"I have kissed a guy."
Ito ang naging rebelasyon ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Uma Khouny sa panayam sa kanya ng Paparazzi na ipinalabas noong Linggo, August 1.
Matagal nang kinukuwestiyon ang pagkalalaki ni Uma at sa past interviews niya ay sinasabi niyang walang katotohanan ang bali-balita na bakla siya. Kaya naman nang sumalang siya sa "Presscon Express" ng Paparazzi ay inusisa siya tungkol dito.
Hindi kasi masagot-sagot ni Uma noong una kung ano ang gender preference niya. Kaya naman nang bigla niyang inamin na nakahalik na siya ng kapwa lalake ay nagulantang ang hosts ng showbiz talk show ng TV5 na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Mo Twister.
Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang tanong sa kanya kaya hindi na naipaliwanag ni Uma kung bakit siya nakipaghalikan sa kapwa niya lalake. Pero sinabi ng Filipino-Israeli TYV personality na dito sa Pilipinas nangyari yun at hindi artista ang nakahalikan niya.
"That doesn't mean that I'm gay!" bulalas ni Uma. "Nakipaghalikan ako sa lalake, gumimik ako sa gay bar. Because for me, bakla man o tomboy, we're all the same, di ba? Dito lang sa Pilipinas is the weirdest thing ever na bakit hindi tanggap yung bakla? For me, we're all the same."
Ano ang mas gusto niya—lalake o babae?
"I can do both!" mabilis na sagot ni Uma, na nagpagulat at nagpasigaw sa hosts at sa audience sa loob ng studio.
"No, no, no..." pilit na gusto sanang magpaliwanag pa ni Uma, pero hindi na niya nagawa dahil sa masayang reaksiyon ng mga tao.
"Believe me, I can do both!" ulit ni Uma.
"But...but..." pilit uling pagtatangka ni Uma na linawin ang kanyang sinabi. "It's not who you choose or who you wanna be with, it's the person. No, really guys, really!"
"Kung saan ka maligaya, doon ka," sambit ni Cristy kay Uma.
"Opo, opo!" pagsang-ayon naman ng dating PBB housemate.
Uma has been liberal in saying that he can do any gender, ano mas ang nae-enjoy niya?
"Wala pa... I mean, wala akong pakialam kung ano siya at sino siya. For everyone out there bago magpakasal, enjoy your life and I am enjoying my life. I'm gonna do lahat ng puwedeng gawin bago mag-isip na bago magpakasal or to settling down," sagot ni Uma.
Ipinagtapat ni Uma na kasal siya dati sa isang babae, pero hindi naging successful ang kanilang marriage. Kaya naman kung sakali man daw na may susunod siyang makakarelasyon, sisiguraduhin niyang magiging masaya siya.
KATHERINE DE CASTRO. Pagkatapos ng kanyang nakakagulat na rebelasyon ay inumpisahan na ang pagtatanong ng invited press kay Uma.
Totoo bang nagkaroon siya ng relasyon kay Katherine de Castro, ang co-host niya sa ABS-CBN travel show na Trip na Trip? Si Katherine ay anak ni dating Vice President Noli de Castro.
"Nanligaw ako kay Kat-Kat? No! We're just friends," sagot ni Uma.
Bakit siya nag-resign sa Trip na Trip?
"Walang away between me and Kat-Kat, there's no samaan ng loob," paglilinaw niya. "You feel when it's time to leave. It's not the happiness. Kailangan mong lumaki. Kailangan mong to go beyond, we're all wanna–"
Pinutol ni Mo ang sinabi ni Uma dahil aniya, hindi nagre-resign ang isang talent sa kanyang show. Hindi rin daw aalis ang isang talent sa isang show kung wala itong problema.
"Hindi ko alam," pag-iwas na lang ni Uma para hindi na makipagdiskusyon kay Mo.
SAM MILBY. Nakumusta rin kay Uma ang sitwasyon nila ni Sam Milby, na nakasama niya noon sa PBB house. Magkaibigan pa rin ba silang dalawa?
"Kaibigan... Look, lahat ng artista and pag nakita ko siya, I say hi. Pero kaibigan, we've never been friends. Pero sa loob ng Bahay [ni Kuya], we were all close. After ng PBB, close pa rin kami, mga shows-shows. Pero after that, each one had to go this way," paliwanag niya.
