Pagkatapos ng deklarasyon ni Willie Revillame na "nagpapaalam" at "tinatapos" na ang kontrata nito sa ABS-CBN, sinagot niya at ng kanyang mga abugado ang mga katanungan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na dumalo sa presscon na ipinatawag niya noong Lunes, August 9.
Sa kanyang pahayag bago ang mga tanong ng press, sinabi ni Willie na dapat ay babalik na siya sa dating noontime show ng ABS-CBN na Wowowee noong July 31. Pero pagkatapos ng tatlong meetings kasama ang ilang top executives ng network ay nalaman daw niyang hindi na matutuloy ang napag-usapan nilang pagbabalik niya sa programa. Papalitan na ito ng panibagong show. (CLICK HERE to read related story.)
Nang humarap sa media, kasama ni Willie ang mga abugado niyang sina Attorneys Leonard de Vera at Ferdinand Domingo sa presscon na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Narito ang nilalaman ng usapan ng press kay Willie at kanyang mga abugado:
Is this the first time that ABS-CBN is hearing that you're rescinding the contract? Or had you any earlier communication?
Willie: Nagpadala po ako ng sulat, na napaka-humble na sulat, na ako na po ang aalis kung ako'y nagiging sakit ng ulo ng ABS-CBN. Yun po'y nagpapa-release ako ng contract. That was the first time na sumulat ako, na nagpapa-release ako. Sinabi kong lahat ng pinagdaanan ko sa ABS-CBN, na ayoko nang makasakit pa. Sa tingin ko, at sa tingin din nila, na hindi na ako mahal o hindi na ako minamahal. Sabi ko, ako na ang aalis, ako na ang magpapaalam.
What was their response?
Willie: Sumulat na legal matters, na hindi pa daw po ako puwedeng i-release because meron pa daw po akong kontrata hanggang September 2011.
So after that, what stage are we in now?
Atty. De Vera: At this particular moment, there is no more contract. No more contract. Willy has decided to rescind or terminate the contract.
Can one unilaterally rescind a contract?
Atty. De Vera: Unilaterally, in the sense that he has made a decision. But the decision, though unilateral, was based on legal grounds. So for the reasons he already mentioned and other reasons we are prepared to give in later on, we believe that not only on the practical side, because Willy does not want to cause further harm and hurt feelings, but also because the law, given the circumstances of this case—there is no case yet—of this particular situation of Willy, we justify and allow him to terminate the contract. Because there is still one year more to go in the contract.
But the way he has been treated, he was not treated according to the terms and conditions of the contract. For example, if there is need to reformat the program like Wowowee and change it to another program, the company, under the contract. is required to provide him with the same kind and equivalent importance. Now, how can you say that, if from his original 18 hours a week, he's now only given one hour a week? Not only will that affect his exposure, keep his momentum, and maintain his viewership, it will also affect his compensation. And the company did that unilaterally.
That's your defense. In the meantime, have they sent you any messages? No paperwork has proceeded?
Atty. De Vera: There is exchange of communications and it covers different dates. We can only summarize. Starting with that incident of May 4, and then after that letter from Willie that he mentioned, May 12, where he said, 'It looks like I'm out of the program. It looks like I'm not welcome back. It looks like...' for all the reasons he has stated in his letter, he offered and then 'let me go.' The company answered back and said, 'No, you stay...'
And that meeting of May 24 where Mr. Gabby Lopez [ABS-CBN Chair] was there and to the surprise of Willy... The talk was really supposed to be how to patch things up, how to keep the program going. He was surprised to find out that he was in effect being suspended. And they told him, 'Pahinga ka muna ng three months, pero walang pay.' He did not say yes, he did not say no. He was just shocked. So, he just kept quiet.
And then after that, there was another... Well, you know, there is one very disturbing thing that happened on May 24. That was supposed to be a patching-up meeting, to thresh out differences. But while that meeting was going on, simultaneous to that meeting was the broadcast of TV Patrol and DZMM Teleradyo showing all negative things about the comeback, statements of Willie. They were reading mails after mails... Not mails, e-mails or texts, all negative, almost all of them were negative about Willie. If that was patching up, why was this timed in a way where Willie will be placed in a bad light?
