PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes to Pauleen Luna: "Tigilan mo na 'ko, girl. Wala naman akong problema sa iyo!"

Cristine says she doesn't want to be dragged into "walang kuwentang" issues.
by Rommel R. Llanes
Published Jun 17, 2010
"You know what, actually, I don't know what's her problem. In the first place, wala naman akong sinasabi against her. And if ever, kung meron man siyang naririnig, sabihin niya yun sa akin, right in front of me. Para alam ko kung ano yung narinig niya, I can deny it to her, or whatever... hindi siya nag-e-exist sa mundo ko," Cristine Reyes said about being dragged into the "Ampalaya Anonymous vs. Pauleen Luna" issue.

Kahit na kararating lang from the U.S. at medyo may sakit pa, hinarap kaninang hapon ni Cristine Reyes ang showbiz press na pumunta sa Outback Glorietta 4 Makati City, para sa press conference ng Colt .45 Vava-Vroom promo kunsaan siya ang endorser at isa sa papremyo (a weekend with Cristine sa Boracay).

Game na sinagot ni Cristine ang mga press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainent Portal), na may nakahandang mga tanong tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya.

"WALANG KUWENTANG" ISSUE. Unang sinagot ni Cristine ay ang pagkakadamay na rin niya sa isyung "Ampalaya Anonymous" vs. Pauleen Luna. Totoo bang isa siya sa mga tumawag sa ka-"Ampalaya" niyang si Bianca King na huwag nang pag-usapan pa sa guesting nito sa Showbiz Central ang tungkol sa intriga sa barkadahan nila at kay Pauleen?

"Yes. Kasi dapat naman talaga hindi na pinag-uusapan yun dahil wala namang kuwenta yung issue," sagot ng dalagang sa ngayon ay pumapangalawa sa FHM Philippines' "100 Sexiest Women," kasunod ng ka-"Ampalaya" niya ring si Angel Locsin, na nasa number one spot naman as of this writing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa raw siya sa mga nakasamaan ng loob ni Pauleen?

"You know what, actually, I don't know what's her problem. In the first place, wala naman akong sinasabi against her. And if ever, kung meron man siyang naririnig, sabihin niya yun sa akin, right in front of me. Para alam ko kung ano yung narinig niya, I can deny it to her, or whatever.

"Kung anuman ang pinagsasabi niya, kasi...para sa akin wala akong time para pag-usapan siya, wala akong kahit anong... hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras ko. Promise, wala talaga," patuloy ni Cristine.

SHE DOESN'T EXIST IN HER WORLD. Wala naman daw talaga siyang alam na ginawang mali o puwedeng ikasasama ng loob ni Pauleen sa kanya. Pakiusap pa ni Cristine, sana raw ay hindi siya ma-misinterpret sa sinabi niyang hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang issue with Pauleen. (CLICK HERE to read related story.)

"Kasi in the first place, hindi siya nag-e-exist sa mundo ko. At, alam mo yun, wow! All of a sudden, bakit ka galit na galit sa akin?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maganda nga raw na tinuldukan na ng co-Ampalaya Anonymous member niyang si Maxene Magalona ang issue sa kanila ni Pauleen. Pinalaki lang daw talaga ng ibang tao ang issue.

"I don't know, baka they're using me, or they're using us for themselves," dagdag pa ng seksing dalaga.

Ayaw rin patulan ni Cristine ang ni-reveal ni Pauleen na siya raw talaga ang dahilan at simula ng away sa pagitan nina Pauleen at ng Ampalaya Anonymous.

May kinalaman daw ang dating isyu na pagpapadala kay Heart Evangelista ng "nasty text messages" na diumano'y galing kay Cristine. Paglalahad ni Pauleen, sa kanya raw ibinibintang ng grupo nina Cristine ang tungkol dito. (CLICK HERE to read related article)

"Ay, so old issue, old issue na po yan. Sobrang old issue na, parang, stop using me na... I don't care. Wala na 'ko do'n. Promise, I mean, I'm out. Nasa ABS-CBN ako, nagtatrabaho ako, tigilan nyo na 'ko," tanggi pa ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Cristine na hindi naman talaga sila masasabing close ni Pauleen. Pero di naman daw ibig sabihin na may problema siya dito.

Mensaheng gustong iparating tuloy niya kay Pauleen: "Tigilan mo na 'ko, girl. Wala naman akong problema sa iyo!"

DIFFERENT CASE WITH JEN. Pero kung di sila close o nag-uusap man lang ni Pauleen, ibang kaso naman ang sa kanila ni Jennylyn Mercado. Si Jennylyn ang rumored girlfriend ngayon ng ex niyang si Dennis.

