Maricel Morales on returning to showbiz: "Ang hirap tanggalin sa dugo."

by Rey Pumaloy
Jun 27, 2010
Where does she find the time? The former beauty queen and single mother of two has a nail salon, plans to open a comedy bar, is on her second term as Angeles City councilor, and is studying law. And now she's just jumped back into showbiz.

Pagkatapos ng ilang taong pamamahinga sa showiz, nagbabalik ang beauty queen turned movie actress na si Maricel Morales via GMA-7's newest teleserye, ang Trudis Liit.

Sa paglipas ng taon, napanatili ng Mutya ng Pilipinas 1995 ang kanyang youthful look at angking ganda.

Maganda ang takbo ng career ni Maricel noon, kaya nakapagtataka rin kung bakit siya nagdesisyong iwanan muna ang showbiz at magpasulput-sulpot na lang sa mga TV projects.

"Kasi no'ng unang-una na nawala ako, yun yung separation namin ni... ng aking ex," bungad niyang paliwanag sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Halatang hindi niya kayang banggitin ang pangalan ng dating asawa na si Ace Espinosa. "Hindi kaya ng powers ko! Hahahahaha!" bulalas niya.

Si Ace ay dating That's Entertainment member na naging action star at nagbida sa ilang mga pelikula ng Viva Films.

Tungkol sa kanilang paghihiwalay, "There was a point na we thought we were friends. And after a while, naging sour na naman. Tapos ngayon, civil na lang... we don't talk."

Continue reading below ↓

Kung bakit nagkaganoon, "Wala lang, ewan ko," ang sagot niya.

BATTLE FOR CHILDREN'S CUSTODY. Katatapos lang nilang mag-file for annulment—"tutal we're not hoping naman to be together anymore"—nang mag-file din si Ace ng custody for their children.

"Unfit mother raw ako. Feeling niya napapabayaan yung mga bagets."

Humigit-kumulang, anim na taon na raw naka-file ang petition nila for annulment. Limang taon silang nagsama at noong 2003 naghiwalay.

Kailan ba naging rocky ang marriage nila ni Ace?

"Kasi when I found out that I was pregnant with my first, hiwalay na kami no'n, e." simula niyang kuwento. "Tapos ni-reconcile na lang uli kasi nga buntis, kaya hindi rin kami nagpakasal agad that time. One year na yata ang anak ko no'ng time na nagpakasal kami."

Dalawa ang naging anak nila. Tinanong namin ang aktres kung bakit umabot pa ng dalawa samantalang may marital problems na sila sa umpisa pa lang?

Continue reading below ↓

"Masarap, e, hahahahaha!" masaya niyang tugon, na binawi naman niya agad ng seryosong paliwanag. "Noong una, nag-marriage encounter pa kami. We tried naman to make it work though hindi naman talaga gan'on ka-rocky. Towards the end na lang na parang hindi talaga swak. Magkaiba talaga kami ng personality.

May kinalaman ba ang pera?

"Hindi ko ma-categorize kung pera," sagot niya. "...Ultimately, hindi money. Pero dahil rumaraket ako, out of town. Tapos, may project ako that time, basta malaking product yun, product endorser yun within the Philippines. I've been going around the Philippines tapos ine-endorse ko yung product. Puwede naman siyang sumama pero hindi siya sumama. Tapos, yung kasama kong artista din, pinaghihinalaan niya na something was going on. Tapos, yun na. That time mas ako yung kumikita, and then may project na kumakanta ako abroad, gan'on."

Tungkol sa financial support ni Ace sa mga anak, sabi ni Maricel, "Ayokong mag-comment kasi sasabihin na naman niya, 'Binubulatlat niya yung ano...' pero wala na. I'm raising my two sons on my own. Basically, from the start, from the start that we separated. There were a few instances na nag-abot siya, pero he knows na whatever it is that he gave me is not enough to raise his kids.

Continue reading below ↓

"Good thing I have my own business. Before kasi, meron kaming drug testing lab sa may LTO [Land Transportation Office] which I was running with my brother, partner kami doon. Tapos buy and sell ng cars. And then, now nga, nag-shift ako, I'm doing a nail spa and yung comedy bar na bubuksan ko soon. So, yun. 'Saka yung mga raket-raket pa rin from time to time."

