Si Krista Ranillo na ang napili para maging leading lady ni Ryan Agoncillo sa bagong telenovela ng ABS-CBN na Pieta.
Gagampanan ni Krista ang role ni Martha na originally ay ginampanan ni Vivian Velez sa movie version nito noong 1983. Si Ryan ang gaganap sa papel na unang ginawa ng yumaong Ace Vergel at si Cherie Gil naman ang natoka sa role ng yumaong Ms. Charito Solis.
Ito na raw ang biggest role na naibigay kay Krista sa telebisyon. Kadalasan daw kasi ay puro supporting roles lang siya. Ngayon ay pambida na raw siya.
"I'm very happy because I didn't expect na ibibigay nila sa akin ang role that was originally played by Ms. Vivian Velez. Nakakagulat na napili nila ako among the many actresses in the network. I will do my best to really impress them. Para hindi sila magsabi na nagkamali sila sa pagpili sa akin," ngiti pa ni Krista nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nai-launch na bilang isang mature and sexy actress si Krista sa pamamagitan ng pelikulang Paupahan. Napuri nga ang ipinakitang performance doon ni Krista pero nagkaroon naman siya ng problema sa relasyon niya sa kanyang amang si Mat Ranillo III dahil sa sexy image na pinili niya.
"Okey na kami ni Daddy ngayon. Matagal na naming naayos ang problema. He already accepted the fact na hindi na ako yung dating batang Krista na he needs to protect all the time. Nagugulat lang siya because mature na ako mag-isip at kumilos kaya he gets so emotional.
"I promise him naman na wala akong gagawin na ikakahiya niya. Hindi naman ako papayag na masira ang pangalan ng pamilya namin. Puro magagandang bagay lang ang gagawin ko para proud sila sa akin."
Happy din naman daw ang boyfriend niyang si Direk Dominic Zapata sa mga nangyayari sa career niya.
"He's mas overwhelmed kesa sa akin. Ang bilis daw kasi ng mga pangyayari. Kelan lang daw ako nakabalik as a sexy actress, ngayon nasa isang malaking drama show na ako. He's happy for me and I love the way he shows his support sa akin kahit na nasa ibang network ako."
Si Dominic ay ang director ng iba't ibang GMA-7 shows tulad ng Ako si Kim Samsoon at Zaido. Bukod sa paglabas sa ABS-CBN, si Krista naman ay kasama rin sa cast ng series na Hush-Hush ng TV5.
