PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ON THE SET: "Dyesebel" last taping day

Dingdong Dantes and Marian Rivera have taped their final scenes together for this GMA-7 fantaserye.
by Glen Sibonga
Published Oct 9, 2008
Dyesebel (Marian Rivera) and Fredo (Dingdong Dantes, inset) will bid farewell as their primetime show Dyesebel ends on GMA-7 next week.


Pinalad ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makabisita noong October 7 sa set ng Dyesebel, na ginanap sa poolside ng Danarra Hotel sa Quezon City. Salamat sa paanyaya ng PR specialist ng GMA-7 na si Jhops Cruz kaya nakakuha ang PEP ng mga on the set photos bago pa man magtapos ang Dyesebel next week.

Kinunan ang mahahalagang eksena sa pagtatapos ng naturang fantaserye, kabilang na ang underwater lambingan ng mga bidang sina Marian Rivera as Dyesebel at Dingdong Dantes as Fredo, na mala-MTV ang dating. Sa eksenang ito ay may kaliskis at hasang na rin si Fredo.

Ayon nga kay Dingdong, tatlong oras daw ikinabit yung prosthetics na kaliskis na gawa sa silicon material, pero fifteen minutes lang daw ang pagtanggal dito. Kaabang-abang din daw sabi ni Dingdong, ang pakikipaglaban niya sa isang giant sea creature na isa sa sa maraming highlights sa nalalapit na pagtatapos ng Dyesebel.

Last taping na bale ito ni Dingdong dahil kinabukasan, pumunta na siya sa Amerika para dumalo sa kasal ng isang kaibigan at makapag- vacation na rin siya for a week. Sina Marian at ang iba pang cast members ay may taping pa until next week. So, ibinaon pala ni Dingdong papuntang Amerika ang magagandang alaala ng lambingan nila ni Marian sa Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinunan din kagabi ang underwater fight scene nina Marian at Bianca King, na gumaganap naman bilang kontrabidang si Betty. Maging si Betty ay isa na ring sirena. Pati si Bianca ay nilagyan ng prosthetics na kaliskis at buntot na kulay red.

Nakausap ng PEP sina Marian at Dingdong during the break at tinanong namin ang pakiramdam nila sa pagtatapos ng Dyesebel.

"Nakakalungkot kasi alam mo nung nag-spiel kami kanina doon ko na-realize na six months na pala siya, actually even more that six months. Nakakalungkot dahil ang saya sa set, kasi noong una para lang kaming naglalaro. Exciting yung sa Palawan, mami-miss ko yun. Tapos hayan all of a sudden ending na. Sabi nga all good things must come to an end," sabi ni Dingdong.

"Malungkot kasi iba yung bonding namin dito. At mami-miss ko silang lahat lalo na si Direk Joyce [Bernal]. Si Dong hindi ko mami-miss, joke, hahaha!" biro naman ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo namang hindi nila mami-miss ang isa't isa dahil after ng Dyesebel ay muli silang magtatambal para sa panibagong teleserye ng GMA-7, ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Pero bago ang kanilang bagong soap ay uunahin muna nilang tapusin ang pelikulang One True Love under GMA Films at Regal Films kung saan makakasama nila si Iza Calzado sa isang love triangle story.

During the duration ng Dyesebel, ano pa ba ang na-discover sa isa't isa nina Marian at Dingdong, kahit pa nga sabihing pangalawang teleserye na nila ito after Marimar?

"Marami pa. Actually ano naman, palagi ko namang sinasabi na habang tumatagal yung pagsasama namin ni Dong marami pa akong bagay na nalalaman na mas nakikilala ko pa siya, mas maraming magagandang bagay. Basta alam ko na naging masuwerte ako na naging ka-partner ko siya," tugon ni Marian.

Ayon naman kay Dong, "Mas lalo kong na-prove na mabait si Marian. Akala ko kasi dati, siya yung matapang, na parang palaban, pero sa totoo lang napakabait niyang tao. I alaways see her best side."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakausap din namin si Direk Joyce Bernal at ayon sa kanya, "Heto matatapos na yung good bonding. We're moving on to a new show siguro. Pati sina Marian at Dong panibagong programa na naman for sure. Actually, hindi lang yung Dyesebel ang pinanggalingan namin, mula Marimar pa. Ito yung pinasok ko sa GMA-7, now tapos na naman. Mami-miss ko silang lahat."

Ayon kay Direk Joyce, hindi pa raw niya sure kung siya pa rin ang magdidirek ng bagong show na pagasasamahan muli nina Dingdong at Marian. As of this writing, hindi pa raw siya kinakausap ng GMA-7 tungkol dito.

Nakakuwentuhan din namin sa taping si Vaness del Moral, na gumaganap ding sirena, pati na rin ang mga namumuno sa produksyon tulad nina Ms. Cheryl Ching-Sy (program manager) at Ms. Lilybeth Rasonable, (supervising producer).


Click HERE to view behind-the-scenes photos of Dyesebel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dyesebel (Marian Rivera) and Fredo (Dingdong Dantes, inset) will bid farewell as their primetime show Dyesebel ends on GMA-7 next week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results