And then, it was announced by Bong Osorio [ABS-CBN head of Corporate Communications] that Willie is on 'indefinite break.' Now, Willie thought it was three months, now it is an indefinite break. Meaning, indefinitely out of the program without pay. So, still, there was hope. The lawyers, his friends and close associates advised him to explain everything.
So, a letter on July 8 was sent by Willie explaining everything, including the negative aspects of certain issues, like during the funeral coverage of President [Cory] Aquino. Lumalabas na nagagalit si Willie, bakit parang inaagawan ng oras yung programa niya. In his letter, he said the company knows that, 'Ako mismo ang nagsabi sa ABS, 'wag na nating palabasin ang show ko na Wowowee. Full coverage na lang ang ibigay natin kay Pres. Cory, sa aking pagmamahal at pagpipitaganan sa kanya.' Ang sabi sa kanya, 'Huwag, sayang ang advertisement.'
"So, during the program at isiningit yung coverage ng funeral, parang hindi tugma. Nagsasaya at nagpapatawa sa programa habang nagluluksa ang buong bayan. And yet, he was made to appear na kasalanan niya while in fact, sinasabi niya, 'isinasakripisyo ko yung three hours program.' So that's only one of the issues that he's trying to point out in his July 8 letter. Then there was this follow-up meeting na ikinuwento na ni Willie.
Given all that, do you expect a huge legal battle up ahead?
Atty. De Vera: I have no crystal ball. I hope there will be no lawsuits here. But if lawsuit is filed against Willie, does he have a choice? He has to defend himself.
While a lawsuit is going on—if it goes on with ABS-CBN, probably charging Willie with breach of contract—can he sign a contract with another network? At the same time that this case is going on?
Atty. De Vera: He can. It's up to the company to get an injunction. There is no guarantee they can get an injunction because before an injunction is issued, Willie can be given a chance to be heard by the court, and we believe that based on the evidence, based on the facts, based on the equities of this situation, that an injunction is unlikely, unlikely to be issued.
What is the time frame within which he may reasonably start another program?
Atty. De Vera: Well, what is reasonable time will depend upon any factors—the willingness of the other party, the readiness of Willie to consider and decide to enter into another contract. It's not as simple as that. It's more complicated than you think it is.
To Willie, given the complications, are you now enthusiastic about coming out again and entertaining your fans?
Willie: Definitely. Yun naman ang gusto kong gawin every day. Marami akong plano ngayon na mas magagawa ko pag ako na yung masusunod. Mas marami akong...walang limitasyon. Kung gusto kong tumulong, walang limitasyon sa pera, walang limitasyon sa prizes. Mas marami akong magagawa pag ako na. Gusto kong mag-produce ng sarili kong programa in the future.
Parang magba-blocktime?
Willie: Well, depende 'yan, e. Sa ngayon kasi, hindi ko pa iniisip 'yan. Gusto ko lang muna maayos 'tong problema kong 'to. And then from here, I'll move on at paplanuhin kong mabuti. Gusto ko lang gawin talaga, magsilbi, magpasaya, at makatulong. Yun lang.
Maaari bang sabihin na lahat ito maaari mong gawin within the next month, next two months? Puwede ka bang magbigay lang ng idea kung kailan ka ulit lalabas sa kung alinmang istasyon?
Willie: Pag-iisipan ko pa, wala pa akong plano for that. Basta ang plano ko, kung lalabas man ako, pasasayahin ko talaga ang mga Pilipino. So, sa ngayon, iniisa-isa ko, e. Ang plano ko ngayon, sana lahat ng ito maayos. From here, saka ako magpaplano kung matapos ang problemang ito.
What are the terms of Willie's contract with ABS-CBN? Kasi ang impression is that he has to settle the balance of the remaining period of the contract.
Atty. De Vera: If there is no justifiable ground to rescind or terminate the contract, may tinatawag silang liquidated damages, which fixes the amount of the damages to double the amount of the fees that the talent receives for the entire three years of the contract. Our position is, Willie is justifiably, legally terminating the contract. And, therefore, he does not have to pay any damages.
