PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiza Seguerra launches international album in Eastwood

Her 18-track album Open Arms is now certified Gold in Singapore.
by Glen Sibonga
Published Oct 4, 2008
Aiza Seguerra's latest album Open Arms is exclusively distributed by Star Records in the Philippines. Produced by S2S Productions, this 18-track album is now certified Gold in Singapore.


Kahanga-hanga at brilyong-brilyo pa rin ang boses ni Aiza Seguerra during the successful launch ng kanyang international album na Open Arms na ginanap sa Eastwood City Central Park sa Libis Quezon City kagabi, October 3.

Hindi man lang kinaringgan ng pagkapagod sa boses ni Aiza ang mga nanonood kahit na 18 songs ang kinanta niya sa naturang launch cum mini-concert kabilang na ang mga tracks sa kanyang bagong album gaya ng carrier single na "Home," "Open Arms," "Over The Rainbow," "Vincent," "Smooth Operator," "Time After Time," "I Can't Make You Love Me," ang favorite song ng kanyang Mommy Caring na "Longer," at ang bonus track na "Para Lang Sa ‘Yo."

Kumanta rin si Aiza ng mga songs na hindi kabilang sa Open Arms album niya gaya ng "Runaway," "Kiss From A Rose," "Ipagpatawad Mo," "Huling El Bimbo" at ang first hit single niyang "Pagdating ng Panahon" na talaga namang pinalakpakan ng husto ng mga nanonood kasama na ang mga invited press people including PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Aiza, ang "Pagdating ng Panahon" ang "Kantang nagbukas ng pintuan para makakanta ako at muling makabalik sa eksena." Habang kinakanta naman ni Aiza ito ay namataan naman ng PEP si Mommy Caring na napaiyak. Hindi raw maiwasang maging emosyonal ni Mommy Caring dahil aniya parang bumalik ang nakaraan na muling tinangkilik ng mga tao si Aiza, from acting to singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

That night nga ay muling in-award ng Star Records sa pangunguna ng head nito na si Annabelle Regalado-Borja kay Aiza ang Gold Record Award na nakamit ng kanyang Open Arms album under S2S Productions sa Singapore. Una na kasing ibinigay ang naturang award sa ASAP ‘08 last September 28. Dagdag karangalan na naman ito sa kanyang Quintuple Platinum at Double Platinum Awards na nakamit noon sa mga nauna niyang albums.

Ang international album na ito ni Aiza ay dinomina ang Singapore Jazz Chart for three weeks para sa kantang "Smooth Operator." Produced ang album ng S2S Productions, a recording label sa Singapore. Na-release din ang album sa iba pang Asian countries gaya ng Taiwan, Malaysia, Hong Kong, Vietnam, Indonesia, Japan, at Thailand. Dito naman sa Pilipinas ang Open Arms ay exclusively distributed by Star Records.

AIZA STRIKES GOLD. After ng album launch cum concert ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na ma-interview si Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon po ang formal launch ng album, pero nai-launch ko na po ito before sa TV. Officially it's gold na sa Singapore and sana mag-platinum."

So after the launch, saan ba pwedeng abangan ng mga fans niya si Aiza?

"May mga mall shows po, pero hindi talaga ako nagkakaroon ng big, big concert, e."

Ano ang pakiramdam ng isa nang international singer?

"Siyempre po masaya dahil to be able to sing sa larger audience, mas malaki. Very fulfilling talaga. It's a surprise that people outside the Philippines enjoy the music I make. Earning an international gold record award is a very overwhelming achievement."

Bakit "Home" ang carrier single?

"Kasi kapag pinakinggan mo talaga yung buong album, very melancholic talaga yung dating, pwera lang sa "Smooth Operator." Itong "Home," ito ang pinakabagay dito sa atin. Sa Singapore kasi ang unang inilabas nila yung "Smooth Operator." Yun ang nag-number one doon. Kaya siya nasa jazz chart. E, dito naman kasi sa atin, yung mga nakasanayan si Aiza Seguerra, siyempre mas gusto yung mellow."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit wala yatang fast songs sa album na ito?

"No, sa Singapore kasi iba eh. Dito sa Philippines kasi kahit ballad na singer ka naglalagay ng fast songs para buhay.. Sa kanila pala hindi. Sinabi yan sa akin ng pinaka-boss ng S2S na si Mr. Ken Suzuki. Sa kanila daw pag sinabi mong melancholic yung mga kanta mo, doon ka lang. Hindi ka pwedeng magkaroon ng super fast songs. Actually, may mga hindi natanggap na areglo dito sa album na ito kasi masyado raw mabilis. Gusto nila talaga uniform yung tunog."

