PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla reveals what's keeping him from entering into relationship with Mariel Rodriguez

Robin on Mariel's eyes: "Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin."
by Rey Pumaloy
Published Jun 14, 2010
"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin. Bibihira yun. Minsan, ang mata kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya matingnan. Basta, kapag nagdapo yung mga mata namin, naku, alam nito, talo ako sa kanya!" says Robin Padilla about the "magic" of Mariel Rodriguez's eyes.

Bagamat identified na ngayon si Robin Padilla sa ABS-CBN, kung saan meron siyang mga ginagawang proyekto, ay nagpaunlak pa rin ang action star ng panayam sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi. Ipinalabas ang naturang interview ni Cristy Fermin kay Robin kahapon, June 13.

SET-UP WITH LIEZL. Maraming mga tanong ang Paparazzi co-host na sinagot naman ni Robin nang walang alinlangan, gaya na lamang ng sitwasyon nila ngayon ng kanyang dating asawang si Liezl Sycangco na naninirahan sa Australia. May kanya-kanya na ba silang buhay ni Liezl?

"Yung samahan namin ay mas masasabi kong mas lumalim," bungad ni Robin. "Kasi noong araw, konting kibot, nag-aaway kami. Tapos iba yung may relasyon kayo, e. Pero ngayon pag tungkol sa aming dalawa, comedy. Siya mismo ang nagsasabi.

"Nagkakaroon lang kami ng diskusyon ngayon pag sa mga bata. Kasi iba yung style ng pagpapalaki niya, iba ang style ng pagpapalaki ko. At iba rin ang style no'ng bata kung paano niya gustong lumaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Divorce-Islamic" ang tawag ni Robin sa legal na hiwalayan nila ni Liezl.

Paano ang usapan nila ni Liezl pagdating sa hatian nila sa kani-kanilang mga anak? Kung ilan ang kay Liezl at kung ilan ang sa kanya?

"Hindi po gano'n ang aming set-up. Mga bata ang nagdedesisyon," paglilinaw ni Robin. "Si Queenie po, wala po sa akin. Eighteen na siya. Humingi na siya ng kalayaan niya."

QUEENIE'S SUITORS. Natatakot ba siya at nag-aartista na ang panganay niyang anak na si Queenie?

"Natatakot," pag-amin ng aktor. "Siyempre, ang pangarap namin sa mga anak namin ay makatapos ng pag-aaral. At sa pag-aartista, pagsubok 'yan, lalung-lalo na ako, na alam ko 'yan."

Ipinaalala ni Cristy ang minsang nasabi ni Robin sa isang interview na mag-ingat ang mga lalakeng umaaligid sa kanyang mga anak dahil galing na siya ng bilibid. Ito ba ay isang pagbabanta o pagkatakot sa anino ng nakaraan?

"Kasama na rin 'yang lahat," sagot ni Robin. "Ang akin lang doon ay sa katotohanan. May pangarap ang mga bata. Kung manliligaw sila, sinabi ko naman na okey lang sa akin, wala namang problema. Ang sa akin, huwag n'yo lang sirain yung kinabukasan. Huwag n'yo lang eskandaluhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo naman yung ibang kalalakihan ngayon, lumalaki na walang respeto sa mga babae. Baka naman mabalitaan ko na lang na may video yung anak ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na hindi tubig ang ibubuhos ko sa kanya, malulungkot ka nang tuluyan. Hehehe!" makahulugang sabi ng action star.

Nabanggit ang pangalan ng isang masugid na manliligaw ni Queenie na si PJ Valerio, na nabalitang kinausap ni Robin tungkol sa panliligaw nito sa kanyang panganay.

"Hindi, ang akin lang, hindi pananakot yun. Lahat ng ama ibibigay ang sarili para sa anak nila," paliwanag ni Robin.

MARIEL'S EYES. Hindi rin nakaligtas si Robin na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Mariel Rodriguez. Balibalita kasing tinamaan siya nang husto kay Mariel nang maging guest co-host siya sa Wowowee.

Sa mga naunang interview ni Robin na lumabas sa ilang mga babasahin, inamin nitong humanga siya ng ganda ni Mariel. Nasabi rin ng aktor na hindi niya matagalang tumitig sa mga mata ng TV host kapag nagkakatinginan sila sa noontime show ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano meron ang mga mata ni Mariel na hindi niya kayang matitigan nang matagal?

"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin. Bibihira yun," sagot ni Robin. "Minsan, ang mata kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya matingnan. Basta, kapag nagdapo yung mga mata namin, naku, alam nito, talo ako sa kanya!"

Sa tanong kung may communication pa rin sila ni Mariel at kung nagpapalitan ba sila ng text messages o nagtatawagan, pahapyaw na umamin si Robin na may pag-uusap pa ring nagaganap sa kanila ng TV host.

"Yun pong tawagan, hindi. Hindi ko po magagawa yun hangga't hindi pa malinaw sa akin. Para sa akin, masyado nang panghihimasok yun," saad niya.

Ang tinutukoy ni Robin ay ang malinaw na kumpirmasyon kung ano ba talaga ang sitwasyon ni Mariel at ng sinasabing ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

"Kailangan maging maayos. Ilang taon na ako, hindi naman tayo puwede sa mga tira-pasok!" sabi ng 42-year-old action superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinaniniwalaan ni Robin na libreng-libre na si Mariel dahil sa nalaman niyang pahayag ni Zanjoe sa tunay na sitwasyon nila ng TV host. (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi pupuwedeng sabihing nawala kasi sa interview ni Mr. Zanjoe, ang linaw, e, nang sinabi na meron silang usapan ni Mariel na hindi muna sila mapupunta sa iba," sabi ni Robin.

Nilinaw naman ni Cristy at ipinaliwanag niyang sinabi ni Zanjoe na hindi rin daw nito gustong makita ang isa't isa na may kasamang iba. Ipinagdiinan ng TV host na walang karelasyon si Mariel ngayon at ibinalita rin nito kay Robin na siya pala ang paboritong action star ni Zanjoe.

Hindi ba yun tumatak minsan kay Robin na ang kailangang katakutan ngayon ni Zanjoe ay ang kanyang idol?

"Ay, hindi ako dapat katakutan ng kahit sino lalo na kung ako yung dapat na makiraan. Kasi katotohanan po, yun po ang pumipigil sa amin," pahayag ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong narinig niya na wala nang pipigil?

"Medyo may kaliwanagan," nakangiti niyang sambit.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nabibisto niya kaagad kung ano ang gusto kong sabihin. Bibihira yun. Minsan, ang mata kasi hindi nagsisinungaling kaya hindi ko siya matingnan. Basta, kapag nagdapo yung mga mata namin, naku, alam nito, talo ako sa kanya!" says Robin Padilla about the "magic" of Mariel Rodriguez's eyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results