PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino denies reported gap with StarStruck V batchmates Steven Silva and Enzo Pineda

Rocco Nacino describes Sheena Halili as a "close" friend.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 5, 2010 | Updated Aug 5, 2010
Rocco Nacino placed fifth in GMA-7's StarStruck V, which aired last year, but he feels "very blessed" and also "very pressured" because he has already experienced what it's like to play a major role.

Magkasama sina Rocco Nacino at Sheena Halili sa GMA-7 comedy sitcom na Kaya Ng Powers kaya nili-link sila sa isa't isa.

Pero sa recent interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa StarStruck V alumnus, sinabi nitong "close" lang daw sila ni Sheena.

Sa simula ay "hindi ko alam" ang sagot ng binata nang usisain siya tungkol sa real score. Sa pagpapatuloy niya, "Naging close kami...Nagkataon lang siguro na nagkaroon kami ng project together. Before, nung nalaman namin na magkakasama kami sa isang show, dun nag-start ang pagiging close namin."

Bago pa man sila nagkatrabaho sa set, naging magkaibigan na sila ng Starstruck 1 graduate. Ang madalas daw nilang pag-usapan ay ang tungkol sa show dahil pareho silang excited.

Paano ba sila nagkakilala?

Sa pagkakatanda ni Rocco, noong nag-guest daw si Sheena sa reality artista search ng Channel 7. "'Tapos minsan, kami ni Sarah [Lahbati] during StarStruck, [kapag] nasa GMA kami gusto lang naming mapanood ang Pinoy Records. So, pumasok kami ng studio, 'tapos nakita namin si Sheena Halili nakaupo dun, tapos may dalawang [bakanteng] upuan. Umupo kami ni Sarah 'tapos nagkakuwentuhan kaming tatlo. So from there, nagkakakilala kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nung mga panahong yun, hindi pa raw kinuha ng 23-year-old newbie ang cellphone number ng 24-year-old actress, na mas nakikilala sa larangan ng komedya.

"Nagkaroon kami ng Flores de Mayo sa Mall of Asia. Si Sheena partner ko, and as a friend, as an acquaintance, kinuha ko number niya. 'Tapos from there, nagkakausap na kami," ang kuwento ni Rocco.

Nang tanungin siya kung may balak siyang manligaw, "why not?" ang mabilis niyang sagot. Masaya naman daw kasama ang dalaga. Subalit, masyado pang maaga raw para sabihin kung saan pupunta ang kanilang closeness.

Aniya, "Hindi ko pa masasabi kasi, kailan lang po kami naging close so hindi ko masasagot ngayon. Pero she's definitely one sweet girl, very fun to talk to, comedienne yun, di ba? So, pag kasama ko, yun, lagi akong tumatawa. She's very, very...Masaya, masaya siyang kasama."

MORE PROJECTS THAN HIS BATCHMATES. May mga nakapansin na mas marami siyang trabaho kaysa sa top 4 sa kanyang batch na sina Sarah Lahbati (Ultimate Female Survivor), Steven Silva (Ultimate Male Survivor), Diva Montelaba (First Princess), at Enzo Pineda (First Prince).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang unang nagkaroon ng exposure sa Gumapang Ka Sa Lusak, na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo), nang hindi kasama ang apat. Nakasama rin siya sa Lovebug, kung saan leading man siya ni Lovi Poe.

"I'm very blessed na binibigyan ako ng ganitong solo, ano, guestings. With Lovi, itong Lovebug, it's a very big thing for me. Very, very thankful, kasi na-e-experience kong maging bida, na-e- experience kong maging leading man...Very pressured nga ako kasi Lovi Poe 'tapos Rocco," ang pahayag ng binata.

At ang pagtitiwalang nakukuha niya ay lalong nagmo-motivate sa kanyang magpakagaling sa propesyon na kanyang pinili. Para sa mga hindi nakakaalam, isang board-certified nurse si Rocco.

"Sa tingin ko po, may expectation sa akin ang network kaya binibigyan nila ako ng ganitong projects. Kaya on my part, kung anuman ang binibigay sa akin, all of these serve as motivators for me para mas lalong gumanda ang performance ko. Kasi para sa akin...sabi ko, 'Rocco kailangan mong mag-deliver kasi hindi basta-basta magkaroon ng mga ganyang projects.' Sobrang hirap magkaroon ng ganyang project so I have to make the most out of it talaga," ang kanyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ba ang pinag-uumpisahan ng napapabalitang gap nila nina Steven at Enzo?

"Hindi, hindi...I've never heard any," ang garantiya niya.

Hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin daw sila.

Ang kuwento pa niya, "Nung Lovebug po nila, nag-stay ako sa dressing room para manood. 'Tapos katabi ko po si Enzo at si Sef [Cadayona, StarStruck batchmate], nanood kami. As a friend, sinasabi ko kay Enzo yung mga katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa, sabi ko, 'Enzo, dapat iwasan mo 'yang ganyan,' ganun."

Paglilinaw niya, ang payong ibinibigay sa First Prince ay from his perspective "as a viewer." Ang sabi pa niya, "In that way nagtutulungan kami."

Si Enzo ba, binibigyan din siya ng advice?

Sagot niya: "Sabi ko sa kanya, 'Pag kami naman, magbigay siya ng opinyon niya."

Nang tanungin siya kung sino sa dalawang StarStruck V male winners ang ka-close niya, "both," ang una niyang sagot.

Pero "mas close" daw siya ngayon kay Enzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May Kaya Ng Powers kami 'tapos lagi kaming magka-team pag sumasayaw kami sa Party Pilipinas, so very close kami ni Enzo ngayon," pagtatapos ni Rocco.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino placed fifth in GMA-7's StarStruck V, which aired last year, but he feels "very blessed" and also "very pressured" because he has already experienced what it's like to play a major role.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results