PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nene Tamayo stars in the stage play A Streetcar Named Desire

This play will be staged at Cinema 9, SM City Manila until September 27, 2009.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 1, 2009
Pinoy Big Brother Season 1 winner Nene Tamayo (seated) is cast as Stella Kowalski in the stage play A Streetcar Named Desire. Her husband in the play, Stanley Kowalski, is portrayed by Eric Tai (standing).

Tapos na ang kontrata ng Pinoy Big Brother Season 1 grand winner na si Nene Tamayo (na mas kilala bilang si Kumander Nene) sa ABS-CBN last July 25, 2009.

Nang tanungin ng Philippine Entertainment Portal kung magre-renew siya or lilipat sa ibang istasyon, partikular na sa kalabang network ng Dos, ang GMA-7, ang sagot ni Kumander Nene ay hindi niya alam kung magre-renew siya at kung kailan, or maaari rin namang hindi na siya mag-renew.

Tungkol naman sa paglipat sa Kapuso channel, hindi naman isinasara ni Kumander Nene ang pintuan ng oportunidad.


Three years namalagi sa Kapamilya Network si Kumander Nene dahil pumirma siya ng kontrata sa Dos noong January 15, 2006.


Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan niya ay ang pagganap sa isang stageplay sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ay ang A Streetcar Named Desire na nagkaroon ng first run noong Linggo, July 26.

Ito ay tungkol sa isang aging high school English teacher na nakatira sa Laurel, Mississippi. Ang karakter na Blanche DuBois ay ginagampanan naman ng FHM cover girl for August, si Paw Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagampanan naman ni Nene ang papel bilang Stella Kowalski at ang modelo at ang baguhang aktor naman na si Eric Tai ay gaganap bilang si Stanley Kowalski na asawa ni Stella.

Marami ng commercials na nagawa si Eric na isa ring ramp model, dancer, at hip hop instructor. Isang Australian national si Eric.

Ang stageplay na ito (directed by Mel Magno at mula sa Seventh Stage Production House) ay ipapalabas sa Cinema 9 ng SM City Manila mula July 26 hanggang September 27, 2009.

Sa ngayon ay tuwing araw lang ng Linggo muna mapapanood ang play (two shows a day, 11:30am and 2 pm) pero kapag naayos na ang iba pang schedules ay mapapanood rin ito tuwing Sabado at madadagdagan ng isang show bawat araw.

Ayon kay Nene, nag-enjoy raw siya nang husto sa pinaka-una niyang pagsabak sa teatro.

"Nakakaaliw ang reaction ng audience. Iyon ang maganda, nakikita at naririnig mo ang reaksyon sa ‘yo ng mga nanonood," sabi ng PBB winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time rin ever na nakipag-kissing scene si Nene; dahil mag-asawa ang papel nila ni Eric, may mga kissing scenes sila sa play.


Sa tanong kung ninerbiyos siya or naalangan, hindi naman raw, trabaho raw ang ginagawa nila kaya walang rason para mailang siya or nerbiyusin.

Ang A Streetcar Named Desire ay isang classic movie noong 1951 na pinagbidahan nina Vivien Leigh (bilang Blanche DuBois), Kim Hunter bilang Stella Kowalski at Marlon Brando bilang Stanley Kowalski. Ito ay base sa play na sinulat ni Tennessee Williams noong 1947.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother Season 1 winner Nene Tamayo (seated) is cast as Stella Kowalski in the stage play A Streetcar Named Desire. Her husband in the play, Stanley Kowalski, is portrayed by Eric Tai (standing).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results