Choice ba niya lahat ng kantang included sa album?

"Parang ganu'n. Kasi po they gave me a list of 20 songs, doon po sa 20 songs na yun namili ako ng 15, doon sa 15 namili sila ng 8 songs. Tapos nagsama sila ng iba na galing sa set na kinakanta namin talaga. Then may bonus track na Tagalog, yung "Para Lang Sa ‘Yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano pinakaborito niya sa lahat ng tracks sa album?

"Pinaka-favorite ko? Sa totoo lang, hindi sa ano, walang kaplastikan, pero natutuwa ako sa lahat ng areglo bukod sa gusto ko yung mga kanta. Gusto ko yung ‘Vincent,' gusto ko yung ‘Home,' gusto ko yung ‘I Can't Make You Love Me,' gusto ko yung ‘Journey.' Sa totoo lang lahat kasi malapit sa puso ko eh. Lahat kasi ng cuts sa album pwera lang yung mga existing na Persistent Rain, I'll Be There For You at saka Para Lang Sa ‘Yo, na galing sa previous album ko, yung 10 cuts na bago lahat kasi yun pinagtrabahuhan talaga namin. Kasi ayaw nila, and ayaw namin ng mga synthesizers, ayaw namin ng mga naka-program na mga kanta. So lahat yun talagang real instruments ang gamit. So, lahat yun talagang baby namin."

Sa Singapore ba siya nag-recording?

"No, dito po kami nag-recording sa Pilipinas."

So, anong ginawa niya para sa promotion sa Singapore ?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpunta na po ako doon. I did a mini-show para sa mga distributors and retailers nila. Babalik po ako sa Singapore ng October 25 and 26 kasi meron silang mga shows na ginawa para sa promotion ng album."

SINGAPORE EXPERIENCE. Nagkuwento rin si Aiza tungkol sa naging experience niya sa kanyang first mini-show sa Singapore.

"Actually, yung nag-show ako doon, maliit lang yun, e, parang sa isang restaurant lang. Para lang maipakilala ako sa mga retailers nila at mga distributors, at saka may konting press. So, parang private show lang. Kinakabahan ako kasi unang-una ang Pinoy doon tatlo lang, lahat sila puro Singaporeans. Iba, kasi dito kahit paano syempre matagal na ko dito sa Pinas eh, so alam ko na yung gusto ng Pinoy. Turf ko na kumbaga. Unlike doon na sobrang nangangapa ako kasi unang-una hindi ko alam kung bakit nila ako gusto, kung bakit nila ako kinuha. Hindi ko alam kung ano yung expectations nila sa akin. Pero okay naman ang kinalabasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posible bang ma-duplicate ng album na ito ang Pagdating ng Panahon?

"Sa totoo lang po, after ng Pagdating ng Panahon... kasi hindi ko naman ine-expect na magiging ganu'n kalakas ang Pagdating... so with this new album hindi ako nag-e-expect ng anything. As long as I'm happy. Kumbaga kung mag-hit siya ng super-duper kagaya ng Pagdating or more, wow bonus na yun. Basta ako alam kong masaya ako sa ginagawa ko. At alam kong may mga napapasaya akong mga tao sa pagkanta ko, mag-super hit man siya o hindi, okay lang sa akin yun."

Ayon sa Star Records, si Aiza raw ang first major recording artist sa kanilang bakuran na nagkaroon ng international album. So, how does it feel?

"Siyempre I feel good. Kumbaga Star Records made it very easy din for me. Sila na kasi ang nakipag-usap sa lahat. Kaya ang laking ginhawa rin sa akin. Kaya ako nag-concentrate na lang sa paggawa ng music, ng areglo. Malaking bagay yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lastly, anong song sa album ang dedicated para sa minamahal niyang si Chen?

"Ang gusto namin talaga yung ‘Home' kasi parang ever since na nagsisimula ako nandu'n siya lagi nagsusuporta sa akin. And there are times na hindi kami magkasama, pero alam ko na lagi akong may uuwian. So, ayun ‘Home.' Ang corny ng tanong mo," sabay tawa ni Aiza at pagtatapos na rin niya sa panayam ng PEP.

Read Next
Read More Stories About
Aiza Seguerra, album, music
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiza Seguerra's latest album Open Arms is exclusively distributed by Star Records in the Philippines. Produced by S2S Productions, this 18-track album is now certified Gold in Singapore.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results