No damages?
Atty. De Vera: No damages.
Atty. Domingo: Willie, here, is the injured party. So, he will not be liable for any damages.
Are you going to seek damages from ABS-CBN?
Atty. De Vera: In the letter that Willie sent lately, which is today [August 9], Willie said in the letter, 'Let us both part ways and peacefully we shall, and whatever loss and whatever remedies that I may avail of, I forego it. I'm not making claims, let's just part peacefully.'
May mga lumabas na kaya daw nagbago ang isip ng ABS-CBN na pabalikin ka noong July 31 dahil meron ka daw demands which they found unreasonable. What can you say about this?
Willie: A, hindi ko alam 'yon. Kasi napaka-minor lang ng demands ko, e, hindi naman mabibigat. Simple lang, tungkol naman sa programa, sa ikabubuti ng programa. Hindi ko na alam from there kung ano yung naging desisyon nila. After nung pakikipag-usap ko kay Miss Lingit Tan [head of Entertainment Production], hindi ko na alam. Nalaman ko na lang may bago nang programa na noontime show. So, regarding sa demands, hindi ko na alam, sila na lang nakakaalam no'n.
Nalagyan din ng ibang kulay ang hindi mo pagbabalik dahil si Kris Aquino ang pumalit. Alam natin kung ano yung nangyari between the two of you. So, what can you say about this?
Willie: Wala naman. Hindi naman niya magiging kasalanan 'yon, kasi in-offer lang naman sa kanya ng ABS 'yon. So, siyempre, I'm sure si Kris gusto ring makatulong at magpasaya. Siguro yun din yung purpose niya. Pero regarding kasi sa pag-uusap ngayon, nawala na ako sa ABS, hindi ko din alam kung anong naging deal nila, e.
How can you describe Pilipinas Win Na Win!?
Willie: No comment dahil hindi ako nanonood.
May lumalabas din na talagang ready na sana yung pagbalik mo sa July 31, pero nagbanta raw si Ms. Cory Vidanes na magre-resign siya once na bumalik ka. Meron ba kayong away ni Ms. Cory Vidanes?
Willie: Wala naman. Hindi ko alam kung bakit merong gano'n. Meron kasi kaming letter na ipinadala nung personal meeting with Ms. Linggit and then, nag-meeting ako with Ma'am Charo [Santos, president of ABS-CBN] ng July 13. I think, nasaktan si Tita Cory doon sa sulat na regarding dun sa issue nung kay Jobert [Sucaldito], na parang...
Tinawag ko kasi 'yon, e. Ang point ko, iisang bubungan kami, isang pamilya kami, bakit tinitira ako sa print at sa radyo? Dun ako nasaktan kasi. So, I think, kinausap [si Jobert]. Nung kinausap, nag-comment na naman about the show... Alam mo kasi, masakit, nasa isang bubungan kayo. Kayo-kayo, e, parang hindi nagmamahalan. Papaano kaming aangat kung may kasama ka doon na hindi ka tinutulungan sa press, hindi ba? E, ang laking factor naman ng Wowowee sa ABS CBN na.
From there, parang naisulat namin do'n na sinabi namin na tumawag nga ako kay Ms. Cory Vidanes, pero parang wala pa ring nangyari. I think 'yan ang isang rason na ikinasama niya ng loob. From there, sinabi sa akin ni Ma'am Charo, 'Masama ang loob ni Cory.' Wala akong guilty feelings, e. Kasi I told my lawyers, 'eto yung nangyari talaga, e. 'Eto talaga ang mga pangyayari, totoo. Nakikita n'yo naman ako sa TV, e. Pag galit ako... Never akong naging plastic. Lahat ng nakikita n'yo sa akin, katotohanan.