"Wala kaming issue ni Jennylyn. Friend ko yun. Actually, nakaka-message ko pa siya," sabi ni Cristine. Kung anuman daw ang mga lumalabas na balita sa pagitan nila ni Jennylyn na nagpapahiwatig na may alitan o problema sila, wala raw katotohanan ito.

"Alam niyo naman ang media, e. Mapag-uusapan lang, isusulat nang isusulat. Pero sa aming dalawa, wala kaming problema," patuloy pa ni Cristine tungkol sa kanila ni Jennylyn.

Friend din daw sila ng rumored boyfriend ni Jen at ex niyang si Dennis. Although aminado siyang matagal na rin silang hindi nag-uusap ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEING PITTED AGAINST ANGEL. Sa huling press release ng FHM Philippines, nasa pangalawang puwesto na si Cristine sa "100 Sexiest Woman" poll nila. Pinalitan niya sa puwesto si Marian Rivera at sinusundan niya't naglalaban na raw sa number one spot silang dalawa ng kaibigan niyang si Angel Locsin. Okey lang ba sa kanya na pinagsasabong silang dalawa ni Angel pagdating sa paseksihan?

"Sobrang okey lang. Kasi sobrang friend ko si Angel. And if ever siya ang maging number one, karapat-dapat lang talaga na maging number one siya dahil napaka-sexy ng kaibigan ko."

Although magiging thankful daw talaga siya kung magiging siya uli ang Philippines' sexiest woman for the second time, okey na rin daw sa kanya kung hindi man mapasakanya uli ang titulo.

"Happy na rin ako, at least na-experience ko na siya [being the number one sexiest woman in the Philippines] nung 2009."

BAD U.S. EXPERIENCE. Nagbigay-linaw rin si Cristine sa nangyari sa kanila ng Ate Ara Mina niya noong nag-show sila sa U.S. kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa promoter namin, pero yung mga producers naman po, bayad sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya dinala yung pera. Pero okey lang...siguro ganun naman. Ganun naman sa trabaho natin, e. May mga ups and downs, kailangan natin tanggapin," paglalahad ni Cristine.

Meron din daw silang show sa Las Vegas na hindi natuloy dahil nawala ang producer at isa pang show na natuloy nga, wala naman silang bayad.

"Pero nag-show pa rin kami, dahil ang daming Pinoy na pumunta. So parang nakakaano naman na nagpunta sila sa event, para sa amin, para makita kaming mag-perform, tapos hindi kami magpe-perform. So kahit hindi kami bayad nag-perform pa rin kami ni Ate."

Pero sa kabila raw ng bad experience nila sa U.S., nag-enjoy pa rin daw sila. "Hindi naman kami umuwing luhaan. Nag-enjoy kami roon. Siyempre, nag-bonding-bonding kami, at first time ko sa States, so happy ako. Kahit na ganun ang nangyari, at least marami kaming napasayang Pinoy, maraming nanood, successful ang show. Kahit hindi bayad, okey lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahala na lang daw si Lord sa mga nang-atraso sa kanila.

NEW TATTOO. Sa pagpunta rin ni Cristine sa U.S., nagkaroon siya ng pagkakataon na magkaroon ng pangalawa niyang tattoo (meron na siyang bulaklak na tattoo sa kaliwa niyang wrist). Sa kilalang tattoo parlor pang High Voltage ng sikat na American tattoo artist at TV personality na si Kat Von D siya nagpalagay ng tattoo niyang Rosary.

Bakit nga ba Rosary ang napili niyang design ng kanyang tattoo?

"God is with me. Crucifix with Rosary...so yun," simpleng paliwanag ni Cristine.

Fan na fan din daw kasi siya ng American tattoo artist na si Nate Fierro na taga-High Voltage. Kabilang sa mga celebrities na nagpa-tattoo na sa High Voltage sina Steve-O ng MTV's Jackass, Kirk Hammett ng Metallica at Jason Freese ng Green Day.

Ayaw raw sana niyang ipakita ang kanyang tattoo dahil hindi pa raw alam ng mommy niya ang tungkol dito. Pero dahil lumabas na nga sa ilang Internet sites ang mga litrato niyang nagpapa-tattoo siya at naisulat na rin sa PEP ngayong araw na ito, hindi na raw niya maitatago pa ang tungkol dito't ipinakita na niya sa mga nag-iinterbyung press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes, Pauleen Luna
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know what, actually, I don't know what's her problem. In the first place, wala naman akong sinasabi against her. And if ever, kung meron man siyang naririnig, sabihin niya yun sa akin, right in front of me. Para alam ko kung ano yung narinig niya, I can deny it to her, or whatever... hindi siya nag-e-exist sa mundo ko," Cristine Reyes said about being dragged into the "Ampalaya Anonymous vs. Pauleen Luna" issue.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results