SECOND-TERM COUNCILOR. Bukod sa kanyang mga negosyo at iba pang pinagkakakitaan, panalong councilor din siya sa nakaraang eleksyon. Pangalawang termino na niya ito bilang konsehala ng Angeles City.

Pero para sa kanya, wala raw kita sa pulitika. Isa ito sa mga rason kung bakit siya nagbabalik-showbiz, bukod sa nami-miss niya ito.

"Actually, itong last three years gustong-gusto ko talagang mag-showbiz uli. Ang hirap tanggalin sa dugo, e. Once it's our passion, I just love doing it. Kaya lang, ang laki rin naman ng expectation ng mga taong nag-vote sa akin during my first term. Nahirapan lang talaga ako dahil it was my first time tapos hindi kami align ng mayor na nanalo. Minority kami. Most of the time, for the most part no'ng three years na nag-serve ako, lahat yun abonado ako. Sobra! Yung suweldo ko never kaming nagkita at all. Wala talaga.

Continue reading below ↓

"Yung mga niraraket ko, instead na mapunta sa mga bagets, damay pati yung politics. You can't say no naman dahil yung mga tao lumalapit. Yun yung mga taong nag-e-expect. 'Ano ba yang ibinoto mo, tapos wala namang ginawa.' So, I have to make do with my resources and I have to be extra resourceful doon sa mga tao para may ma-prove ako."

READY TO FACE INTRIGUES AGAIN. Ngayong pabalik na siya sa showbiz, handa na ba siya uling sumabak sa intriga, mga bago at mga inuungkat uli?

Isa rito ay ang pagkaka-link sa kanya noon kay Senator-elect Lito Lapid na kapareho niyang Kapampangan. Bagamat nilinaw na nila ito ni Sen. Lapid, paulit-ulit pa ring tinatanong ito sa kanila ng press.

"Diyos ko, ang tagal na, 'no? Parang awa ninyo na, hahahaha!" bulalas niya. Naging target sila ng tsismis nang maging producer si Sen. Lapid ng launching movie ni Maricel, pero ayon sa aktres, ni hindi raw nanligaw sa kanya ang Senador.

Continue reading below ↓

"Alam mo na kilala siya kasi na he has a way of women. Alam mo na parang Robin Padilla yan, e, na kahit hindi nanliligaw, sobrang magalang, sobrang marespeto, people always misconstrued. Pero wala."

May balita pa noon na binigyan daw siya ng sasakyan ni Sen. Lapid at ng bahay sa Angeles.

"Diyos ko, kung binigyan ako ng kotse, e, di sana hindi ko na lang hinuhulug-hulugan! Muntik na ngang maremata yun, e, hahahahaha! Yung bahay, hanggang ngayon nga nagri-rent ako, e. 'Asan yung bahay? Wala talaga," pagdidiin niya.

BACK TO SCHOOL. Wala raw lovelife ngayon si Maricel pero hindi niya itinatanggi na may mga lalakeng umaali-aligid.

"May mga sa paligid-ligid na nagpaparamdam pero siguro 'pag tapos na lahat. Wala nang hassle, wala nang annulment and all okey na. Ngayon kasi ang dami kong pinagkakaabalahan... I'm back to school. Nag-take up ako ng law, first year ako ngayon sa Angeles University. Four years yun pero I'm taking it slowly kasi sobrang puno ang sched ngayon tapos nag-politics pa ako. Pero sayang yung time kasi like nandito na ako I want to make the most of it."

Continue reading below ↓

Sampung taong gulang na ang panganay nina Maricel at Ace na si AJ, buong pangalan ay Francis Ace John Messiah, at ang bunso nilang si Francis Ace Malkiah o Mico, na seven years old naman.

May interes raw ang dalawa na pasukin ang showbiz, pero si Maricel mismo ang nagpipigil pa sa kanila. Natatakot raw kasi siya na baka pag natikman nila ang showbiz, mawalan na sila ng gana na mag-aral pa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Where does she find the time? The former beauty queen and single mother of two has a nail salon, plans to open a comedy bar, is on her second term as Angeles City councilor, and is studying law. And now she's just jumped back into showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results