So, humingi ako ng tawad, nagpadala ako ng sulat, nagpadala ako ng bulaklak, talagang sobrang hingi ng paumanhin kung na-offend o nakasakit ako sa kanya [Ms. Vidanes]. Kasi in my heart, in my mind, in my soul, wala akong nararamdaman na guilty ako. Kasi ang sinabi ko lang naman, yung katotohanan. So siguro, from there, nagkaro'n ng gano'n.
Totoo bang babalik ka lang daw sa Wowowee pero may demand kang mawala si Pokwang sa show?
Willie: Hindi mawala si Pokwang, mawala lahat. It's a new show, it's a new concept, and give chance to others. Kasi, di ba, yung mga natamasa naman nila, okay na. So, ang gusto ko lang, hindi naman tanggalin... It's a reformat. Pag nag-reformat ka ng programa, may pagbabago, hindi ba? So, ang feeling ko lang, gusto kong magbigay ng break at ang gusto ko sana, ang sabi ko, ako na lang araw-araw. Kasi ako naman ang gustong... Gusto kong nakakapiling ang mga tao.
Ang gusto ko pang gawin, makapag-discover ako ng talent sa loob ng studio na puwedeng mag-host, puwedeng kumanta kesa nag-o-audition. So, yun ang balak ko sana, which is sinabi ko sa kanila 'yon. Pero wala akong pinepersonal sa kanila. Gusto ko lang reformat, hindi tanggalin, basta reformat lang.
May sama ka ba ng loob kay Pokwang at sa mga ibang kasama mo before sa Wowowee?
Willie: Wala akong galit kahit kanino. Kung siya'y may galit sa 'kin, yun ay problema niya. Pero ako, wala. 'Tsaka hindi ko naman siya kinuha doon para gamitin lang siya sa programa. Kinuha siya do'n para magpasaya. At kung may nasabi man sa akin si Pokwang na kahit na ano, e, siya na ang accountable dun, hindi na ako. Kasi sa kanya galing 'yan, e, hindi naman sa akin. Dahil nung time na 'yan, wala silang nadidinig sa akin na masama at hindi ko sila pinabayaan nung time na may problema sila.
Puwede mo bang masabi na you've created a monster?
Willie: No. Hindi ako naniniwala do'n. Hindi, walang gano'n sa industriya. Siguro minsan naliligaw ka lang ng ano.
As of now, wala kang definite plans to move to another station and put up another show?
Willie: Well, sa ngayon, wala muna. Kapag napag-aralan ko na. Kung lalabas man ako, magsasabi rin ako sa inyo, sasabihin ko rin sa inyong lahat 'yan.
Puwede mo bang madala yung Wowowee to another station?
Willie: Hindi na, kasi pag-aari ng ABS-CBN 'yon. Sa kanila 'yon.
What if ABS CBN tells you na "Ibabalik natin ang Wowowee," payag ka ba?
Willie: Dapat ginawa nila 'yan nung [July] 31. Kasi ibinigay ko na yung panahon at buhay ko na, e. Dapat nung time na 'yon na nag-usap kami ni Ma'am Charo, pinagkaloob na nila sa akin 'yon. Parang sa ngayon, I have made my decision already na talagang tinatapos ko na yung kontrata ko.
No turning back?
Willie: No turning back. Marami na ring mga tao, kaibigan ko, pamilya ko na kasama ko na masasaktan naman. Eto yung down na down ako, kasama ko sila, e. Ngayon, tatalikuran ko sila because of fame? Because of money? Hindi. Hindi naman gano'n ang buhay, e. It's more of kung down ka, sino yung kasama mo?
At this point in time, is there an inkling that a network is interested to get you?
Willie: Yes, there is. Meron, pero...
Can you name names?
Willie: No, no. I cannot because hindi ko pa nakakausap yung mga boss. Puro ano lang 'to, hearsay, merong hearsay. Pero wala pa akong nakakausap at wala pa rin akong nagiging desisyon na makipag-usap sa kanila. Pangit naman, parang sa ngayon nandito pa ako, 'tapos gagawin ko 'yon, parang hindi naman maganda 'yon.
Siguradong may offers ang malalaking networks sa iyo. Ang deciding factor ba ay kung sino yung ipaglalaban ka?