Tanong ni Mo kay Uma: "Are you still upset kay Sam dahil sa pagde-deny niya ng anak niya with your sister? Kasi we've been open about this. Alam ko noong una, no'ng nangyari ito, ikinuwento mo na ito sa akin at sa TV. Are you still upset dahil up to now, hindi pa rin niya na-accept yung anak niya sa sister mo?"
Sagot ni Uma: "One thing I cannot... I don't wanna talk about Sam again. Look, yung issue lumabas few months ago. I was hurt dahil wala taong nakinig sa akin, lahat sila nag-curse sa akin, tinira nila ako, tinira ang sister ko. My sister is a private person.
"Lalo na her daughter is three years old, nakakaintindi na now, she goes to school. I don't want people to talk na ganito, like, 'Hey, anak ka ng ganyan!' Tumahimik lang ako. I left for Israel. Tumahimik lang ako. Doon ako nasaktan because even yung mga taong nirespeto ko sa showbiz...I'm so upset talaga."
Nagbalik-tanaw si Mo na tatlo o dalawang taon na raw ang nakararaan nang malaman niya ang tungkol sa isyu at ang pagdi-deny ni Sam sa anak nito diumano sa kapatid ni Uma. Noong mga panahong 'yon ay alinlangan daw lumantad si Uma dahil baka raw maapektuhan si Sam at pati ang network nito. Ayaw raw ni Uma na makasakit ng ibang tao. Pero ipinapaliwanag ni Mo na ang kapakanan ng kanyang kapatid na babae at ang anak nito ang nakasalalay.
"Exactly!" sambit ni Uma. "Sasabihin ko uli, hindi ako nabuntis, hindi binuntis, hindi ako nanganak... I don't know who's the father. Come on! Come on! I don't know who's the father but I just wanna protect my family, my sister, and her daughter."
How's the kid now?
"She's good. She's pretty well," tugon ni Sam.
DNA TEST. Tinanong ni Mo si Uma kung sa palagay niya ay malilinawan lang ang isyung ito kung sasailalim sa DNA test ang sinasabing anak diumano ni Sam, gaya nga ng madalas sabihin ng singer-actor sa kanyang interviews na isailalim sa DNA test ang bata para malaman kung anak nga niya ito o hindi.
"No! No!" sabi ni Uma. "Matatapos lahat ng tsismis kung lahat tayo tatahimik. Kasi, again, wala akong nakukuha o napapala sa tsismis na 'yan. Ang nasasaktan ay isang tao and my sister. Yung bata, nakakaintindi na. So, sana... I swore before, I mean no'ng unang lumabas ang tsismis, kung lalabas again, iba na ang gagawin ko. I will fight. Siyempre, she's my sister. Wala akong family dito, dalawa lang kami. Kung lumabas again, I will fight."
Sa parte naman ni Sam ay ilang beses na niyang pinasungalingan na may anak siya kahit na kaninong babae.
"Like I've said, matagal na isyu na ito and I already answered about it and from all I know, wala akong anak kahit sino. I don't have a son to anybody. At saka, parang naaawa ako sa kapatid ni Uma, kasi hindi naman siya showbiz. And she lives a private life and I don't think she should be brought into this. Siyempre ako, sanay naman ako, showbiz ako. But let's respect her privacy, di ba?" sabi ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP na lumabas noong May 9, 2010.
Kumusta naman ang pagiging ama ni Uma sa sarili niyang pamangkin?
"Being a father is not easy at all. Sobrang hirap kasi siyempre, yung baby popoo, pupunasan mo. You're not ready. Siyempre, challenging, masarap lumalaki yung bata. In-adopt ko siya, she's Khouny," pagbabalita niya.
Kinuwestiyon ang pagtanggi nilang isailalim sa DNA test ang bata. Ito ang pinupunto ng marami para raw matapos na ang isyu.
Paliwanag naman ni Uma, "It's not me. It's my sister who never wanted to talk about it. She never said na it was Sam or that guy. Wala siyang pakialam kung sinuman yun. She got pregnant and it was her kalokohan at paninindigan niya."
