Nagbabalik sa pagganap sa telebisyon ang aktor na si Justin Cuyugan. Nakapanayam siya kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dumalo si Justin sa charity project ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Sa ngayon ay may dalawa siyang teleserye para sa Kapamilya network, ang Imortal at Rosalka. "Sa Imortal talaga ako kasali, hinila lang ako sa Rosalka," aniya.
Sa Imortal, bida ang bagong tambalang John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Nasa first part ng istorya si Justin, kasama sina Jomari Yllana at Jake Roxas.
CERTIFIED KAPAMILYA. Nagpahinga man sa pag-arte si Justin for several years, pagbalik niya'y isa pa rin siyang Kapamilya.
"Only You ang pinaka-last na ginawa ko. Si Angel Locsin din [ang female lead, opposite Piolo Pascual]," kuwento niya. "Kaya we're very good friends din, kasi lagi ko siyang nakakasama."
"Sexy, as ever," ang pag-describe niya kay Angel, nang magkita silang muli ng kaibigan. Nasabi ito ni Justin bago pa man mailathala na kasalukuyang nangunguna si Angel sa FHM 's 100 Sexiest List.
GRATEFUL TO BE PART OF THE INDUSTRY. Si Justin ay anak ng opera singer at aktres na si Ms. Fides Cuyugan-Asencio. Tulad ng kanyang ina, nag-lie low siya for a while in favor of family life. "I'm married, with two kids, a girl and a boy," pahayag niya.
Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Volta in 2004. "I think, gano'n talaga ang mga artista," sabi niya. "Pagdating ng oras, magla-lie low talaga. But I'm grateful that I'm [still] part of the industry.
"Lately, nag-cameo ako sa Miss You Like Crazy," ang pelikulang ipinalabas early this year starring John Lloyd and Bea Alonzo.
"Hopefully, magtuluy-tuloy uli. They've been calling me for projects, pero, siyempre, ang manager ko kasi ang mag-o-okay do'n, e. Ako, trabaho lang. Kung ano lang yung puwede."
Walang esklusibong kontrata si Justin Cuyugan sa ABS-CBN at Star Cinema. "Ang contract ko, pakisama [lang]," makahulugan niyang sabi.