Willie: Of course. Siyempre, kung sino yung ipaglalaban ka. Ibig sabihin no'n, importante ka sa kanila. Pag ipaglalaban ka, e, ibig sabihin no'n, kailangan ka nila. Pag ipinaglaban ka naman, siyempre ano mararamdaman mo? Siyempre, magiging kampante ka sa kanila dahil itong taong 'to pinaglalaban ako in the midst of my situation in life now, sa nangyayari sa buhay ko.
Sa tingin mo ba welcome ka sa 7 at welcome ka sa 5? O, saan ka mas welcome o hindi ka welcome?
Willie: Sa ngayon, hindi ko alam kung welcome ako sa kanila... Oo nga, 'no? Welcome ba 'ko sa kanila? [pauses, laughs] Hindi ko talaga alam kung welcome ako kasi hindi ko pa sila nakakausap. Kumbaga, wala akong alam kung welcome talaga ako. Kung sino man ang magwe-welcome sa 'kin, aba, siyempre doon na lang ako pupunta kung sakali na maayos ko.
May mga nagpapalipad-hangin na ba sa iyo?
Willie: Of course, meron, hindi naman ako magsisinungaling..
From both channels? 7, 5?
Willie: No, Channel 4! [laughs] 4, 'tsaka 13...inaayos pa lang...Solar [laughs]... Totoo 'yon. Hindi, totoo 'yon. Kinausap ako ni Wilson Tieng [owner of Solar], kinausap niya ako, meron daw siyang... Ang sabi ko, hindi pa ako makakapag-decide. Yun lang ang kumausap sa akin [laughs].
Nabanggit mo na one of the offers of ABS-CBN was for you to have your show on Channel 23 (sister station of ABS-CBN). How did you feel?
Willie: Nasaktan nga ako sa sinabi nila kasi, di ba? Sabi ko, parang binabartolina nila ako. Hindi ko naman inaano ang Channel 23. Kasi siyempre, di ba, galing ka do'n sa ABS? Galing ka sa noontime, every day. Tapos, parang ang hirap naman sa sitwasyon ko. Tapos, pag hindi ka nag-rate do'n, 'Sorry, hindi ka na nagre-rate, tatanggalin ka na naman namin.'
Napakasakit sa isang... Alam n'yo itong ginagawa kong 'to, hindi lang para sa akin. Ito'y para sa lahat ng artistang nararamdaman nila ay napapabayaan sila. Ito'y maaaring eye opener sa lahat ng mga kababayan, kapamilya, kapuso, o kapatid diyan.
"Meron kasing sinabi do'n si Boss Gabby na 'Artists may come and go, but the institution stays.' But remember this, sa lahat sa atin sa industriya, pag walang artista, walang network. Tandaan n'yo to, kahit anong ganda ng camera n'yo, kahit anong ganda ng equipment ng lahat, pag walang artista na nagmamahal sa programa n'yo, hindi ka magre-rate. Pag walang artista na nagmamahal sa kapwa n'yo staff, walang magmamahal sa 'yo, sa programa na 'yan. Kung camera lang 'yan at dingding lang ang makikita, walang rate yung channel.
And I believe, lahat ng mga bituin sa lahat ng channels, napakalaking bagay na ginawa ng kahit na maliit na artista sa mapalaki, isa lang ang pakay namin diyan—makapagbigay ng entertainment sa buong bansa at sa buong mundo. So I believe also na ang maliliit na artista at malalaki, dapat magsama-sama. Hindi tayo pupuwedeng lagi lang oo nang oo. Tandaan n'yo, lahat ng istasyon na 'yan ay laging nakatayo, pero pagtanda natin, kailangan natin ng pampagamot sa pamilya natin, sa sarili natin. I think that is the most important thing, mahalin natin ang sarili natin.
Ang sinabi ko dati sa staff ko, pag nagsasalita ako sa kanila, mas mahalin n'yo ang trabaho n'yo kaysa sa pamilya n'yo. Alam n'yo kung bakit? Eto ang magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa pamilya n'yo. Dahil kung wala kang trabaho, wala kang ibibigay na magandang kinabukasan para sa pamilya mo. It's all professionalism.
