni Senator Bong. Si Jolo raw kasi ang naging masipag sa pangangampanya para sa ama sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
FOCUS ON CAREER. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Jolo, sinabi niya, "Of course, siyempre, tuwang-tuwa dahil si Papa, panalo, number one senator. At hindi lang yun. Kumbaga, siya ang may pinakamaraming boto sa history ng senators na nakuha. Second si Mama, panalo rin. Winner lahat. Pati si Mayor Strike Revilla [kanyang tiyo], winner rin, so, nagpapasalamat talaga tayo sa mamamayang Pilipino sa walang-sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. At siyempre, nagpapasalamat din tayo sa tiwalang ibinigay nila sa atin."
Bilang pinakamasigasig sa pangangampanya para sa kanyang papa, may hiniling ba siyang gift sakaling manalo ito?
"Hindi ako gano'n. Hindi ko na kailangang humingi ng kapalit. Basta tumutulong ako. All throughout, all the way, dahil gusto ko ang ginagawa ko, dahil mahal ko sila. Yun lang yun."
Wala pa naman daw siyang plano kung may posisyon siyang gustong hawakan.
"As of now, I would like to focus on my career first. Siyempre, kumbaga, ngayon nag-e-enjoy ako. Dati, nakaligtaan ko ang career ko. Ngayon, focus muna 'ko sa career ko. Sa pag-aaral din kahit paano. At saka, siyempre, tutok din sa anak ko."
Twelve units na lang daw siya sa kursong marketing management sa Asian Institute of Management sa Makati City.
OBVIOUS FEELINGS. Tila nakahanda na si Jolo at napangiti na lang nang ang topic ng interview ay napadako sa kanyang lovelife.
Una naming tinanong ay ang tungkol sa series of updates niya sa kanyang Facebook account kunsaan obvious na in love na naman siya ngayon.
"Actually," nakangiti niyang sagot, "kung anuman ang mga nakasulat dun, saloobin ko yun. Hindi ko dine-deny, di ba?"
So, in love nga siya ngayon?
"Humahanga lang... Basta ang masasabi ko lang, magkakaibigan kami at magkakabarkada kaming lahat. Friendship is all that we can offer right now. Kumbaga, barkada, e. Magkakasama kami palagi. Nandiyan ang Chiurigogobaschu, magkakasama kami palagi. At tuwing lumalabas kami, hindi lang naman kaming dalawa lang."
Ang Chiurigogobaschu ay ang barkadahan na binuo nina Kim Chiu, Erich Gonzalez, Empress Schuck at Kitkat. Pero sila raw ni Enchong Dee ay madalas din na nakakasama.
Ayon sa bali-balita, ang tinutukoy na babaeng "hinahangaan" ni Jolo ay si Melissa Ricks. So, nanliligaw na ba siya sa naging leading lady niya sa seryeng Agimat... Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla, Sr.?
"Basta ang masasabi ko lang, nandito lang ako palagi para sa kanya," nakangiti pa rin nitong sagot.
GENEROUS. Natawa naman si Jolo nang tanungin kung totoong parang pinapa-last day na niya ang taping ni Melissa for Tanging Yaman, dahil napakarami raw niyang pinadalang pagkain sa set.
Aniya, "Hindi naman ako nagpa-cater. Nagulat naman ako. Nagpadala lang ako ng pagkain. Hindi naman ako nagpa-cater as in marami para sa lahat. Hindi naman gano'n."
Talagang kapag na-in love siya, he's very generous daw, pansin ng iba.
"Actually, hindi naman ako gumagastos. Hindi naman generous. Actually, kumbaga, hindi labag sa kalooban ko. Yung tama lang. Hindi 'sakto, hindi sobra, yung tama lang."
Pero biglang nag-no comment si Jolo nang tanungin kung totoo ngang binigyan niya ng signature bag si Melissa.
"Hindi ko alam. No comment," natatawang iwas nito.
Dugtong naman niya, "Basta ang masasabi ko, kapag in love ako, oo, seryoso ako. Tuwid ako. Diretso ako."
So, ulit naming tanong sa kanya, in love nga siya ngayon?
"Siguro, oo... tingnan muna natin. Basta focus muna ako sa career ko ngayon."
MELISSA-JAKE BREAKUP. Kailan lang, napabalitang nag-break na sina Melissa at Jake Cuenca, although neither ever admitted that they had a relationship. Pero dahil nga sa pagiging open ni Jolo sa paghanga kay Melissa, possible kayang siya ang maituro na reason for the breakup?
"Actually, hindi ko alam 'yan. Mas maganda siguro kung si Melissa ang sumagot dahil wala ako sa posisyon to answer that question. Pero ang masasabi ko, magkasama kami ni Jake noong presscon noong huli, ayos naman."
Di daw sila nag-iiwasan. "Basta ang masasabi ko, magkakaibigan kaming lahat... Walang sulutang nangyayari at wala rin naman ako sa posisyon para gawin yun. Ang lakas naman ng loob ko..."
Kung magiging sila man daw ni Melissa, definitely, hindi niya raw ito itatago.
"Ako kasi, sa akin, wala akong dapat itago. At saka, alam n'yo naman yun. Kung ano ang sinasabi ko sa inyo, yun ang totoo. Siyempre, hindi ko kailangang magtago. At saka siyempre, may tiwala naman ako sa inyong lahat."
MEETING THE FAMILY. Nakilala na raw ng pamilya niya si Melissa. In fact, nandoon ang aktres sa wedding anniversary celebration ng parents niya. Ano naman ang naging comment nila kay Melissa?
"Wala naman. Ang comment lang nila, tahimik lang daw. Sabi ko naman, kaibigan ko lang naman. At saka, first time."
Nakilala na rin ba ng anak niyang si Gab si Melissa?
"Nagkita na sila noong birthday ko. Actually, mahiyain ang anak ko, e."
Kumusta naman siya sa family ni Melissa?
"Hindi ko alam. Sana okey naman. Basta, we're not rushing things. Pero we respect each other's decision. Siyempre, focus muna kami sa career."
Puwede bang sabihing talagang walang-wala na sila ng dating karelasyon na si Lovi Poe?
"Siyempre naka-move on na 'ko. Hindi rin naman ako lalabas kapag hindi pa ako naka-move on. Kumbaga matagal na yun. May boyfriend na ang tao at may respeto tayo."