Ang gusto ko dito, and I'm sure ang mga staff ko, alam nila lahat 'yan. Ibinigay ko sa staff ko yung dapat lang para sa kanila. Talagang minahal ko sila nang lubos-lubusan. At ang importante ho dito, yung bituin, yung stars ng bawat istasyon, inaalagaan, minamahal, at talagang binibigyan ng importansiya. Yun po ang importante do'n. Kung may sakit, kung may nagkakamali, di ba, kinakausap. At dapat, ang ginagawa diyan, hindi naman yung nine-neglect. Datapwat, tinuturuan pa at lalo pang mahalin.
Is there politics playing in this case?
Willie: What do you think? Basta at the end of the day, ang importante rito sa lahat ng programa ng istasyon is magbigay tayo ng saya at magbigay tayo ng tulong. Kung lalagyan ng politics, hindi maganda. Kasi dapat ang purpose ng isang istasyon is to give happiness, especially yung mga may karamdaman.
Ako nga, yung mami-miss ko talaga sa araw-araw, yung mga naka-wheelchair, yung mga special children, yung araw-araw na kinakantahan ko. Malaking bagay sa akin 'yan. Na-miss ko yun at gagawin ko ulit 'yon pag ako'y nakabalik saan man.
Iniyakan mo ba itong mga pangyayaring ito? Naiyak ka ba?
Willie: Hindi na, kasi... A, naluha lang ako kahapon [August 8]. Kahapon kasi nung mag-isa ako sa bahay, tinawagan ako ni Lito Camo, kaibigan ko. Sabi niya, 'Pare, may sasabihin ako sa 'yo.' Eto, sinasabi ko na lahat ng totoo. Nung mga ilang days, months, hindi ako umiiyak kasi sanay na 'ko, e. Ilang beses na ako tinerminate sa ABS, dalawang beses, talagang termination. Sanay na ako ng nagaganito nila ako. Bumabalik ako kasi iniisip ko yung publiko, yung tao. Sila ang priority ko, e. Kahit na ako'y saan pumunta, kahit na magbaba na ako ng pride ko, basta babalik ako para sa kanila.
Kahapon, si Lito, tinawagan ako, sabi niya 'Boy, kausap ko si Direk Bobot [Mortiz, creative director of Wowowee], ibabalik ka na raw ng ABS. Babalik ka na raw sa noontime. Babalik na raw ang Wowowee.' Kahapon lang ako naluha. Parang feeling ko, huli na. Nakapagdesisyon na ako. Bakit? Bakit ngayon lang? Bakit hindi last week? Bakit nung two weeks ago? Bakit 'etong bukas na ako magpe-presscon? Hindi ko alam kung bakit.
Parang vindicated na ako sa buhay ko. Para ibalik nila ako ulit, masaya na ako... Hindi ko alam kung ide-deny nila 'yan, pero galing 'yan kay Direk Bobot Mortiz, na may mga text pa raw na ipinakita from the management. Until kanina, they want to talk to me, gusto nila akong kausapin. Pero nakapagdesisyon na ako na tapos na ko sa ABS CBN.
Ano ang moral lesson na natutunan sa mga nangyari?
Willie: Well, ang una para sa sarili ko, ang moral lesson nito ay talagang dapat ang mga nakakasama mo sa industriya, ang nakakasama mo sa buhay, hindi ang negative ang sinasabi sa 'yo lagi. Sa araw-araw na paglabas mo sa telebisyon, dapat inspirasyon. Kung magsusumbong ka, kung makikinig ka lang kung kani-kanino, e, pagod ka na, marami kang pinagdadaanan. So, nag-i-stop ka, e. 'Yan ang isang bagay sa sarili ko na dapat kong ayusin. Na dapat ang buhay na ito, i-relax ko na lang talaga. Kung gusto ko talagang magsilbi, tumawa ka na lang, isa 'yon.
At ang isa pang pinakaimportante, dito mo nakikita yung tunay na tao at ang tunay na kaibigan mo pag sa ganitong may delubyo ang buhay mo. Sa lahat dito sa industriya natin, dito mo lang makikita pag down na down ka, kung sino talaga ang mga nagmamahal sa 'yo. Pero pag up na up ka, andaming dumadalaw sa 'yo, andaming tao sa dressing room mo, andaming nandito, andaming pumupuri sa 'yo. Pero pag down ka, iilan na lang ang tunay mong kaibigan na nagmamahal sa 'yo, at may mga bago kang nakikilala na tunay na kaibigan sa pamamagitan ng pangyayaring 'to.
Lahat ng ito ay lesson, e. Lahat ng ito'y pagsubok. And I think it is God's will sa buhay ko. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa ABS, sa buhay ko, wala akong pinagsisisihan. Nagpapasalamat pa ako dahil nangyari 'to ngayon dahil natututo tayong lahat at natuto rin ako sa buhay.
Nag-usap na kayo ni Mr. Gabby Lopez. But how come na noong hindi ka nakabalik, ang nakipag-usap sa 'yo ay si Ms. Linggit Tan? May tampo o galit ka ba kay Mr. Gabby Lopez?
Willie: Wala ako ni isang konting galit o tampo, wala. Ang iniisip ko dito ako na, e. Marami din akong plano sa buhay ko. I want to put up my own network in the future. So, meron akong sariling mga plano sa buhay, at talagang gusto ko lang gawin magpasaya at tumulong. So, lahat naman tayo, gusto nating umasenso. Isa 'yan sa mga plano ko. Pero regarding kay Boss Gabby, sobrang pasasalamat ko kay Boss Gabby, sa lahat sa kanila sa ABS-CBN.
May sumama ba sa 'yong staff ng Wowowee nung mawala ito sa ere at pinalitan ng Pilipinas Win Na Win!? Kung magkakaron ka ng bagong show, isasama mo ba sila?
Willie: Well, lahat ng gustong sumama sa akin kung sakali in the future, isasama ko. Mahal ko ang staff ko, e. Kahit sino sa kanilang gustong sumama sa akin, isasama ko 'yan. Isasama ko 'yan hindi dahil sa programa lang. Kasama ko 'yan sa buhay ko. Kung anong pag-asenso ko, aasesnso rin 'yang lahat ng 'yan. Marami akong plano sa staff ko, e. Gusto ko, lahat sila magkabahay... Natutuwa ako na umaasenso yung kasama ko sa programa.
At the same time, kinausap ako ng mga staff. Sabi ko, 'Huwag kayong umalis diyan. 'Yan ang buhay n'yo, 'yan ang magpapakain sa pamilya n'yo.' Hindi ako yung gano'ng klase ng tao na dahil may galit...hindi. 'Diyan lang kayo.' Kaya walang nawalang staff, nando'n pa rin sila. 'Mahalin n'yo 'yang programang 'yan.'
Binanggit mo na "former manager" mo na si Ms. Arlene de Castro. Ibig bang sabihin nito ay may bago ka nang manager?
Willie: No. I have a production. Gusto kong magtayo ng sarili kong production. It's Wil Production Incorporated. Sarili ko na ang magma-manage sa akin para magawa ko yung gusto ko.
Maraming mga taong nag-a-advise sa 'yo. Pero may isa bang tao na nagpapasaya sa 'yo? Special girl na nakasuporta sa yo?
Willie: Alam mo naman ako, in the service of the Filipino women! [laughs] So, yun lang nagpapasaya sa akin... Yung personal kong buhay ngayon, gusto ko sa akin na lang. Kung meron man akong nakakasama at nagugustuhan, gusto ko, kung sinong babae, kawawa naman, di ba? Yun lang, gusto ko sa akin na lang yun.
(Samantala, nagbigay na rin ng pahayag ang ABS-CBN tungkol sa mga pahayag ni Willie. Ayon sa kanilang statement, walang karapatan si Willie na tapusin ang kanyang kontrata unilaterally. May obligasyon pa rin daw sa kanila ang TV host hanggang September 2011.)
(CLICK HERE to read related story.)